☪️ Chapter 13☪️ (Trouble with 3 Gang)

1.4K 76 4
                                    

Skylie Ford POV:

Dahil tapos na akong tingnan ang matandang may asim ay pinuntahan ko ang dalawang grupo.

"Ano pang hinihintay nyo dyan halina kayo." Aya ko sa kanila at tinalikuran sila.

Napahawak ako sa kamay ng umakbay sa akin kaya nilingon ko sya sa kaliwa.

"I Love you love." tinaasan ko naman ng kilay dahil wakas syang makangite sa akin, sinasapian na naman sya.

"Anong nangyayari sayo?"

"Wala lang love mahal lang talaga kita." nakangiteng sabi nya.

Ang gwapo nya talaga pag ngumite sya nakita ko naman na gumalaw ang Mata nya lilingunin ko sana kaso hinawakan ni Tyron ang chin ko saka ako hinalikan.

Hinampas ko naman sya sa braso.

"Aww!" pabulong nyang sigaw.

"Ang lande mo nasa library tayo at may mga matang nakatingin sa atin." Sabi ko.

Nagtataka na ako sa kinikilos nya ah o baka naman dahil kay laikynn kaya ganito toh.

"Pake alam ko sa kanila wala naman silang jowa di tulad ko gwapo na may girlfriend pang maganda." Tinampal ko ang bibig nya dahil ang ingay nya ngayon.

Halatang napaparinig sya kung kanino. Hayst umaandar na naman pagiging childish nya.

"Tyron Tama na. Nasa library tayo." paalala ko sa kanya.

"Hmm parang may iba sayo Tyron." Sabi ni jayson.

Tumatango tango naman sila shan sa sinabi ni Jayson.

"Lead ikaw ah." Mapanuksong sabi ni Zack.

"Tsk." Saad ni Tyron at sumitingin-tingin sa mga libro.

Napailing na lang ako buti na lang di pinatulan ni Tyron si Zack.

"Sa tingin mo nagseselos si Tyron?" napatingin naman ako kay Eugene.

"Di ko alam pero parang ganon na nga." Saad ko.

Ganyan kasi ang mga kilos ni Tyron pagnagseselos hehehe.

"Hmm dito tayo ituturo ko lahat ng mga section ng mga libro." Saad ko kayla laikynn na ikinatango nila.

Humarap naman sa akin si laikynn kaya hinintay ko syang magsalita.

"Saan yung section ng Science fiction?" Tanong nya sa akin.

Mahilig pala sya sa Science siguro magiging doctor to or Sciencetist.

Sumarap naman ako kina Marian.

"Dito na lang kayo Marian ako na pagtuturo sa kanila." nakangite kong sabi sa kanila.

"Sige nakakatamad kasing maglakad." nakangiweng sabi nya at hinila si Danica.

"Dito tayo." sabi ko para sundan nila kung saan nakalagay ang Science fiction.

Nasa dulo lang ng library yun dahil minsan na din ako nagbabasa ng science fiction.

"Sasama ako." Napalingon kami kay Tyron at nagtaka ako dahil di nya suot ang blazer nya.

Ano na naman ang pinanggagawa nito sa kanyang sarili?

"Isuot mo nga yan." utos ko sa kanya.

Kita ko kasi yung mature matchong katawan nya dahil manipis lang ang long sleeve nya.

Napahinto ako dahil niyakap ako ni Tyron.

"Sa susunod mag P.E ka na lang." Sabi ni Tyron.

Kaya pala ako niyakap dahil may nilagay sya sa beywang ko yung blazer nya.

Book 2: Im the Queen of the 5 GangsterWhere stories live. Discover now