☪️Chapter 21☪️ (Discharge)

1.1K 62 2
                                    

Skylie Ford POV:

"Sky, Sky." may tumatawag sa akin pero pinasawalang bahala ko na lang.

Parang ayaw kong imulat ang mga mata ko dahil inaantok pa ako.

"Ako na manggigising sa kanya." rinig ko sabi ni Tyler.

"At ano naman ang gagawin mo supot?" Tyron

"Hahalikan ko sya and for your information di ako supot nag patuli na ako remember." Tyler.

"Tsk. Wag na umalis ka nga dyan. Sky sky gising na aalis na tayo." Tinatapik tapik ako ni Tyron kaya napamulat ako.

"Bakit?" tanong ko habang kinusok kusot ang mga mata.

"Lalabas na tayo diba yan naman ang gusto mo at nasa baba si mom naghihintay na sya sa atin doon." agad akong napatingin sa kanya.

Ngayon na pala yun, mabilis naman akong bumaba ng kama pero pagkababa ko tinabunan ako ni Tyron ng kumot.

"What the anong ginagawa mo?!" tanong ko sa kanya at inaalis ang kumot sa ulo ko.

"Kita ang legs mo. Alam mo naman may mga manyakis dito." pagpaparinig ni Tyron.

Luminga linga ako at nakita kong nandito pa pala sila.

"Psh Yun lang eh parang buong katawan ko na binalot mo." Sabi ko.

Hinawakan nya ako sa balikat at inayos ang kumot. Sa balikad ko sinabit ang kumot.

"Asawa ko ito pala yung damit na susuotin mo." singit sa amin ni Tyler.

Kinuha ko naman ang kulay black na paper bag.

"Hoy tukmol ako ang bumili nyan kung makabigay ka parang ikaw ang bumili." Naparoll ako ng binatukan nya si Tyler.

Ang sama nito sa pamangkin nya, pagnalaman ng kuya nya to hahaha ewan ko lang.

"Wala akong sinabi na ako ang bumili binibigay ko lang inuuna mo pa kasi yung kalandian mo."

Natawa ko sa huling sinabi ni Tyler kay Tyron napamatured yung pag-iisip ni Tyler.

"Kayong dalawa tumigil kayong dalawa baka ihulog ko kayo sa first floor mula dito." banta ko.

Tumihimik naman silang dalawa kaya umayos ako ng pagkakaupo.

"Good. Magbibihis lang ako." sabi ko at pumasok na CR pero iniwan ko yung kumot bago ako pumasok baka kasi mabasa.

Hinubad ko yung hospital dress na suot ko at kinuha ang laman ng paper bag.

Isang Jacket na may hood na kulay pink at isang short.

Kita ang legs huh, sinilip ko yung paper bag kung meron pa at nakita kong may staking na white.

Psh. Hindi ko na lang sinuot eh di naman dry ang legs ko noh. Sinuot ko na lang ang jacket at ang maong na short. Then yung sapatos na na nakalagay sa ilalim ng paper bag.

Lumabas ko ng CR at kita ko naman lahat sila nakatingin sa akin.

Psh.

"Ba-"

"Opps wag ka ng umangal dami pang arte eh umalis na tayo dito." pigil ko sa kanya at hinawakan ang pulsuhan nya.

Alam ko kasing aangal nya dahil di ko sinuot ang staking maiinitan lang ako pagsinuot ko pa yun.

May humawak naman sa kabila kong kamay kaya napatingin ako.

Si Tyler lang pala.

Lahat kami lumabas na may mga ngilan ngilan kaming nakikitang pasyente at nakakasalubong namin.

Book 2: Im the Queen of the 5 GangsterWhere stories live. Discover now