☪️ Chapter 10☪️ (Enemy of Tyron)

1.3K 83 3
                                    

Skylie Ford POV:

Hininto ko ang motor ko at  naglakad papunta sa entrance papuntang underground.

Kaya lang may pumigil naman sa akin.

"Pass." Sabi ng malaking katawan ng Isa.

Pass? Bakit ngayon ko lang nalaman na kailangan ng pass dito.

"Pass?" patanong kong sabi.

"Oo, pass. Kung wala ka nun pwede ka ng makaalis Ang Queen at King lang ang pwedeng pumasok ng walang pass." Kaya pala.

Nasanay kasi akong pumapasok ng palihim dito then di ko naman pinapansin ang mga rules kahit ako pa ang queen.

"Wala ako nun." Saad ko.

"Kung ganon umalis ka na." utos sa akin ng isa.

Napataas naman ako ng kilay kahit di nila nakikita.

"Papasukin nyo ako o baka gusto nyo pang mabalian?" Nagkatinginan naman sila at nagsitawanan.

Minamaliit ba nila ako?

"Di ako nakikipagbiruan." cold kong sabi kaya napatigil sila.

"HAHAHA Alam mo miss sa payat mong yan mababalian mo kami baka nga ikaw ang mabalian dyan."

Porket payat mahina na. Eh kung tanggalin ko kaya sila dito.

Sabay ulit silang tumawa kaya biglaan ko naman  sinakal ang isa para mahirap siyang makahinga.

"Cough* Cough* Cough*"

May sumugod naman sa aking isa bali na sa 6 ang nagbabantay dito sa labas para secure.

Umiilag ako pakanan at pakaliwa sa mga sunod sunod na suntok na binibigay nya sa akin.

Nagkaroon ako ng pagkakataon para masuntok ko sya kaya napahiga sya sa lupa.

Tapos may sumugod ulit sa akin sinipa ko naman ang hita nya kaya napahawak sya dito, tinuhudan ko ang mukha nya ng pagkayuko nya kaya napahawak sya sa buo nyang mukha.

3 down 3 to go.

Humarap naman ako sa tatlong na parang natuod sa kinatatayuan.

"Baka gusto nyong matulad sa kanila" Nanahimik naman ang tatlo, maya maya lang ay binuksan nila ang pinto na para bang pinapayagan na nila akong papasukin sa loob.

"Tsk. Mahina pala ah." Saad ko at naglakad papasok sa loob.

Pagkapasok ko palang ay bumungad sa akin ang ingay ng mga tao.

"Tyron!"

"Tyron!"

"Black Knight!!"

Bumaba naman ako ng kunti para makita ko ang mga naglalaban sa may baba at nakita kong sila Tyron ang naglalaban.

Napacross arm naman ako sinisermunan nila ako kanina tapos sila pwede nilang gawin ang gusto nila.

"Lamugin mo na yan!!"

"Balian muna!"

Grupo vs Grupo mas maganda kung Isa vs Grupo.

Mas exciting kasi yun para di mabored ang mga manununod.

Dito sa underground bawal ang mga armas laban lang ang kailangan para mapatunayan na malakas ka.

Pinapanood ko na lang sila Tyron mula dito sa taas at tinitiis ang mga ingay.

"P*ta ang sakit sa tainga." sabi ko habang nakatuon sa laban nila Tyron.

Magaling padin sila sa nagdaan na taon will ngayon lang ulit sila nakipaglaban maliban sa akin.

Book 2: Im the Queen of the 5 GangsterWhere stories live. Discover now