Chapter 15

72K 3.1K 1.4K
                                    

Dedicated to Maddox Acacio

Chapter 15

"Sieana! Halika rito!"

Nilingon ko si Audrey na kasalukuyang nasa harapan ng isang booth. Hindi ko akalain na mayroong paganito ang school.

Akala ko'y intrams lamang ang magaganap na puro mga laro. Siguro'y nilulubos na nila itong araw kasi sa susunod ay babalik na ulit sa klase. Kailangan na namin mag-aral para sa darating na exam sa 1st sem.

I was wearing a plain white shirt and a high waisted pants. Binuhol ko pa sa unahan ang shirt para naman hindi mahabang tingnan. Hinayaan ko rin na nakalugay ang mahaba kong buhok. Samantalang si Audrey ang suot ay floral dress.

Pwede naman kaming magsuot ng ganito kasi intrams naman ngayon. Iyong iba'y halos ipakita na ang kanilang kaluluwa. Mukhang sanay sila sa mga ganoong pananamit pero hindi naaayon sa lugar ang suot nila. Lalo na't eskwelahan ito.

"Anong mayroon diyan?"

Mayroon siyang hawak na dalawang bracelet. Malapad ang ngiti niya roon.

"Sabi nila, kapag ibinigay mo raw ang isang bracelet sa taong mahal mo. Kayo raw ang magkakatuluyan."

Napataas ang kilay ko sa sinabi ng nagtitinda. Estudyante lang din. Sa tingin ko'y 3rd year college na nakalinya ang course sa business.

"Talaga?" Malapad pa rin ang ngiti ni Audrey.

Pinagmasdan ko iyon. Simple lang naman ang design. Itim na tela na mayroong puso sa gitna.

"Bakit kayo naniniwala sa ganiyan? Iyong iba nga, halos ibigay na ang lahat, na wala nang naitira para sa sarili. Nagawa pa rin na lokohin."

Naubo naman iyong lalaking nagtitinda sa sinabi ko. Siniko naman ako ni Audrey. Tipid ko lang siyang nginitian.

"Alam mo isa lang ang tawag diyan."

Napalingon ako muli sa nagtitinda. Hawak na niya iyong dalawang bracelet.

"Iyong taong iyon ay hindi marunong makuntento. Ibig sabihin, natural nang manloloko. Minalas ka na nakilala mo ang isang gagong tulad niyon."

Napatango ako. Tama. Malas nga ako. Sobrang malas ko na nakilala ko ang taong iyon at hinayaan na makapasok sa buhay ko para lamang saktan ako.

"Kung niloko kayo ng isa, huwag niyong isipin na lolokohin din kayo ng iba. Hindi lahat ng lalaki ay pare-pareho. Mayroong tao na marunong makuntento, mayroon din na talagang natural na manloloko. Hindi porket nasaktan kayo ng isa, idadamay niyo na ang lahat."

Natigilan ako sa sinabi niya. Bakit parang eksperto siya pagdating sa pag-ibig? Minsan na rin ba siyang naloko? Nasaktan?

"Tama ka riyan, Kuya! Dahil sa sinabi mo, bibili ako!"

Nakipag-apir pa si Audrey. Napailing na lamang ako. Muling napadako ang tingin ko roon sa couple bracelet. Hindi talaga ako naniniwala sa mga kasabihang ganoon.

Hindi ang bracelet na iyon ang makakapagsabi ng kapalaran ninyo ng taong mahal mo. Kasi kung kayo ang talaga ang nakatadhana, dadalhin kayo nito mismo papalapit sa isa't isa. Kahit pa sa hindi inaasahan na lugar.

"Nasaan si Ally?"

Kasalukuyan na kaming naglalakad sa hallway. Marami kaming nakakasalubong na mga estudyante.

"Hindi ko alam. Baka kasama ang mga kaibigan niya. Alam mo naman iyon, may sarili rin na mundo. Mabuti na lang talaga na lumipat ka rito para mayroon akong kasama. Mga kaklase natin ay may sariling grupo, napapag-iwanan ako."

Tears of Heaven (Tears Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon