☪️ Chapter 57☪️ (Part 2)

610 45 0
                                    

SKYLIE POV:

Sa akin?

"Whaaa sky!" nanlaki ang mga mata ko ng nakilala ko ang mga tumatakbo.

Sila Laikynn at si Norman ang sumigaw ng pangalan ko.

"Sky, sky, sky may humahabol sa aming aso." natarantang sumbong sa akin at bigla syang tumakbo.

"Takbo sky!" daan sa akin ni joel.

"Bilisan nyo mga gago pag kayo kinagat pababayaan ko kayo!" sigaw ni Gerald.

Gusto kong matawa kasi aso? takot sila? Kaso parang naaawa din ako sa kanila pano ba naman kasi parang ang putla nila, nawalan sila ng dugo sa katawan.

Nabigla ako ng may humawak sa pulsuhan ko at sabay kaming tumakbo.

"Arrfff! arrfff! arrfff!" napatingin ako sa likod at p*tang *na.

Tatlong aso ang naglalakihang humahabol sa amin at isa pang p*tang *na dahil nasama tuloy ako.

"Make it faster you like an turtle."  aba nagawa pang mang-asar ang isang to ah.

"Sinasabi mo bang mabagal ako? FYI laikynn mas mabilis pa ako sa fast." yup si laikynn nga ang naghila sa akin.

Nilipat ko ang kamay ko sa kanya kung baga ako na ang naghihila sa kanya habang tumatakbo.

Napatingin ako sa harapan ko at nakita ko ang mabibilis na takbo ng mga kaibigan nya.

"HOY! hintayin nyo kami yung leader nyo ang-" napatigil ako ng may naalala ako saka tumingin kay laikynn at nakatingin din sya sa akin.

Napatigil ako sa pagtakbo kaya huminto din sya.

"Bakit tayo huminto? may humahabol pa sa atin."

"Diba may hika ka? Baka di mo kayanin dahil ang bilis natin tumakbo." nag-aalala kong tanong sa kanya.

"ARRFFF! ARRFFF!" sabay nanlaki ang mga mata namin ng napatingin kami sa kaliwa.

"Haist! Bilis takbo pabayaan mo na yung hika ko ang mahalaga hindi tayo makagat ng aso." saad nya at sya naman ang naghila sa akin.

Takbo kami ng takbo at naunahan na namin sila norman.

"What the fuck?! Hintayin nyo kami!" sigaw nila pero pinagpatuloy lang namin ang pagtakbo at hindi huminto.

Mga ilang minuto pa ay wala nang humahabol sa amin kaya huminto kami ng hinihingal.

Napatingin ako kay laikynn na hinihingal na din kaya tinanong ko sya.

"Ok (exhale)* ka (inhale)* lang?" ang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa pagtakbo.

Baka mamaya lumala ang sakit nya pero ngayon hindi ko na kasalan yun di tulad ng nasa airport kami. Kasalanan nila kasi nagpahabol sila sa aso.

"Yup (exhale* inhale*)" Anong nangyayari parang ok lang sa kanya ang pagtakbo ng mabilis?.

Maya maya lang ay normal na ang pagtibok ng puso ko sa madaling salita ay nakakahinga na ako ng maayos saktong pagdating naman ng tatlo.

"Putik kayo iniwan nyo kami." hinihingal na saad ni gerald.

Aba kami pa sinisi eh sila nga mas nauna sa amin nagreklamo ba ako?

"Hindi namin kasalanan ni sky kung naunahan namin kayo. Tama nga ang sabi nila ang nasa huli palaging nauuna." pagmamayabang na saad ni laikynn.

Biglang nanlaki ang mga mata ng tatlo at nagkatinginan sila sa isa't isa na ikinataka ko naman.

Book 2: Im the Queen of the 5 GangsterWhere stories live. Discover now