☪️ Chapter 37☪️ (Jealous?)

882 60 4
                                    

Skylie POV:

"Shhh." napatakip ako ng bibig napalakas ata hehehe.

Nakakagulat lang kasi, binigyan na nga kami na dito muna at bukas na lang umuwi.

"Utos ito ni Tyron." napangise naman ako at nagcross arm saka sya tiningnan na mapang-asar na ikinataka nya.

"Oh bakit ganyan ka makatingin?"

"Inutusan ka ni Tyron? Sumusunod ka na pala sa kanya edi ibig sabihin nyan magkavibes na kayong dalawa?" sabi ko ng hindi paring nawawala ang ngise sa akin labi.

Nanlaki naman ang mata nya at biglang napangiwe.

"Hindi. Asa naman syang magiging magkaibigan kaming dalawa. Inutusan nya ako kasi diba alam ng mga tao dito na magkapatid tayo kaya ako ang inutusan na pumasok dito tsaka ginusto ko din to noh." pagpapaliwanag nya at ginaya nya ang style ko.

Nagcross arm din sya ng hindi nakatingin sa amin bale katagilid sya sa amin.

"Talaga lang huh? Pwede naman sila diba? tutal alam nila na kaibigan ko sila kaya walang malisya sa mga tao dito kung papasok sila dito." pang-aasar ko pa sa kanya. Gusto ko talaga syang asarin HAHAHA.

"Hayst ewan ko sayo. Basta maghanda na kayo mamayang gabi." paalala nya sa amin pero sa anong dahilan at kailangan naming tumakas mamayang gabi.

"Teka! nalilito pa kami." tumango tango kami sa sinabi ni Marian dahil sang-ayon kami sa kanya.

"Kasi kanina nakita namin na lumabas si Tyron pero di namin alam kung saan. Di naman ako palatanong at lalo na hindi kami close." nakikinig lang kami sa kanya at hinintay ang susunod na sasabihin.

"Then mga ten minutes ata ahm may kumatok sa pintuan namin si Zack. Then sinabi nya sa amin ang nangyari. Ang mangyayaring party mamaya ay hindi para pangwelcome sa amin kundi paghuli sa amin." nagulat kami sa huling sinabi nya.

Bakit naman sila huhulihin kung maayos naman ang makikitungo ng Hari at Reyna sa kanila.

Napaisip ako kung ano ang dahilan...

(Ting)*

"Alam ko na kung sino may gawa nito." seryosong saad ko. Hindi mangyayari to kung hindi naman nya gagawin.

"Tama ka ng iniisip si Ashton at kasama nya ang isang prinsesa." napatingin ako kay Zander.

Sinong prinsesa sa tatlong prinsesa? Si Ayesha ba? yung pinag-iinitan ako. Mas bagay silang dalawang magsama, parehong kontrabida eh.

"Sige zander maghahanda kami mamaya. Alam na ba ng iba to?" tanong ko sa kanya.

Syempre concern din ako sa kanila dahil nag-effort din sila pumunta dito noh. Kahit di ko alam na pupunta nga sila dito dahil ang inaasahan kong dadating ay sila Tyron pero mali pala nagdala sya ng kasama at yun nga nagsama-sama na ang mga hambog.

"Oo alam na nila yun. Ahm sige alis na ako baka ano pang sabihin ng jowa mo dahil nagtagal ako dito." tumango ako at naggesture pa ako na parang pinapaalis na sya.

"Yung kiss ko." nakangusong saad nya na ikinapoker face ko. Kanina parang takot sya kay tyron tapos ngayon hihingi sya ng halik sa akin.

"Try mong ikiss ang kamao. Tingnan lang natin kung hindi dudugo yan." pananakot ko sa kanya habang pinakita ko sa kanya ang kamao ko.

"Sabi ko nga aalis na ako." at dali-dali syang lumabas. Tsk. Duwag talaga HAHAHA.

Pumunta naman sa harapan ko sila Marian at Danica na may takot sa mukha nila.

Kasalanan ko to lahat kung sa umpisa palang ay dapat pinilit kong wag amuyin ang panyo na yun at nakipaglaban ako sa kanila edi hindi sana ito mangyayari sa kanila.

Book 2: Im the Queen of the 5 GangsterWhere stories live. Discover now