☪️ Chapter 25☪️ (Phantom Gang)

1.1K 59 1
                                    

Skylie Ford POV:

Malapit na kami sa apartment ko ay kita na namin sila Zander na nag-aabang sa gate.

P*ta pagnakikita ko ang lalaking toh naaalala ko yung ginawa nya bwesit!

Pagkahinto ng kotse ay nauna akong bumaba kay Tyron.

"Wait lang love!" Pigil sa akin ni Tyron pero pumunta ako sa harap ni Zander.

"Nandito ka na kala ko di- Aww!" Di nya natapos sasabihin nya ng biglaan ko inapakan ang paa nya pagsinapak ko kasi to baka magtanong si Tyron.

Edi mas lumala ang gulo.

"Kala mo ah kulang payan." Sabi ko ng nakangite ng peke.

Kita ko sa gilid ng mata ko na palapit si Tyron sa amin.

"Oh tara na Tsk laki laki mo na nagpapasama ka pa." Saad ni Tyron kay Zander na nakangiwe.

Masakit siguro pagkakaapak ko hahaha kulang pa nga yun eh.

"Bakit ka nandito? Si Sky lang pinapunta ko." Sabi naman si Zander at tumingin sa akin na tinaasan ko ng kilay.

"Bakit may masama?" balik na tanong ni Tyron sa kanya.

Lumapit naman sa akin sila Jude, Mark at Raymond.

"Pigilan mo na sila Sky baka mamayang hapon pa sila matatapos pag di mo pinigilan." bulong sa akin Mark.

"Oo nga kung babae lang siguro ang Isa sa kanila pagkakamalan kong may LQ silang dalawa laging may away eh." Sabi naman ni Jude.

Kung may babae sa kanila siguro si Zander na lang HAHAHA ayaw kong maging bakla si Tyron noh di bagay sa kanya.

"Or kung gusto mo iwan na lang natin sila dito kami na lang ang bibili ng kailangan ni Zander parehas lang kaming lahat ng bibilhin." suggest ni Raymond napaisip ako sa sinabi nila.

Pagsinama ko tong dalawa nato patuloy silang mag-iingay at mag-aaway.

Pero pag-iniwan ko naman tong dalawa baka pagbalik namin may mga pasa na silang dalawa na mukhang nirape ang isa't isa.

Iling iling*

Kung ano ano ang iniisip ko hahaha baka saan mapunta to.

"Pasalamat ka nga dahil dalawa ng mas matanda ang sasama sayo." Sabi ni Tyron at nag cross arm pa.

Napangite ako ng di ko namamalayan dahil alam kong magkakasundo silang dalawa ng hindi nila mamamalayan sa ngayon hindi pa.

"One is enough ayaw ko ng gurang na lalaki." Sabi naman ni Zander sabay pikit at humarap sa likod nya.

"Abat!" Kita kong nagpipigil si Tyron dahil tiningnan ko sya ng masama.

Subukan mo lang pumatol sa mas bata sayo.

"Tsk. Tara na nga hoy ikaw halika dito." hinila ni Tyron ang kwelyo ni Zander sa likod at kinaladkad ito.

Hindi nya nga pinatulan pero mukhang mamamatay si Zander dahil sa kwelyo.

"P*ta wag mo akong kaladkarin nasasakal ako!" nailing na lang ako at sumakay sa passenger seat.

"Wag mo akong murahin mas matanda ako kaya gumalang ka." pangaral ni Tyron sa kanya at marahas na pinasok si Zander.

Ang harsh ni Tyron kay Zander mukhang kinikidnap nya si zander dahil sa ginagawa nya.

"Nye nye nye."

"Zander." warning ko sa kanya habang inaayos ko ang seatbelt ko.

"What? Hindi ko naman sya tatay o kapatid eh hindi ko nga rin yan relatives eh pano ko sya gagalangin?."

Book 2: Im the Queen of the 5 GangsterWhere stories live. Discover now