☪️ Chapter 17 ☪️ (Snake Gang)

1.1K 78 11
                                    

Tyron Sebastian Smith POV:

"What do you think you are doing?" Tanong nya sa amin.

Abat! ikaw pa ang may ganang magtanong nyan sa amin.

"Ang lakas naman ng loob mo para tanungin kami nyan." inis kong sabi at tumingin ako sa kamay nya na nakahawak kay sky.

Humakbang ako papunta sa kanya.

"Hep wag kang lalapit dyan ka lang." pigil nya sa akin habang nakaangat ang kanyang kamay para pigilan ako.

"Sino ka ba at anong ginagawa mo sa kwarto ng girlfriend ko?" inis kong tanong sa kanya.

Mas napayukom ang kamao ko ng hinihigpitan nya ang pagkakahawak sa kamay ni skylie.

"Well nandito ako para ibalik ang fiance ko sa china." nakangise nyang saad sa akin.

Napatiim bagang ako sa sinabi nya at tiningnan sya mula ulo hanggang paa.

"Sa tingin mo maniniwala ako sa sinasabi mo at sa tingin mo papayagan kitang ilayo sya sa akin?" cold kong sabi at tuluyang lumapit sa kanya.

Hinawakan ko ang kwelyo nya at tiningnan sya sa mata na may galit.

"Subukan mo lang na ilayo sa akin si skylie ililibing kita ng buhay." sabi ko at tinulak sya dahilan na mabitawan nya ang kamay ni sky.

Tumalikod ako sa kaya at inayos ang kumot ni skylie.

"G*go ka pala eh!" napatingin ako sa gilid ng naramdaman kong aatakihin nya ako.

Mabilis naman akong humarap sa kanya at agad na sinalo ang paparating nyang suntok.

Dahil naiinis ako sa kanya ay agad ko syang sinuntok. Nagsilapit naman ang kanyang kaibigan.

"Ok ka lang Zander?" tanong ng kaibigan nya.

Nagsitinginan naman silang apat sa akin ng masama.

"Bakit mo ginawa yun kay zander di mo ba al-"

"Get out." putol ko sasabihin ng kanyang kaibigan.

"Anong nangyayari dito?" sabay sabay kaming napatingin sa pinto.

Nakita namin ang isang doctor na nakatingin sa amin.

"Bawal ang gulo sa hospital. Ang hospital ay para sa mga nagpapagaling hindi sa mga nagpapakamatay." sermon sa amin ng doctor at lumapit sa amin.

"Bakit ang dami nyo dito huh di nyo ba alam na limited lang ang bisita sa hospital at puro pa kayo mga lalaki, sino ang relatives ng pasyente?" tanong sa amin ng doctor.

"Boyfriend nya ako/ Fiance nya ako." sabay naming sagot nitong Zander nato.

Nagkasamaan kami ng tingin nitong zander, kapal din ng mukha nito baka gusto nya mamatay ng maaga.

"At ang mga ito?" tanong ng doctor sa amin na nakaturo sa kaibigan ni Zander at sa dalawang pangit.

Napatingin ako kaila Laikynn at Wilder nakalimutan kong nandito pala ang mga to. Tsk.

Book 2: Im the Queen of the 5 GangsterWhere stories live. Discover now