CHAPTER 20

2.2K 82 2
                                    

"Camari." Tawag sa akin ni Sergie sa loob ng banyo.

"Bakit?" Tanong ko sa kaniya habang nakahigang naghihintay sa kaniya na matapos maligo. Pagkatapos niya kasi ako naman ang susunod na gagamit ng banyo.

"I'm done." Narinig ko ang pagbukas ng pinto kaya napalingon ako sa kaniya.

Nag-aya kasi s'ya sa akin kagabi na labas daw kami, gala kumbaga. Pero kahit hindi n'ya sabihin I know in myself na he wants a date, sounds ambitious, right? Pero 'yon ang nafe-feel ko habang sinasabi nya 'yon  sa akin kagabi.

Pagkalabas ni Sergie kaagad akong pumasok sa loob ng banyo para makapag-half bath na. Kanina pa ako nangangati dahil sa napkin na suot ko. Ngayon na nasa loob na ako ng banyo kaagad kong isinampay ang mga dala kong mga damit sa sampayan dito sa loob ng banyo ko. Pagkatapos ko itong gawin kaagad kong nilinis ang katawan ko. Madali lamang akong natapos dahil hindi naman ako naligo. Pagkatapos kong punasan ang sarili ko gamit ang towel, kaagad kong sinuot ang mga dala-dala ko sa loob ng banyo. When I'm done with it, I instantly brush my hair using my fingers. Nakalimutan ko kasing dalhin ang suklay ko dahil sa pagmamadali kanina. Hindi naman ganoon katigas ang buhok ko para suklayin gamit ang mga daliri ko kaya kaagad akong natapos dito.

"Camari bilisan mo na!" Sigaw ni Sergie sa labas ng cr. Halatang naiinip na sa katagalan ko.

"Sandali lang lalabas na!" Sigaw ko pabalik habang chinicheck ang buo kong katawan sa salamin dito sa loob ng banyo.

Dahil excited ako sa magiging date namin ngayon madali lamang akong natapos sa mga routine na ginagawa ko bago at matapos na maligo. Iba talaga ang dala ng excitement sa isang tao.

Pagkalabas ko sa banyo napahinto ako at namangha kay Sergie. He's handsome with his polo shirt and black pants. Guwapo namam talaga siya pero ngayon ko lang na-apreciate ang kaga-gwapuhan nya. At ang linis niyang tingnan.

"Let's go?" Pag-aaya n'ya sa akin. Mukhang nagmamadali.

"Wait lang magsusuklay lang ako at mags-stiletto." Mabilis kong sabi sabay takb sa shoe rock para makakuha ng stiletto na susuotin.

Ni-logay ko lang ang buhok ko at nagspray ng dry shampoo, para hindi maging mabaho yung buhok ko, mahirap na at wala pa naman akong ligo.

Nang nasa may shoe rock na ako kaagad akong namili ng susuotin kong stilleto

"Mags-stilleto ka?" Tanong ni Sergie sabay squat ng upo para mapantayan ako na nakasquat rin ng upo.  Nasa pinakababa kasi ng shoe rock ang mga stiletto ko.

"Uhhuh." Simpleng sagot ko habang hindi sya nililingon. Sinabi ko ito sabay kuha ng brown stiletto.

Tumayo agad ako at umupo sa hamba ng kama para masuot ang stiletto.

Napalingon naman ako kay Sergie na ngayon ay nakakunot na ang noo.

Problema niya?! Pangit ba ang stiletto na napili ko? Hindi ba bagay sa akin?

"Magrubber shoes ka na lang kaya? Baka kasi madapa ka diyan." Suhestyon ni Sergie sa akin sabay kuha ng isang lumang sapatos ko na kulay pink.

Napahinto naman ako at napawang ang bibig. He's concerned? Iyong totoo?! Concerned siya sa akin? Shit! Kinikilig ako!

"Thank you for your concerned." Tumayo ako. "But I can manage myself. I'm a model kaya." Paalala ko sa kan"ya sabay lakad para makita nyang kaya kong magsuot ng mataas na stiletto.

Nagkibit-balikat na lang naman si Sergie at hindi na nagsalita pa. He immediately put down my shoes.

"It depends on you, pero kapag natapilok ka..." Usal nya, habang pahina nang pahina ang boses niya hanggang sa hindi ko na marinig ang mga sinabi n'ya.

If We Meet Again (Rich Girls Series #1)  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon