☪️ Chapter 31☪️ (Fake 4 Prince against the real Prince )

977 69 6
                                    

Skylie Ford POV:

"Hey wait." Sabi ko kay Ashton dahil parang kinakaladkad nya ako pero di ako pinapansin ni Ashton.

"Let me go!" sigaw ko at winaksi ang kamay nyang nakahawak sa akin.

Kaya napahinto sya at ako naman ay tiningnan ko sya ng masama habang hinihimas ko ang pulsuhan ko.

"What is your problem huh? Halos baliin mo na ang kamay ko." naiinis kong saad sa kanya.

May balak ba syang baliin ang kamay ko? Kung oo, uunahan ko sya kahit isa pa syang prinsipe.

Nagulat ako ng bigla nya akong yakapin.

"W-what are you doing?" nagtataka kong tanong at tinutulak sya pero hinigpitan nya ang pagkakayakap sa akin.

Nababaliw na ba sya? Argghh bat di ko sya matulak.

"No matter what happen don't leave me." bulong nya sa tainga ko.

Dahil sa sinabi nya ginamit ko ang lakas ko para maitulak sya. Tiningnan nya naman ako na parang nagmamakaawa sya.

"E-ewan ko sayo." nauutal kong sabi sa kanya at hindi sya matingnan ng maayos.

"Tsk. Tabi ka nga." tinulak ko sya ng mahina para makadaan ako at naglakad papunta sa kwarto ko na walang tulong ng maids.

Huta! Kinabahan ako doon ah. Para syang ewan kung ano ano ginagawa nya.

Pumasok ako sa kwarto ng may nakita akong gown, hmmm ito parin ba yung ipapasuot nila sa akin? Inamoy ko yung gown at naamoy ko ang lavander scent.

"Ang bango. Baka iba tong gown, magkapareho lang ang design." pag-iisip ko.

Napalingon ako sa pinto ng bumukas ito at bumungad sa akin ang tatlong maids na lagi kong kasama.

"The queen said, you need to get dressed so that you can go down and meet our guests." nakangiting saad nila sa akin.

"Ok." sagot ko at nginitian din sila.

Tinulungan nila akong suotin ang gown pero wag kayo ahh di ko pinakita sa kanila ang kawatan ko tinulangan lang nila ako para maayos ang pagkakasuot ko.

Pagkatapos nila akong ayusan ay lumabas kami ngunit na paatras ako ng nakita kong nakatayo si Ashton sa harap ng pintuan  na parang naghihintay.

"Leave us." utos nya sa mga maids kaya tumingin ako sa likod.

"Si Prince Ashton." [Si=yes] nag bow sila bago umalis.

"O-oh wait don't leave me here." pigil ko sa kanila pero hindi sila lumingon sa akin, diret-deritsyo lang sila sa paglalakad.

"Tsk." tumingin ako ng dahan dahan kay Ashton na may kasamang talim.

"What do you want?" naiinis kong tanong sa kanya.

Ngayon ko lang napansin na naka-prince suit sya, bakit mas refer kong nakasuot sya ng civilian? Mas maaliwalas syang tingnan pag ganon ang suot nya.

Nabalik lang ako sa ulirat ng nakita ko syang nag smirk kaya tinaasan ko sya ng kilay.

"I don't know na-aattract ka pala sa akin." nakangising saad nya sa akin.

Pangiwe ako sa sinabi nya ang laki din ng tiwala nya sa sarili nya ah.

"Ako? Maaattract sayo? Asa ka pa, bakit ikaw ba si Tyron?" tumingkayad ako para magpantay kami.

Tumahimik naman sya sa sinabi ko kaya umayos ako ng pagkakatayo at nilagpasan sya.

"And who is Tyron?" napatigil naman ako sa paglalakad at napangise.

Humarap ako sa kanya at kita ko sa mukha na gusto nyang malaman ang tungkol kay Tyron. Akala ko kilala nya si Tyron pero hindi pa pala.

"He's my Boyfriend." simpleng saad ko at nagpatuloy sa paglalakad pababa ng hagdan.

Nang makababa ako ng hagdan ay palinga linga ako. Saan namin sasalubungin ang mga bisita?

Hayst yung tatlong yun iniwan ako dahil inutusan lang ni Ashton.

Tumingin ako sa harapan ko kung saan ako dederitsyo.

"Dito." turo ko sa kaliwa.

"Oh dito." turo ko sa kanan.

"Baka dito." turo ko sa gitna.

"Ahh dito ako sa gitna." nakangiteng saad ko at handa ng lumakad ng may humila sa akin pakanan.

"This way." seryosong boses ni Ashton.

"Ok, ok." sabi ko at pilit na kinukuha ang kamay ko sa kanya pero hinihigpitan nga ito pero pinipilit ko parin hinihila mula sa kanya kaya huminto sya at tumingin sa akin.

"Hehehe di mo naman kasi ako kailangan na hawakan dahil nakakapaglakad naman ako." Sabi ko at binigyan nya ng pekeng ngite.

Lumuwag ang pagkakawak sya sa akin kaya dahan dahan kong inalis ang kamay nya sa kamay ko.

"Thanks." sabi ko pero tiningnan nya ako ng seryoso.

Bakit ba nakakatakot syang tumingin? HUHUHU.

"Ahm dito yung daan diba?" nakangiteng tanong ko habang tumatango.

Alam kong mukha akong timang sa ginagawa kong gesture pero wala akong pake.

Nauna akong naglakad kaysa sa kanya pero nararamdaman ko ang aura nya mula sa likod ko, wala ata sya mood parang ang bigat at ang dilim ng aura nya.

Mga lalake nga naman di maintindihan. Kanina proud na proud sa sarili dahil na a-attract DAW ako sa kanya tapos ngayon, di maipinta ang mukha.

Lumabas kami ni Ashton ng palasyo, as in sa labas ng palasyo hindi sa mismong gate ng palasyo. Hmmm so, dito namin hihintayin ang mga bisita na sinasabi nila?

Hinihintay namin yung mga sasakyan ng bisita, habang naghihitay may mga sasakyan na sunod sunod na dumating.

Natuwa naman ang Reyna dahil sa magagandang sasakyan. Katabi kasi namin ang Reyna at ang Hari. Katabi ni Ashton ang Hari at ang katabi naman ni Ashton ay ako tapos ang katabi ng Reyna ay ang tatlong matataray na Prinsesa bale nasa gitna ang Hari at Reyna.

Kung tatanungin nyo kung saan ang bisita namin kagabi nasa gilid lang at ang iba nasa likod namin.

"Wow, their servant is so handsome." napatingin ako sa harap dahil sa komento ng isang prinsesa.

May isang lalake na bumaba at may kasunod pa ito.

Parang...

Parang...

Parang...

"Teka.." mahinang sabi ko at tumingin pa ng mabuti sa mga bumaba.

"Parang sila Jude, Raymond at si mark." mahinang sambit ko ulit.

Pinagbuksan nila ang isang lalake at nakita ko si Zander. Sila yung sinasabi nilang bisita na mga prinsipe?

Di ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon dahil sa subrang saya dahil dumating din sila.

Sunod-sunod na bumaba ang nasa ibang sasakyan. Nakita kong bumaba ang kaibigan ni Wilder at Laikynn na pinagbuksan nila ang kanilang leader na nakasuot na pang-prinsipe.

Pati sila nandito din?

Hinintay namin na bumaba ang huling sasakyan at nakita kong nagtutulakan sila Zack at Jayson palabas ng kotse.

"Prrrfff." pigil kong tawa. Kahapon ng umaga lang kami nagkita pero namimiss ko ang kakulitan nila.

Napansin ng gilid ng mata ko na nakatingin sa akin si Ashton kaya tumingin ako sa kanya ng wala na ang ngite.

Tinarayan ko sya at humarap ulit sa harapan.

"The most handsome of all." lahat nakatingin sa isang lalaking bumaba at napakagwapo nya dahil sa suot nyang pang-prinsipe.

"TYRON!" Masayang tawag ko sa kanya at handa na sana syang puntahan ng may humawak sa kamay ko.

Tiningnan ko ang humawak sa kamay ko, tinaasan ko sya ng kilay at banabawi ang kamay ko sa kanya pero ayaw nyang bitawan.

"Stay here."


Book 2: Im the Queen of the 5 GangsterWhere stories live. Discover now