☪️ Chapter 9☪️(Underground)

1.4K 81 1
                                    

Skylie Ford POV:

Kumaripas ako ng takbo ng pagkasabi ko nun.

Natatawa ako sa mukha ng lalaking alien haha pikon amp.

Napaisip ako kung bat kaya galit yun sa akin, Wala naman akong ginawa sa kanya.

Iskandalosyo ata yun naghahanap ng mapagtitripan pero parang hindi eh.

Hmm.

Di kaya dahil sa kotse nya na ang ganda. Gandang sirain HAHAHA.

Napaka- sensitive nya naman pagdating sa kotse nya. Kasalanan ng snatcher na yun eh napalayo tuloy ako sa paglalakad ko.

Sayang Cellphone noh may message pa naman doon si Lolo.

Speaking of message tiningnan ko ang hawak kong cellphone.

"Mamaya na lang kita babasahin baka madukot ka pa." Sabi ko at nilagay sa bag yung cellphone.

Mahirap na baka makuha ka pa ng mga demonyong nagsikalat.

Napatingin ako sa relo ko at mag 4:00 pm na whoaaa  kailangan ko ng umuwi ng mabilis.

Magalit pa ang dragon na nakabantay sa bahay bumalik ako kanina kung saan ako dumaan at dumiretsyo ako papuntang bahay.

Pagpasok ko palang sa loob ng bahay ay bumungad sa akin ang mga masasamang
tingin nila kaya napaatras ako.

"B-bakit ganyan kayo makatingin? Parang lalamunin nyo ako ng buhay ah" Sabi ko.

Nakakatakot kaya pagbukas palang ng pinto mga malalazer nilang mata ang bubungad.

"Saan ka galing?" Danica

"Bakit ang tagal mo?" Marian

"Gumala ka ba?" Zack

"Wag nyo nga ganyanin si Sky." inis na saad ni Tyron.

"Daig  nyo pa ang boyfriend nya ah." dugtong pa ni Tyron.

Kaya nga hahaha parang mga reporter sila sa lansangan.

"Pero saan ka galing at natagalan ka?" nabaling ang tingin sa akin ni Tyron kala ko ligtas na ako.

Sasabihin ko ba? Baka kasi magalit toh eh. Hmp wag na lang.

"Syempre naglakad ako." Sabi ko.

"Alam namin pero sa tansya ko dapat 3:30 ay nandito ka na pero 4:10 pm na." Jayson.

Tsk. Kainis talaga toh si Jayson cute sana sya eh huhuhu.

Lahat sila nakatingin na sa akin, tumingin naman ako sa gilid ko.

"Saan ka ba talaga nanggaling?" Eugene.

Napayuko naman ako at nagkamot ng batok.

"Sabihin mo na sky di naman kami magagalit." shan.

Oo di kayo magagalit pero ikaw lang eh pano sila noh.

"Teka bat ba kayo tanong ng tanong kayo ba ang naglakad huh?" inis kong sabi.

Di ko na kailangan na sabihin sa kanila ang bawat detalye kung ano ang ginagawa ko.

"Sky nag aalala lang kami sayo lalo na si Tyron." jayson

"Alam ko yun pero bakit parang akong nakakulong at parang nakadena ang mga paa dahil sa ginagawa nyo."

Sorry ayaw ko lang na mag alala kayo sa akin kaya sa akin na lang yun.

"Whaaa sky sorry na. Itong mga lalaking to eh, Malay nyo may binili lang si sky ng pagkain kaya na late ng uwi." Marian.

Kasama ka din kaya sa kanila.

Book 2: Im the Queen of the 5 GangsterWhere stories live. Discover now