☪️ Chapter 20☪️ (Tyler Against you)

1.2K 73 1
                                    

Skylie Ford POV:

"Bakit ba ayaw mong ilabas ako? Eh ok na ako eh at lakas na tinggnan mo." Sabi ko sa kanya at gumagalaw galaw ako para ipakita sa kanya na magaling ako.

"Para naman ito sa kalusugan mo hanggat di pa na sinasabi ng doctor na discharge ka na ay hindi ka pwedeng lumabas." Sabi nya sa akin.

Eh bulok naman yung doctor na yun di nya alam kung kailan ako magigising.

Well di ko naman sya masisisi kasi wala naman syang kapangyarihan na pang super natural kaya wala akong karapatan na ijudge sya.

"Tsk. Gusto ko ng umalis dito di ko kayang magtagal dito sa totoo lang." Sabi ko.

Di ko gusto ang amoy ng hospital, puro amoy gamot sakit sa ilong eh kung mag mask na lang kaya ako katulad sa lab.

"Bakit di mo na lang ilabas si Skylie gusto nya yan kaya pagbigyan mo sya." napatingin kami kay zander nakakabangon lang habang kinusot kusot ang mata.

Wala pang 20 minutes nagising na sya.

"Tsk. Wala kang alam dito Zander." Sabi ni Tyron at tiningnan ng panandalian si Zander.

Napatiim bagang naman si Zander at tumayo.

"Wala nga akong alam pero di mo naman mapipilit si sky sa ayaw nya dapat marunong kang umitindi." Saad ni Zander.

Noong magkasama pa kami ni Zander lahat ng gusto ko nasusunod pero di lahat pag-alam nyang mapapahamak ako ay lagi nya akong pinipigilan.

Tumingin sa akin si Tyron yung parang sinisisi nya ang kanyang sarili.

Hinawakan ko na lang ang kamay nya at ngumite sa kanya. Napabuntong hininga sya at ready na sanang magsalita ng may nagbalibag ng pinto at biglang tumakbo papunta sa akin.

"Whaaa asawa ko!" sigaw nya at sumampa sa hospital bed ko at pinaghahalikan ako sa mukha.

"What the f*ck!" sabay na mura nina Zander at Tyron.

Sinamaan ko sila ng tingin dahil nagmumura sila sa harap ni Tyler.

"Whaaa asawa ko namiss kita bakit ka nandito sa hospital di ka ba nya pinutriktahan?" tanong nya at biglang tinuro si Tyron.

Hinawakan naman ni Tyron ang daliri ng bata.

"Ikaw na supot ka baba ka o baba ka?" Nagigigil na tanong ni Tyron sa kanya.

"Ah ah Whaaa Lola huhuhu." Hinampas ko yung kamay ni Tyron dahil nasasaktan yung bata sa kanya.

Pinipilipit nya kasi yung daliri ni Tyler.

"Oh what's going on may kinausap lang ako sa labas umiiyak na si Tyler." Napatingin ako sa bagong dating.

Si Tita Ana na nakasuot sya na formal na suot kahit matanda na sya ang ganda nya parin.

"Mom itong si Tyler pababain nyo nga sya hinahalikan nya si Sky." Sumbong nya sa mommy nya.

Hayst di parin sya nasanay kay Tyler.

"Tyron malaki ka na and si Tyler ay bata pa yan kaya wala pa syang alam. Inosente pa ang batang yan." Mabait na tono na sabi ni Tita.

Ang layo ng ugali ni Tyron kay Tita. Si Tyron kasi laging mainit ang ulo nya at masungit sya and si tita naman laging blooming at subrang bait.

Naiinggit nga ako kay Tyron dahil complete ang Family nya samantalang sa akin si Lolo at mga kapatid ko lang pero ok lang naman di naman mahirap ang ganitong sitwasyon.

"Oh Hi Skylie my future daughter in law." nakangiteng saad ni Tita sa akin at nakipagbiso-biso sa akin.

Grabe naman si tita hahaha Daughter in law daw.

Book 2: Im the Queen of the 5 GangsterWhere stories live. Discover now