☪️ Chapter 28☪️ (King and the Queen)

1K 66 5
                                    

Skylie Ford POV:

Napababa kami na buhat buhat nya ako taena ang haba ng hagdan wala man lang elevator kaya nakakapit ako sa leeg sa prinsipe na to baka mahulog pa ako eh.

Nakatingin ako sa paligid at puro gold ang theme. Ang yaman pero walang elevator mas gusto ata nilang mapagod kababa.

Napatingin ako sa lalaking to at ang lapit ng mukha ko sa kanya.

Ang kinis ng mukha nito parang alagang alaga sa gatas hehehe.

"Staring is rude young girl." Walang buhay na sabi ni Ashton napaiwas naman ako ng tingin sa kanya.

"Who told you that I'm staring to you duhh. Asa ka." Sabi ko at binulong ang huling sinabi ko kahit marinig nya pa di nya naman maiintindihan.

Tumingin ako sa kanya at..

"By the way don't call me young girl I have name." Sabi ko ng paroll eyes.

"Then tell me." parang nauutos nyang sabi.

Aba porket prinsipe to uutusan ako.

"Tsk. Im Skylie Ford." pataray kong sabi.

"Your so cute when you doing that." Saad nya kaya napatingin ako sa kanya.

Ano ba yung ginawa ko?

"What?" nagtataka kong tanong.

"When you rolling your eyes." sabi nya.

G*go amp sapakin ko kaya nang magising sa katutuhanan nasa fantasy pa ata eh.

Napatingin ako sa harapan ng humakbang sya sa huling hagdan. Marami namang naka-abang na mga maids na pare-pareho ang kanilang suot ang cute.

"Good afternoon our prince." sabay sabay nilang bati kay Ashton sabay bow.

Never kong tatawaging prince to noh ano sya hilo bahala sila dyan sila yung dumukot sa akin.

"Ow my son what are you doing?" may biglang sumulpot naman na isang babae na nakasuot ng magarbong gown at may corona sa ulo.

Ahm mukhang ito ang Reyna pero ang ganda nya ah naiinggit ako hahaha.

Binaba naman ako ni Ashton at nag bigay galang sa Reyna. Tiningnan ko sya sabay tingin sa Reyna nataranta naman ako kaya ginaya ko ang ginagawa ni Ashton sa Reyna para magbigay galang din ako.

"Que está sucediendo aquí?" (What is happening here?)

Napatingin naman ako sa bagong dating na lalaki at sa tingin ko sya ang Hari.

Weeww malalaking tao ang kaharap ko. I mean makapangyarihan sila dahil bansa nila ito ay dapat silang galangin pwera na lang dito sa Ashton nato.

Kidnapper eh este Adultnapper.

Napatingin naman sa akin ang Hari at ang Reyna kaya ngumite ako at nagbow ulit.

"Así que esta es tu chica de la que estás hablando?." (So this your girl you talking about?)

"Si" (Yes)

O...k sila lang yung nagkakaintindihan pano naman ako? Kailangan ko na bang umalis?

Umusog ako kay Ashton at siniko siko sya.

"What did she say I don't understand?" Sabi ko ng pabulong.

"She said you need to marry me." bulong din nyang sabi sa akin.

"Huh?!" gulat kong tanong at lumayo sa kanya.

"Are you ok?" tanong sa akin ng Reyna kaya napatingin ako sa kanya at kita ko sa kanyang mata na nag-aalala sya sa akin.

Book 2: Im the Queen of the 5 GangsterWhere stories live. Discover now