CHAPTER 25

2K 77 5
                                    

"O my gosh I'm very excited to see the pink sand!" Malakas na sigaw ni valkyrie habang winawagayway ang dalawa n'yang kamay.

"Hoy, huwag ka ngang magalaw!" Puna ni Yvette. Sila kasing dalawa ang magkatabi sa bangka.

Nasa bangka kami ngayon at papuntang ng Santa Cruz Island. We're eight in the group kasama na dito ang dalawang tour guide? I don't know who are they, basta kasama namin sila ngayon.

Nasa bandang likod kami ni Sergie at kaming dalawa lamang ang nandito. Naalala ko tuloy 'yong kanina sa kwarto.

"Ugh!" Nakakagigil wala akong mapaglagyan ng gamit ko!

Anong paglalagyan ko? Maleta? Nakakagigil! Hindi naman kakasya ang mga damit, sunblock, lotion, moisturizer, powder, at kung anu-ano pang borloloy ko sa Hermes bag ko! Ang liit liit no'n!

"Hey, why are you frowning?" Tanong ni Sergie sa akin habang kakapasok lamang sa kuwarto ko at may dala itong back pack.

Ang sabi n'ya sa'kin kanina ay pupunta lamang s'ya sa kabilang kwarto at may kukunin. Back pack ba ang tinutukoy n'yang kukunin sa kabilang kuwarto?

Umupo naman muna ako sa hamba ng kama sabay crossed arm.

"Tsk. Wala kasi akong backpack! At hindi naman magkakasya ang lahat ng burloloy ko sa handbag ko!" Sigaw ko sabay sabunot ng buhok.

Nakita ko namang tumawa si Sergie kaya napahinto ako. Tumabi ito ng upo sa akin.

"'Yan lang ang problema mo?" Natatawang tanong nito sa akin.

Nilalang lang n'ya ang problema ko? Anong akala n'ya? Madaling problema lang 'yon?!

"Anong lang, ha?! Hindi ka kasi babae kaya hindi mo naiintindihan!" Singhal kong sabi habang pinaglalakhan s'ya ng mga mata.

Nakakagigil! Wala na nga akong menstruation ngayon, pero 'yong init ng ulo ko hindi pa rin nawala-wala!

"Tsk," Iling-iling nito habang nakangiti. "Here, get it." Wika nito sabay bigay ng back pack n'ya sa akin.

"Anong gagawin ko dito?" Inosente kong tanong sabay kuha ng back pack n'ya.

"Kainin mo baka edible."

Naningkit naman ang dalawa kong mga mata nang marinig ko ito mula sa kaniya. Kung para sa kaniya biro lang iyon, well for me it's a sarcasm!

"Ha ha ha ha! Funny." Tawa ko rin sabay hampas sa kan'yang balikat.

Napahinto naman si Sergie sa pagtawa.

"I'm just kidding, babe. Don't take it serious." Aniya nito sabay yakap sa akin.

Ako naman ngayon ang napahinto. Tama ba ang narinig ko? Tinawag n'ya akong babe o baka naghahallucinate lang ako?

He's now resting his chin on my shoulder. I don't know how to react or respond on it. Nanatili na lamang akong nakaupo at hindi gumagalaw. Makalipas ang ilang segundo, si Sergie na mismo ang tumanggal ng kan'yang dalawang braso na nakayakap sa akin.

"I'm just kidding, okay?" Malambing n'yang saad. "So, ganito na lang.. dito mo na lang ilagay ang lahat ng gamit mo." Wika n'ya sabay tayo sa pagkakaupo.

Tumango naman ako bilang sagot at ngumiti. Napabaling ang atensyon ko sa salamin. Nakikita ko ang kan'yang sarili na nginingitian ako kaya ginantihan ko rin s'ya ng ngiti.

Sana ganito na lang kami palagi.

Wala na akong sinayang pa na oras, kaagad ko nang inilagay ang lahat ng dadalhin ko sa back pack ni Sergie.

If We Meet Again (Rich Girls Series #1)  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon