☪️ Chapter 14☪️ (Rumble)

1.2K 76 1
                                    

Wilder Lancaster POV:

"Grabe nakakatakot talaga si Prof Hans." Marvin.

Palabas na kami ng gate ng school actually dito na kami mag- aaral at nasa Elite School kami.

"Kaya nga eh bagay sila ni Prof vein masungit din wala lang asawa eh." Neil

Nakikinig lang ako sa kanila habang naglalakad kami.

Di ako masyadong maimik pag walang kwenta ang pinag-uusapan.

"Nakakapagod maglakad dapat dinala ko yung kotse ko saan kasi yung kotse mo Wilder?" tanong sa akin ni Isaac.

Dahil natanong nya ay naalala ko naman yung babaeng yun. Tsk.

"Pinaayos ko." sabi ko naman.

"Pinaayos mo? wala namang sira yun eh." Marvin.

Napatingin ako kay Marvin at saka ako tumingin sa kanya ng seryoso.

Ang slow nya kahit kailan saan ko ba talaga to napulot.

Toink*

"Aww! Bakit?!" Gulat na tanong Marvin.

"Can you minimize your voice wala tayo sa market." inis kong sabi sa kanya.

"Sorry eh kasi-"

"Shut up." pagputol ko sa sasabihin nya.

"Bro easy umiinit na naman yang ulo mo eh tsaka Marvin kaya pinaayos ni Wilder ang kotse nya dahil may gasgas alam mo naman na importante yun sa kanya diba?" Pagpapaliwag ni Niel sa kanya at inakbayan kaming dalawa.

"Bro!" humarang naman sa amin ni Isaac sa harapan namin kaya napahinto kami at tinanggal ni Niel ang pagkakaakbay sa amin.

"Ano yun?" tanong ni Marvin.

"May message si Boss, Wilder." Si Dad.

"Ano ang sabi?" tanong ko.

Baka tungkol na naman ito doon. Tsk Wala pa akong isang buwan dito at minamadali na nya ako.

"Kailangan may ipakilala na daw tayo sa kanya kundi yung kapatid mo ma-ma-matay." Saad nya at dahan dahan sinabi ang huli.

Napayukom ako ng kamao dahil sa galit gagawin nya talaga ang lahat para makuha ang kapangyarihan.

"Damn! subukan nya lang galawin ang kapatid ko." halos lumabas na ang ugat sa braso ko.

"Bakit di tayo pumunta sa underground mamaya nagresearch ako about sa mga gangster dito malay nyo may mahanap tayo diba?" Isaac.

Huminahon naman ako sa sinabi ni Isaac i think makakahanap nga kami doon kaysa dito sa labas.

"Ok, later we will go there." Sabi ko at naglakad ulit.

"Guys." napatingin kami kay Marvin ng tinawag nya kami.

Ano na naman problema nito?

"May rumble ata guys sali tayo." tuwang saad ni Marvin.

Napatingin naman kami sa tinitingnan nya. May away sa harap ng Royal Academy tsk.

Sa Royal Academy sana kami papasok kaya lang itong mga tukmol na toh gusto sa Elite para pag-maylaban school to school ay ang royal ang makakalaban namin.

"Marvin gulo nila yan kaya wag na tayong makisali sa kanila umuwi na tayo." Neil na parang walang pake.

Naglakad na lang ako gusto ko ng umuwi di ako mangingialam ng problema ng iba.

"Eh pano kung yung isang babaeng yun ay ang sumira sa kotse ni Wilder." napahinto ako at tumingin doon sa tinuturo ni Marvin.

Napangise naman ako sa wakas nakita din kita lagot ka sa aking babae ka.

Book 2: Im the Queen of the 5 GangsterWhere stories live. Discover now