☪️ Chapter 40☪️ (Scape 3)

724 50 1
                                    

Skylie POV:

Kahit na patalo pa ako syempre tatakas parin ako HAHAHAHA.

"Deal." napatingin ako sa apat ng gumilid sila at dumaan si Ashton.

Sya pala nagsalita. Bakit ba gustong gusto nya akong mag stay eh hindi ako sanay dito tsaka ayaw kong magkulong sa palasyo na parang isang prinsesa.

Mas gusto kong maggala at isa pa nagagawa ko ang mga gusto ko sa Pilipinas.

"But hindi sila mangingialam." napatingin naman ako sa likuran ko.

"Aba! Hindi pwede yun ang dami nyo tapos isa lang si skylie." kontra ni Wilder sa kanila.

"Oo nga ano kayo siniswerte? Siguro mga bakla kayo noh?" tanong ni Zander sabay takip sa katawan nya na parang rarapein sya dahil sa ginawa nya natawa ko.

Gago amp HAHAHAHA.

"Why are you afraid to lose?" tanong naman ni Tyron sa kanila at tiningnan nya si Ashton na parang isang mahinang tao.

Nakita ko naman ang expression ni Ashton na parang ayaw nyang magpatalo.

"Fine you can join." payag ni Ashton na ikinangise ko.

Akala nila siguro mananalo sila sa amin pero tingnan natin kung hanggang saan ang angas nila.

"Pasalamat nga kayo dahil lima kayo samantalang kami apat lang." singit ni Zander.

Pinaatras ko ang isa kong kamay at ang isa kong paa ay nakabent sa harapan at ang dalawa kong kamay ay nakataas na habang nakayukom.

"Di bali zan-zan kaya natin sila." nakangiteng sabi ko sabay sugod kayla Ashton.

Ang isang lalakeng humarap sa akin kaya sinusuntok ko sya pero subrang likot sya pero bigla akong ngumite sa kanya na ikihinto nya.

Pero agad kong winala ang ngite ko sabay suntok sa mukha nya kaya umatras sya mula sa akin habang hawak ang kanyang mukha.

"Bitch!" sigaw nya na initawa ko dahil di ko naman kasalanan kung bakit sya huminto.

Ang ganda ko talaga (Flip hair)*.

Susugod ulit sya kaya agad kong pinunit ang dress ko na kanina hanggang ankle ngayon above the knee na.

Umikot ako habang nakataas ang isang paa ko para sipain sya sa kanyang mukha ng nabigla ako dahil agad nyang nahawakan ito at dahil mabilis akong mag-isip ay ginamit ko ang isang paa ko at sinipa sa kanyag mukha kaya nabitawan nya ang isa kong pa at sabay kaming napasalpat sa sahig na agad naman akong tumayo.

Buti na lang naka cycling ako na kulay black kaya hindi ako masisilipan.

Pagtayo ko nakita ko si zander at isang lalakeng nakaluhod sa harapan nya pero napansin ko ang isang lalakeng pasugod kay zander kaya tumakbo ako at inapakan ko ang likuran ng lalakeng nakaluhod at tumanbling ako sa ere at ginamit ko ang balikat ni zander para makabwelo para makalanding sa likuran nya.

Nabigla naman ang lalakeng nasa harapan ko kaya tinaasan ko sya ng kilay sabay sipa sa kayaman nya na ikinadaing nya naman.

Lumingon ako kay zander na ngayon nakatingin pala sa akin.

"Thank you." saad nya hahaha hindi na sya nasanay sa akin lagi naman namin to ginagawa dati sa China.

"Arggh." napatingin agad ako kay tyron ng dumaing ito.

Hawak hawak nya ang kanyang panga kaya lumapit ako ng nakita ko ulit na susuntukin ni ashton si Tyron.

Humarang ako sa harapan ni Tyron nanlaki naman ang mata ni Ashton at napahinto ang kamao nya sa ere halos maduling ako dahil subrang lapit na ng kamao nya sa mukha ko.

Book 2: Im the Queen of the 5 GangsterWhere stories live. Discover now