CHAPTER 36

2.9K 118 38
                                    

"Anong room number ni Athena Mendez?" Tanong ko sa front desk.

Nasa hospital ako ngayon, at gusto ko nang komprontahin si Athena. Sumosobra na kasi s'ya, dahil sa kan'ya nag-away na naman kami ni Sergie kahapon. Anong oras na kasi s'ya umuwi.

"Bakit ngayon ka lang?" Tanong ko kay Sergie pagpasok nito ng pintuan. "Alam mo ba kung anong oras na?"

Wala naman akong nakuhang sagot mula kay Sergie. Dire-diretcho lamang ito kung lumakad habang hindi ako tinatapunan ng mumunting atensyon.

"Alam mo ba three pm na, at umalis ka ng ten am. Dapat kaninang one pm ka pa umuwi." Pagcoconclude ko. "Saan ka pumunta at inabot ka ng dalawang oras? Natraffic ka ba—"

"The fuck,Camari! I'm tired. Bukas na lang tayo mag usap, please?"

"Wow!" Pumitik ako sa hangin. "Ngayon ikaw pa ang galit? Diba dapat ako?" Tinuro ko ang sarili ko.

"Pag-aawayan na naman ba natin ito, huh? Fuck Camari, you're too possessive over me!" Sigaw n'ya. "Hindi ka ba nakakaintindi na kailangan ako ng tao!?"

Bakit ako, hindi ba kita kailangan? Fiancee mo 'ko, kaya ako ang may mas karapatan sa'yo, pero bakit parang ako ang nakikiagaw ng atensyon at oras mo?

Napalingon naman ako sa paligid namin. Buti na lamang at wala pa sila Mommy, kasi kung andito sila, sobrang nakakahiya.

"Pagod ka pala, bakit ka pa pumupunta ng hospital?" Natatawa kong tanong. "Don't tell me nag-eenjoy ka na doon at nagbabalak ka na...na doon tumira." Wika ko sabay crossed arm sa harap nya.

Ngayon s'ya pa ang may ganang magalit. Ako, ilang oras akong naghintay sa kan'ya nagalit ba ako? Nag-tatanong lang naman ako kung saan s'ya pumunta tapos tumaas na agad ang boses n'ya.

"Camari naman, kailangan ako ng tao, huwag ka namang maging selfish." Wika nito. Hindi natuloy ang dapat na pag-akyat ni Sergie sa taas dahil lumiko ito at agad na lumabas ng bahay.

"So ngayon, ako pa ang selfish, ha?! Ako pa?!" Sigaw ko sa kan'ya habang sinusundan s'ya ng tingin, ngunit dire-diretcho lamang naman ito kung lumakad papalabas ng gate.

"Sorry, Ma'am, pero hindi po kami basta-bastang nagbibigay ng mga information about sa mga ganitong cases ng patients namin." Sagot ng babaeng front desk sa hospital matapos icheck ang computer na nasa harap n'ya.

"I'm her cousin." Pagsisinungaling ko sa kan'ya. Sa tingin ko kasi ito na lamang ang tanging paraan para malaman ko kung ano ang room number ni Athena.

Napatikhim naman ako nang makitang nag-aalangan pa ang babae kung ibibigay ba n'ya ang information tungkol sa patient nila o hindi.

"Ward five, room d-twelve, under Doctor Rivera."

Napangiti naman ako sa sarkastiko nang sabihin na nito ang room number ng patient nila.

"Thank you, nurse." Pagkatapos nito umalis na ako sa harapan n'ya at nagsimula nang maglakad. Habang naglalakad may iilang mga pasyiente akong nakakasalubong. Ang ilan ay nakawheel chair, nakadextrose, nakahiga sa kama at tinutulak ng mga nurse, ang iba naman ay solong naglalakad.

Kaagad akong pumasok sa elevator nang nasa tapat na ako nito.Sa pagkakaalam ko kasi ay fourth floor pa ang room number na ito. Agad kong pinindot ang fourth floor. Mayroon namang akong kasama sa loob ng elevator at nurse s'ya may kasama s'yang pasiyenteng matanda.

Naramdaman ko kaagad ang pag-aakyat ng elevator at parang nahihilo ako dito, pero hindi ko naman ito pinahalata.  Dapat pala naghagdan na lang ako, pero kung maghahagdana ako paniguradong matatagalan ako at hihingalin

If We Meet Again (Rich Girls Series #1)  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon