☪️ Chapter 32☪️ (Journey)

900 71 4
                                    

Tyron Sebastian POV:

"Isa pang reklamo Zack puputulan na talaga kita ng kamay." banta ni Danica kay Zack.

Habang ako inip na inip na dito sa loob ng private airplane. This airplane is mine dahil regalo ito sa akin ni dad noong 16 years old ako. He said na magagamit ko din ito sa tamang panahon ang this is it nagamit ko na nga at ang mga kasama ko pa ay ang mga pangit na tatlong grupo.

"Kasi naman babe ayaw ko nitong suot ko." nakangusong sabi ni Zack.

Ang arte ng bakulaw nato pasalamat nga sya dahil mayroon syang sinuot.

"Bakit? Ano bang gusto mong suotin huh? Gusto mo ng dahon ng saging? Sige bibigyan kita para mag mala-tarzan ka...Gusto mo yun huh?" ang sakit nila sa tainga.

Pag hindi sila tumigil ihuhulog ko silang dalawa dito sa eroplano.

"Yung katulad kayla Tyron ang gusto ko." Saad ni Zack at tinuro pa kami.

"Zack wag ka ng magreklamo kita mo naman na puro admirer ni Sky ang nakasuot na pang prinsipe. Bakit? Admirer ka ba ni Sky?" tanong ni Eugene sa kanya.

Tiningnan ko ng matalim si Zack. Subukan mo lang na sabihin na OO di ako magdadalawang isip na sipain kita palabas.

"Hindi, may jowa ako noh mahal ko to kahit na mukhang manok to." Saad ni Zack at inakbayan si Danica.

Siniko naman ni Danica sa tagiliran si Zack.

"Mukhang manok huh?! Ikaw nga donkey tsk wag mo akong kakausapin." galit na sabi ni Danica at lumipat ng upuan.

Donkey? Si Sky lang ang tumatawag sa amin nyan noong una syang tumira sa bahay ko.

"Babe naman!" tatayo sana di Zack ng nagsalita ako.

"Umupo ka lang." walang emosyon kong utos sa kanya.

"Pero-"

"Gusto mo bang ihagis kita sa labas?" tanong ko at tumingin sa kanya.

Ayaw ko na mag-iingay sila tutal nanahimik na ang madaldal na kaibigan ni Sky na jowa nya. Tsk.

"Tyron naman, hindi naman ako marunong lumipad eh." napapisil na lang ako ng bridge ng ilong dahil sa inis.

Bakit ako nagkaroon ng isang kaibigan na pilisopo at hindi marunong umitindi? Mas pasaway pa sya kaysa kay Tyler kahit inaagaw nya si Sky sa akin.

Batang supot kasi. Di ako naniniwala na tuli yun dahil takot nga yun sa matatalim kung mangyari man yun I'm sure na sinapa nya ang mga nagpapatuli sa kanya mukhang kabayo pa naman yun.

"Ang ibig sabihin ni Tyron umupo ka at manahimik hindi yung nanonood at makikinig kami na mala-love story nyo na nag-aaway. Tsk." Sabi ni Zander sa likuran ko.

Yun nga ang pinupunto ko dito na wag silang mag-ingay. Alam ko naman na si Zander ang nagsalita dahil sya at isa nyang kaibigan ang nasa likuran ko.

At nasa kanan ko at sila Zack at Danica na ngayon si Zack na lang dahil lumipat at sa kanan ko naman si Eugene at Marian na tahimik lang. Ang katabi ko naman si Shan dahil tahimik lang ang isang to. Kung tatanungin nyo kong saan si Jayson katabi nya si Wilder.

Di na ako magtataka kung magkatabi sila dahil kapatid ni Wilder ang Girlfriend ni Jayson.

Pero isa lang ang pinagtataka ko. Simula nung dumating si Wilder dito iba na ang pakikitungo ni Jayson kay Sky which is wala naman ginagawa sa kanya si sky. Magkasundo nga sila noong wala pa si Wilder at dahil nandito si Wilder ay biglaan ang pagbago ni Jayson.

"Bakit naiirita ka ba sa boses ko huh?!" napangiwe ako sa lakas ng boses ni Zack.

Tang *na! Malapit lang sya sa akin tapos sisigaw sya. Tarantado talaga ang isang to di marunong mag isip este walang paki-alam na nasa paligid nya.

Book 2: Im the Queen of the 5 GangsterWhere stories live. Discover now