☪️ Chapter 48☪️ (Weird Tyron)

745 46 1
                                    

SKYLIE POV:

"Tyron pwede kaming sumakay?" nakangiteng tanong ni marian pagkatapos ng awkward moment.

Nakita ko naman sa gilid ng mga mata ko na ngumite si Tyron sa kanya kaya lumaki naman ang ngite ni marian pero biglang nawala ang ngite nya dahil sa sagot ni Tyron.

"No."

"Hmmp! (pout)* kuya naman eh dali na." pagdadabog ni Marian. HAHAHA kung hindi lang to cute kanina ko pato sinipa papuntang mars.

"Ang daming sasakyan oh." napatingin kami sa garahe dahil tinuro ito ni tyron at nakita ko naman ang iba't ibang kulay ng sasakyan.

Mga lima ang nakadisplay hindi na kasama ang sasakyan ni Tyron na katabi lang namin.

"Mamili na lang kayo dyan wag nyo ng ipagsiksik ang sarili nyo sa kotse ko dahil ayaw nya ng maingay."

( ̄︿ ̄)

Parang nayayamot na si Tyron sa kanila HAHAHA pano ba naman kasi tuwing aalis iisang sasakyan lang ginagamit at parang di pa kasya sa loob plus ang ingay pa nila.

"Love pasok na aalis na tayo at kayo kung ayaw nyong kumuha ng sasakyan kayo na lang magbantay ng bahay ko." sabi nya at umikot para pumasok sa driver seat at ako naman pumasok sa passenger seat.

"Ahm bye guys sunod na lang kayo sa amin." sabay wave ko sa kanila habang nakangite. (^0^)ノ

Sinarado ko yung bintana baka pasukan ng alikabok yung kotse mukhang mas mahal pa kasi ni tyron yung kotse kaysa sa akin kung wasakin ko kaya to at bumili ng bago.

"Love kiss mo nga ako." bigla akong napatingin kay Tyron. Hinalikan na nya ako tapos magrerequest pa sya.

"Huh?! Teka... teka...teka lang huh? Naka drugs ka ba love? Anong nahithit mo ngayong umaga?" tanong ko sa kanya.

Walang biro or pang-iinsulto ang pagtatanong ko sa kanya curious lang ako.

"Hmmp! Pag hindi mo ako kiniss hindi mo ako love." nakangusong pagtatampo nya habang nakatutok ang mga mata sa daan.

Haiisstt.

Di ko alam but ang cute nya ngayon. Nanggigil na yung mga daliri ko para kurutin sya.

At para hindi sya magtampo sa akin ay inakyat ko ang mga paa ko sa upuan para lumuhod na nakaharap sa kanya.

Sabay lapit at kiss sa kanya. (Tsup* Tsup* Tsup*)

"Oh ayan three times na yan ah. Hindi ka na magtatampo sa akin." nakangiteng sabi ko at nag peace sa harap nya saka ko binaba ang mga paa ko.

"Love you." dugtong ko pa.

"Bakit walang 'I'?" ang arte ng isang to. Naglove you na nga ako eh.

Sya lang ang lalakeng nakilala ko na maarte. Hindi makukuntinto hangga't hindi mo itatama yung sasabihin mo.

"Bakit ano ba tagalog ng LOVE YOU?" tanong ko sa kanya.

Ayan tatanungin kita ang dami mong arte huh. Pero bigla akong napatampal ng noo dahil sa sagot nya.

"Pag-ibig kita."

"Hindi... ibang term, ok?" parang ewan naman oh. Obvious na obvious ang sagot eh.

"Ohh hahaha bakit? Tama naman sagot ko ah tingnan mo pa sa english-tagalog dictionary." natatawang sabi nya.

Ako na lumaki ng ilang years sa china pero hindi tumitingin sa english-tagalog dictionary.

( ̄︿ ̄) Nabobobo ako ngayon buti na lang wala si zack kung hindi lilipad na lang ako palabas ng kotse kahit na umaandar.

"Ok, ako na lang obvious naman ang sagot eh ang ibang term ng love you is Mahal kita hmm?" sabi ko at tiningnan sya na parang nagtatanong na 'Kuha mo?'

Duh hindi naman sya lumaki sa America noh.

"Mahal din kita." bigla akong namula pero hindi ko pinahalata sa kanya bagkus nagroll eyes lang ako.

"Alam ko yun noh." sabi ko at tumingin sa labas ng bintana ng kotse.

Napaisip ako habang nakatingin sa labas. Bakit.... bakit ang dalang lang mapakita sa akin sila laikynn at wilder?

Si laikynn nagpakita sa akin ng isang beses pero si wilder hindi ko na nakikita simula ng pagkauwi namin dito.

May nangyari kaya? Buti na lang nakikita ko si zander para may pag-utusan ako HAHAHA. Hindi kasi ako makapag flight dahil grounded ako but thanks to zander.

"Hey love." napatingin ako kay Tyron ng hinawakan nya ang kaliwang kamay ko na nakapatong sa inuupuan ko.

"Hmmm?"

"Where do you want to go?" tanong nya sa akin.

"Ahm kahit saan or sa mall na lang may mga gusto kasi akong bilhin." sagot ko sa kanya.

Case para sa bagong cellphone ko. Ayy oo nga pala hindi ko pala nasasabi kay Tyron.

"Ahm love yung cellphone ko pala ay nasira kaya mayroon akong bago." sabi ko at kinuha ko ang kamay ko mula sa kanya at kinuha ang cellphone sa bag saka pinakita sa kanya.

"Bakit nasira? Hmmm nandiyan naman siguro yung mga memories picture natin hindi ba?" napakamot ako ng batok dahil wala sa akin yung sirang cellphone dahil na kay Ashton ito.

"Actually yung cellphone na kay Ashton." nakapout kong sabi.

Nagulat ako ng hininto nya ang kotse at buti na lang naipangtukod ko ang kamay ko sa unahan para hindi ako mauntog.

"What?! Bakit nasa kanya?" ok, ayan na naman ang selos side nya.

"Whaaa wag ka na kasi magalit sya kasi yung nagsira ng cellphone ko kaya hindi ko kayo nacontact." parang bata kong sabi at hinawakan sya sa braso nya.

"Hayst ok ok gagawa na lang tayo ng bagong memories ok?" nakangiteng sabi nya at pinat nya pa ang ulo ko.

Tumatango tango naman ako sa sinabi nya kaya pinagpatuloy nya ang pagdadrive.

HEHEHE hindi nya ako matitiis pagnagpacute ako sa harap nya.

"Well ito na din ang pagkakataon para makapagdate tayo. Kung tutuosin ito ang kauna-unahang date natin."

"Eh?" confuse kong tanong.

Eh kung tutuosin halos linggo linggo kami nagdadate kaya lang kasama sila marian at zack basta silang lahat.

"Yes this is our first date.
(⌒▽⌒)☆ Hindi matatawag na date kung kasama yung mga ugok nating kaibigan. Istorbo sila sa date natin." napachuckle naman ako.

"Ok hahaha but hindi parin tayo makakapagdate dahil may lakad kami nila marian tsaka diba sabi mo susunod din sila sa atin." paalala ko sa kanya.

"Edi takasan natin sila simple lang yun at isa pa kasama nila ang mga jowa nila kaya wag silang epal sa atin." nakasimangot nyang sabi at nakakunot ang noo.

"Ok ok wag ka masyadong high blood ngayon HAHAHA bilisan mo lang yung pagpapatakbo ng kotse dahil nakasunod sila sa atin." sabi ko.

Nakikita ko kasi sa side mirror na kasunod lang namin sila marian.

"Ok bibilisan ko." saad ni Tyron at binilisan nya nga ang pagpapatakbo ng kotse.

Book 2: Im the Queen of the 5 GangsterWhere stories live. Discover now