☪️ Chapter 18☪️ (Skylie wake up)

1.2K 71 9
                                    

Tryon Sebastian Smith POV:

"P*ta ang ingay nyo!" automatic na humarap ako sa likod.

Dahil narinig ko ang kanyang boses sa wakas gising ka na.

"Love may masakit ba sayo? Ok ka lang ba? May gusto ka bang kainin?" sunod sunod kong tanong sa kanya.

Magiging mabait na ako hindi na magiging mainitin ang ulo ko basta wag lang syang babalik dito sa hospital.

Tumingin sa akin si love habang nakahawak sa ulo nya.

"Tinatanong mo kung anong masakit sa akin?" tanong nya sa akin habang nakaturo ang kanyang daliri sa kanyang sarili, tumango tango naman ako sa tanong nya.

"Pwes ang masakit lang sa akin ay ang tainga ko namamahinga ako dito tapos nag-iingay kayo eh kung pag-untugin ko kaya kayong lahat." inis nyang sabi sa amin.

Halata na inis na inis sya base sa kanyang mukha. Di naman ako maingay yung mga epal talaga yun eh.

"Hayst ikaw! ikaw! ik- Zander?" Isa Isa nyang tinuro ang mga nasa likod ng nakita nya si zander bigla syang nagulat.

"Miss me?" nakangiteng tanong naman ni Zander sa kanya.

Tsk. Kung imiss ko kaya ng kamao ulit yung mukha nya.

Lalapit sana sya kay skylie ng hinarangan ko ng aking kamay ang dadaanan nya kasabay naman nito ang pagpigil ni love sa kanya.

"No, dyan ka lang." utos ni sky sa kanya.

Napangite naman ako ng palihim dahil di nya hinahayaan na may lumapit sa kanyang lalaki dahil ako lang dapat.

"Bakit? Ngayon lang ulit tayo nagkita tapos di mo ako papayagan na kayapin ka fiancee ko." agad akong napatingin kay zander ng nabanggit nya na naman ang fiancee and Fiance.

Tsk. Nakakawalang gana. Binaba ko ang kamay ko at umupo na lang sa upuan na katabi lang ng hospital bed ni sky.

"Nah ah correction Zander ex-fiancee mo ako remember?" pagcocorrect ni sky.

"Ex pala eh tapos ang lakas ng loob mo na pumasok dito na parang may karapatan ka." natatawang sabi ko para maasar sya.

Kita ko naman na parang naiinis na sya dapat lang para naman bumalik sya sa china doon sya maghanap ng katapat nya.

"Sky naman." pagtatakmol nya napataas naman ako ng isang kilay.

Isip bata pa nga.

"Ano bang ginagawa mo ditong bata ka?" narinig ko naman na humahagikgik yung nasa kaliwa ko.

Di ko na lang pinansin at kumuha na lang ako ng isang mansanas at binalatan ito.

"Nandito ako para ibalik na kita sa china at pumayag naman ang Lolo mo." napatigil ako sa pagbabalat ng mansanas ng narinig ko ang Lolo.

So, ang Lolo ni sky mismo ang nagpadala sa kanya dito?

Tumingin ako kay sky at nakita kong nakatinginan din sya sa akin nauna syang umiwas ng tingin sa akin at bumalik ang tingin nya kay zander.

Magsasalita na sana sya ng nag- open ang pinto.

"Nandito para i-check ang pasy- ow gising na pala sya." gulat na saad ng doctor ng nakita nyang gising na si sky.

Si sky naman parang inosenteng nakatingin sa doctor at sa kasama nitong nurse.

Napapangite pag ganyan ang kilos nya.

"Nakakapagtaka... Ayun sa calculation ko mga apat o lima na araw ka pang magigising ngunit sa pangalawang araw mo palang dito ay gising ka na." Saad nya sa harapan ni skylie habang nakatingin sa hawak nyang papel.

"Doc. Doctor po ba kayo o mathematician?" singit ni Wilder kaya napatingin sa kanya ang doctor.

"Obviously I'm a Doctor." sagot sa kanya.

Ano na naman pinanggagawa nitong mukhang manyakis nato.

"Ahh akala ko mathematician may calculation calculation pa kasi kayong nalalaman." Sabi nya na may pagkasarcastic.

☪️ Continuation ☪️

Napailing na kang ako sa pinanggagawa nya.

Seriously di ba sya nag-aaral sa bansa nya o baka naman lagi itong cutting?

Ang pagiging Doctor ay part ng Science na kung saan pinag-aaral ang mga environment at human body at sa pagkakaalam ko ang Science ay may math din.

"Ahm Doc. Pwede na po ba akong lumabas ngayon o kaya bukas?" tanong ni skylie kay doc.

"Pasensya na ija pero di pa pwede dapat gumaling ang sugat mo sa ulo bago ka umuwi." sagot ng doctor.

Tama naman ang doctor di lang muna sya at makapagpahinga baka mamaya maglakwatsa na naman itong makulit kong girlfriend.

"The Doctor is right sky mas makakabuti kung dito ka muna." Laikynn.

Pakitang tao itong si laikynn pero pag-wala ng tao lumalabas ang ugali nya.

"Kahit di ko kaya ang amoy ng hospital?" straight to forward nyang tanong.

"Sky." tawag ko sa kanya.

"Bakit?...Sabi ko nga tatahimik na." Sabi nya dahil tiningnan ko nya na pinapaalala sa kanya na nasa harapan nya ang doctor.

"Ahm babalik na lang ulit kami para iba pang pagsusuri." sabi ng doctor at lumabas kasabay ng kanyang Assistant na nurse.

"Dapat di mo pinigilan si sky dapat hayaan mo syang magsalita." reklamo sa akin ni Zander.

Bakit ba nangingialam ang batang to?

"Ano bang paki-alam mo?" Sabi ko at tumayo.

Pinatong ko sa aking likuran ang mansanas na kanina ko pa hawak at binaba ko din ang kutsilyo.

"Isa pang ingay at kayo ang ilalagay ko dito sa higaan na to." pagwawarning na sabi ni skylie sa amin.

Sinamaan ko ng tingin si Zander kong pwede ko lang ihagis nya palipad sa china kasama ang kanyang kaibigan kanina ko pa ginawa.

Namumuro na sa akin eh.

"Kaya gusto ko ng umuwi dahil alam ko bukas na bukas mukha nang bahay ng may birthday itong kwarto na to." Saad si skylie.

Alam ko na kung ano ang ibig nyang sabihin ok lang kung ang mga kagang ang pupunta dito pati na din ang mga girlfriend nila.

Makulit pa naman yung kapatid ko di talaga yun mapipigilan pagdating kay sky.

Speaking of marian tatawagan ko pala sya para sa update kay sky.

Hayst mamaya na lang sya tatawagan baka mamaya biglang pumunta dito.

"Kayo...lumabas kayo." utos ni skylie habang nakayuko.

"Lumabas na kayo, gusto nang magpahinga ni skylie at wag na kayong babalik." Sabi ko naman.

"Pati ikaw Tyron lumabas ka na din." agad akong napatingin kay sky.

Bakit damay ako?

"Bakit kasali ako?" nakakunot kong tanong.

Yung tono ko parang pagkakamalan mong batang hindi pinayagan.

"Bilis na please." paki-usap nya.

Napabuntong hininga naman ako.

"Ok, tawagin mo lang ako pag may kailangan ka." Sabi ko at tumalikod.

Papalabas na sana kaming lahat ng magsalita ulit si sky.

"Zander maiwan ka."

Bakit nya pinapaiwan si Zander imbis na ako.

Napalingon naman akong nakakunot ang noo hindi lang ako kundi ang mga kasamahan ko.

"Wag kayong mag-isip ng ano may pag-uusapan lang kami ni Zander at private yun kaya labas." automatic na nagsilabasan kami at may naglock ng pinto.

Tsk. napasandal na lang ako sa pader na nakacross arm.

"Mukhang may isa pa akong kaagaw." may narinig akong bumubulong ngunit hindi ko pinansin dahil di naman ako interesado.


Book 2: Im the Queen of the 5 GangsterWhere stories live. Discover now