☪️ Chapter 16☪️ (Zander)

1.3K 78 1
                                    

China

Matthew POV:

Nandito kami ngayon sa China actually lumipat si Lolo mula sa states kaya dito na sya titira.

Nasa office kami ni Lolo na Lolo ni skylie.

"Anong balita sa Apo ko?" tanong ni Lolo at paikot na lumingon sa amin gamit ang upuan nya.

Kinakabahan naman ako dahil nabalitaan ko ang nangyari kay sky, napasabak na naman sya sa gulo.

Hardheaded talaga yung babaeng yun.

"Ahm Lo si Sky ay nasa hospital."

Blaaag*

Nabigla ako dahil biglaan na hinampas ni Lolo ang desk nya.

Kahit na matanda na si Lolo ay may lakas parin sya at kaya pang makisabayan sa mga tulad ko.

Alam kong nag aalala na sya kay skylie kahit na ako kung kinakailangan na bumalik ako doon ay di ko magawa dahil kailangan kong batayan ang Lolo ni Skylie.

Kahit ang tatlong kapatid ni sky ay hindi maaasahan dahil busy sila sa pagpapatakbo ng kompanya.

"Hindi nya ba nabasa ang pinadala kong message?" tanong ulit ni Lolo na parang problemado.

"Sa tingin ko ay hindi pa kung mabasa nya po iyon ay magrereply po sya agad." sagot ng kapatid kong si AKI.

May punto din sya pero baka ayaw lang replyan ni skylie ang message.

"Magpadala ulit kayo at alamin nyo kung ok lang ang apo ko sa hospital." utos nya sa amin.

Tumango naman kami ni Aki at tumalikod ngunit may sumulpot naman galing sa pinto.

"What?! Sino ang nasa hospital? si skylie ba?"

"Zander?" patanong kong tawag sa kanya.

Tumingin sya saglit sa akin at agad na binalik ang tingin kay Lolo.

"Zander what are you doing here?" patayong tanong ni Lolo sa kanya.

"Answer my question first. Totoo bang na sa hospital si Skylie?" balik na tanong ni zander kay Lolo.

Tsk. Ano ba ang ginagawa ng batang to dito?

"Yes, and I hope she's ok." sagot ni Lolo at umupo ulit.

Sumingit naman ako sa kanila.

"Zander ano bang ginagawa mo dito? May pasok ka pa hindi ba?" seryosong tanong ko sa kanya.

"Nandito ako para malaman kung may update about kay Skylie pero ito ang nakalap ko na nasa hospital pala si sky." galit nyang sabi.

Sya pala si Zander Brook- medyo possessive kay skylie eh mas bata pa sya kay skylie ng isang taon. Nagfefeeling jowa si sky kahit hindi naman.

Matured syang mag-isip kaya minsan may napipikon sa kanya dahil sa talas ng dila. Actually sya ang dating fiance ni skylie pero nireject ni skylie dahil di daw sya pumapatol sa bata.

Prrrfff nirespect naman ni Lolo ang decision ni sky kaya di na tuloy.

"Nasa Philippines sya, right?" tanong ni zander.

Eh ano naman kung nasa pilipinas si skylie? pupuntahan nya? Tsk.

Di kami umiimik pati na din ang kapatid ko kasi di nya naman kilala si Zander.

"Ok, kung napapahamak si sky sa pilipinas kukunin ko sya at papauwiin ko dito." determinadong sabi nya.

Nakita ko naman na agad napatingin si Lolo sa kanya.

Book 2: Im the Queen of the 5 GangsterWhere stories live. Discover now