☪️ Chapter 22☪️ (Punch in a private)

1.1K 63 0
                                    

Skylie Ford POV:

Tumingin ako sa labas ng van hindi pa kasi nasasarado ang pinto.

"Zander mayroon kang sasakyan?" tanong ko sa kanya.

"Akala ko hindi mo na ako tatanungin eh." seryosong sabi ni Zander.

Ito, hindi talaga to magsasalita kung hindi nya tatanungin.

"Ano nga?." tanong ko sa kanya.

Marami naman syang kotse sa china baka di nya dinala diba?

"Wala akong dala." sagot nya sa akin.

Ang sungit naman ng kurimaw na to ibalik kita ng sapilitan sa china eh.

"Ahm tita pwede bang makisabay sila sa atin?" tanong ko kay tita with cute tone pa yan.

"Sure naman ija." napangite naman ako sa sagot ni tita.

"Salamat tita. Oh ano sakay na kayo." nakangiteng sabi ko at tinanggal muna ang upuan ng nasa gilid ko para makaupo sila sa likod.

Pumunta muna sila sa likod para ilagay ang bagahe nila na ngayon ko lang napansin.

Saka sila pumasok sa Van.

"Seriously mom? Isasabay nyo talaga sila sa inyo?" Tyron.

"Bakit may angal ka kanina pinapasabay kita ayaw mo, isarado nyo na ang pinto." utos ni tita at dahil katabi ni Zander ang pinto ay sya na ang nagsarado.

Nakita ko naman na bumasungot si Tyron sa labas.

Natawa naman kaming lahat lalong lalo na si Tyler gusto gusto nito kasing mapikon ang Tito nya.

"Babye Tito kong pangit!" tuwang sabi nya na narinig naman sa labas.

Di na ako tumingin sa labas dahil umandar na ang van.

"Wala ka naman sigurong balak na agawin ang Girlfriend ng anak ko hindi ba?" Napatingin kami kay Tita ng nagtanong sya.

Ako ba yung tinutukoy nya?

Lumingon sya sa amin dito sa likod at tumingin ng seryoso kay Zander. Nakakatakot tumingin si tita ngayon ko lang sya nakitang ganito.

"Ahm Hindi po." sagot naman ni Zander.

Parang nag-aalinlangan pa sya sa sasabihin nya.

"Good kung hindi.." tiningnan nya ulo hanggang baba si Zander.

Kita ko naman napalunok si Zander hahaha matatakutin parin pala to sa mga matatanda.

"Lahat ng buto mo bali bali yan." banta ni Tita.

"Hehehe tita." parang ako natatakot kay tita eh.

"HAHAHA joke lang... pero seryoso ako wag mo ng tangkain na agawin ang daughter in law ko sa anak ko." nakangiteng sabi ni Tita bago tumalikod sa amin.

Tumingin ako kay Zander at nag kibit balikad ako sa kanya.

"Nakakatakot ang mama ni Tyron." bulong nya sa akin kaya hinampas ko sya.

Baka kasi marinig sya ni tita bunganga nito di mapigilan eh.

"Narinig ko yun." nagulat ako nagsalita si tita. Ang lakas ng pandinig nya kung sabagay malapit lang sya sa amin.

Natawa naman ako sa reaction ni Zander mukha kasing tinakasan ng dugo.

Maya maya lang ay namuo ang katahimikan sa loob ng van.

Si Tyler ay nakatulog na sa may tabi ko at ginawang unan ang hita ko. Gusto ko sanang matulog kaso di ako inaantok nakatulog na ako kanina eh.

------------MEANWHILE----------

Book 2: Im the Queen of the 5 GangsterWhere stories live. Discover now