☪️ Chapter 53☪️ (Bonding with the Snake Gang)

662 42 2
                                    

SKYLIE POV:

"Ok ka lang sky?" tanong ni Zander.

Si zander lang pala akala ko kung sino.

Binitawan nya naman ako ng nakita nyang tinangnan ko ang kamay nya na nakahawak sa braso ko.

"Ayy sorry." hinging sorry nya.

"Nga pala sama ka sa amin." nakangiteng aya nya pero hindi pa ako nakakasagot ay bigla nya akong hinila.

Pumasok kami sa isang boutique. Nakangiwe naman akong nakatingin sa kanila.

"Seryoso zan dinala nyo ako dito para maging fashion designer nyo?" tanong ko at tinanggal ko ang kamay nya na nakahawak sa pulsuhan ko.

"Sky hindi ka namin dinala dito para tingnan ang mga susuotin namin." ani ni jude.

Sumabat kahit hindi naman sya tinatanong. Joke! HEHEHE.

"Kaya nga sky. Tsaka hindi naman para sa amin to." Mark

Napakunot naman ako kung ganon kanino?... Itong mga loko nato may mga jowa na pala tapos ako pa ang pipili ng damit ng jowa nila.

Ayos ah. (Insert sarcasm)

"Sa mga jowa nyo?" tanong ko pero ikinatawa nila ang tanong ko.

May nakakatawa ba sa tanong ko? Wala naman diba?

"Sayo sky." singit ni raymond. Tiningnan ko silang Apat kung nagbibiro lang sila.

"Sa akin?" tanong ko habang nakaturo sa sarili ko.

"Yup, sayo sky. Sabi kasi ng lolo mo sa akin o sa amin bilhan daw ka namin ng bagong damit." napangite naman ako.

Hehehe ang bait talaga ni lolo. Sa birthday ko pupuntahan ko sya sa china at isasama ko sila Tyron.

"Ok. So, anong tinatayo-tayo nyo? Tara na."

Pinaghakot ko ang mga magagandang damit na makikita ko ng napatigil ako dahil nakatingin sa akin ang mga sales lady at sales man.

"Bakit?" tanong ko sa kanila.

Mabait ako ngayon dahil nasa mood ako.

Hindi sila sumagot sa tanong ko bagkus ay tumingin sila sa likuran ko kung saan kumukuha din sila zander ng mga damit.

Tumingin ulit ako sa kanila at ngumite.

"They are my friend." saad ko.

Mukhang iniisip nilang gold digger ako. Yuck! Never mangyayari yun noh i have own money at ang dali lang makakuha ng pera kailangan lang ng maayos na trabaho.

"Ahh ok po." sagot nila.

Hindi sila niniwala sa sinabi ko kaya napatahimik ako saglit.

Hmm?

Ting* (Light Bulb)

Tumingin ako kayla Zander hehehe dahil wala silang mga contact sa kanilang cellphone maliban sa akin at kay lolo ay lalagyan ko.

"Oyy! kayong apat na tukmol halinga kayo dito." senyas ko sa kanila palapit sa akin.

"Oh? Bakit?" tanong ni Zander.

Ngumite naman ako na ikinataka nila.

"Pahingi ng number nyo."  sabi ko at naglahad ng kamay sa harap nila.

"Diba may Phone number kami sayo?" Mark.

"Remember bago ang Cellphone ko pano ako magkakaroon ng phone number nyo tsaka alam nyo naman hindi ako mahilig magkabisado ng number." giit ko.

"Oo nga pala kaya pala hindi ka namin nacontact kanina. Aayain ka namin kasi dito." tumango-tango ako sa sinabi ni Zander basta wala akong naintindihan sa sinabi kundi blah blah blah.

May kinuha naman sila sa kanya-kanyang pocket nila at sabay ibinigay sa akin ang number card.

"Yung sayo amin na." makautos eh.

Kinuha ko naman ang akin at binigay kay zander.

"Sige alis na kayo sa harap ko kumuha pa kayo ng gamit." pagtataboy ko sa kanila with gesture na pinapaalis sila.

Bumalik naman sila kung saan ko sila tinawag at humarap naman ako sa sales lady at sales man saka binigay ang number nila zander.

Nagtaka naman sila sa ginawa ko.

"Walang mga Girlfriend ang mga yan kaya harutin nyo na." nakangiteng sabi ko kita ko naman sa mata na parang naging heart hehehe.

Don't worry sa mga sales man kasi bakla sila or baliko HAHAHA.

"Thank you ma'am." masayang saad nila, bumalik naman ako sa paghahakot ko.

"Thank you ma'am." paggaya ko ng boses nila.

Tsk. Gusto lang naman nila ang number ng apat pero ok na yun hahaha may itsura naman sila eh pero di ko type ang ugali nila.

Mapanghusga.

Well, hindi naman ako ang magjojowa sa kanila noh.

Tapos na akong mamili halos hindi ko na makita ang daanan ko.

"Sky may balak ka atang bilhin ang boung boutique."  rinig kong sabi ni zander sa harapan ko.

"So what? Bakit, pera mo ba ang gagamitin? Kung tulungan mo kaya ako." utos ko sa kanya.

Naramdaman ko naman na gumaan ang hawak ko at kita ko na ang nadadaanan ko.

"Tara sa fitting room." aya sa akin ni Zander na agad kong ikinatingin sa kanya.

"Excuse mo ako lang dapat no. Ang manyak mo naman."

"HAHAHA pinagsasabi mo sky. Titingnan namin ang susuotin mo at syempre maghihintay kami sa tapat ng fitting room. Ang dumi naman ng nasa isip mo." napatikom ako ng bibig.

Sorry naman napasubra ata ang pag-iisip ko kaya kung saan-saan umaabot.

Pumunta kami sa fitting room tulad nga ng sabi ni zander ay nasa tapat sila ng fitting room kung baga sila titingin ng mga susuotin ko kung bagay sa akin.

"Pasok ka na sa loob bagal mo para kang pagong." nabusangot ako sa harap ni Zander habang nakaupo sya sa mahabang couch.

"Bakit may lakad ka? Free ka naman umalis basta bayaran mo to. Kayo kaya nag-aya sa akin dito tsaka kung pagong ako edi sana nandoon pa ako at namimili pa ng mga damit." sabi ko at tinuro pa yung lugar kung saan ako kumuha ng mga damit.

Muntik ng mahulog ang hawak ko na agad ko naman inalalayan.

"Oo na oo na HAHAHA ang cute mo talaga pagnaiinis ka."

(Cricket* Cricket*)

Ok, parang ang awkward ng atmosphere.

Napatahimik si Zander na parang narealize nya yung sinabi nya sa akin.

"Tsk, ano ba kayo? Simula pa ng bata pa tayo lagi nating sinasabi kay sky na cute sya,ok? Wala ng bago doon." giit nya.

"Ayy oo nga pala." Mark.

Nagkibit balikat na lang ako at dumiretsyo sa loob ng fitting room.

Hinawi ang kurtena at tumingin sa kanila na nakatingin din sa akin.

"Walang maninilip kung hindi lalabas kayo ng boutique na may dalawang black eye sa mata." pagbabanta ko sa kanila sabay duro sa mata ko pati na din sa kanila na parang sinasabi ko sa kanila na...

'Binabantayan ko kayo'

"Psh walang maninilip sayo dyan hindi namin pagnanasaan ang katawan mong walis tingting." ginigigil ako nito ah.

Humanda lang ka lang sa akin mamaya pati sila jude madadamay.

BWAHAHAHA (Evil laugh) Wala kayong pake kung ganito tawa ko basta ako may naisip na naman.




Book 2: Im the Queen of the 5 GangsterWhere stories live. Discover now