CHAPTER 11

2K 97 7
                                    

Kadarating ko lamang sa bahay at dumiretcho kaagad ako sa kuwarto ko para ibuhos ang lahat ng luha na kanina ko pa kinikimkim. Hindi ko na nga pinansin sila Mommy kanina sa sala dahil sa pagmamadali.

"Camari, open the door." Katok mula sa pintuan. Boses iyon ni Mommy.

I immediately wipe my own tears using my bare hands, inayos ko na rin ang sarili ko para hindi halatang umiyak ako.

"Camari." Katok ulit sa pintuan.

"Wait lang." Sagot ko habang pinupunasan pa rin ang mukha ko.

"Oh, Camari anong nangyari sa mga mata mo? Umiyak ka ba?" Kaagad akong sinalubong ni Daddy ng tanong nang buksan ko na ang pintuan.

Ngumiti lang naman ako at tumalikod na. Kaagad akong dumiretcho sa kama ko. I don't to open this topic....again.

"Nothing, Dad." Simple kong sagot habang nakangiti para ipakita na ayos lang ako kahit hindi naman totoo. Ayaw ko lang silang mag-alala.

"Camari, anak ka namin, magulang mo kami, kaya alam namin kung malungkot ka, masaya ka ba o nasasaktan ka ba. Sabihin mo ang totoo, bakit ka umiiyak?" Saad ni Mommy sabay tabi sa akin ng upo habang si Daddy ay nasa harapan namin at nakatayo.

Ngumiti lang naman ako kay Mommy bilang sagot.  Hindi ko kasi alam kung ano ang isasagot ko sa kan"ya. Mukhang wala naman kasi akong kawala sa kanila.

"Ay, ang drama ni Mommy." Paglalambing ko kay Mommy sabay yakap sa kaniyang katawa habang tumatawa.

"Camari, sumagot ka, tinatanong ka namin ng maayos." Utos ni Daddy sabay squat sa tapat ko para mapantanyan n'ya kami ni Mommy.

Napabuntong hininga naman ako at inalis na ang dalawang braso sa bewang ni Mommy.

"Okay, I cried." Pagsasabi ko ng totoo pero pinipilit ko pa rin ang sarili ko na ngumiti.

"Oh, matanda ka na tapos umiiyak ka pa?" Usal ni Daddy sabay tawa.

"Daddy naman eh." Pag-iinarte ko sabay nguso sa harapan nila. Ang sama naman niya porque matanda na pala ako hindi na ako pwedeng umiyak?

"I'm just kidding, sweetie." Hindi kalaunan ay binawi na rin ni Daddy ang kaniyang sinabi kanina habang ginigulo ang buhok ko.

"So, what's the reason behind your teary eyes?" Si Mommy na naman ang nagtatanong sa akin ngayon.

"It's because of our Mall." I lied kahit na ang totoo ay dahil kay Sergie.

Ayaw kong sabihin kina Mommy kung ano ang totoong dahilan ng pag-iyak ko. Problema ko na ito kaya ako ang lulutas nito.

The big smile on Daddy's face instantly faded when he heard my answer.

"Bakit may nangyari bang...problema sa pagpunta n'yo doon?" Tanong ni Mommy at mukhang seryoso ito.

Nagpalaam kasi ako kina Mommy at Daddy kanina na magma-mall kami ng mga kaibigan ko. Sinabi ko rin sa kanila na baka gagabihin na ako sa pag-uwi.

"Wala naman. I just heard the complaints of our dearest customers about the stalls in our mall." Sagot ko sa tanong nila. Totoo ang mga sinabi ko. May mga narinig talaga akong complains at hindi ito mabuti sa isang kompanya. Konti na nga lang ang bumibili sa amin tapos aalis pa sila dahil sa mga complains nila? Hindi ako papayag.

Hindi naman sumagot sila Mommy sa mga sinabi ko, nakikinig lang sila sa mga susunod ko pang sasabihin.

"They complained na hindi daw kompleto ang lahat ng gamit sa mall natin. Ang mamahal pa rin daw kahit ber months na, wala pa rin daw sale. Tapos kanina habang naglalakad kami ng mga kaibigan ko may narinig kaming complained about sa dalawang customer na umorder daw sila sa ganitong fast food, tapos hindi pa pala daw naibigay 'yong order nila sa cook. Tapos kanina kumain kami sa fastfood at napansin ko na kokonti lang ang mga upuan doon. Kulang kumbaga." Mahaba kong ekplanasyon.

If We Meet Again (Rich Girls Series #1)  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon