Chapter 34

56.9K 1.9K 1.6K
                                    

Dedicated to Jackie Ignacio Bautista

Chapter 34

"Happy birthday, Terrence!"

Namilog naman ang mga mata nito nang makita kaming tatlo sa harapan ng pintuan ng cottage nila. Hawak ni Audrey iyong cake na binili niya pa talaga kanina sa malapit na bakery rito.

Halos mangiyak pa siya kasi akala niya'y wala siyang mabibilhan ng cake. Ngayon na kasi ang araw ng birthday ni Terrence. Gusto niyang maging espesyal ang araw na ito para sa lalaking iyon. Gagawin talaga ni Audrey ang lahat mapasaya lamang ito na kahit sa huli, siya lamang ang masasaktan.

"Thank you..." He smiled.

Lumapit siya kay Audrey at ginulo ang buhok nito. "Renzo naman!"

Bigla na lang kasing pinahiran ni Terrence si Audrey ng icing sa tungki ng ilong nito. Siniko naman ako ni Ally na wagas na rin ang ngiti na nakamasid sa dalawa.

Bigla kong naisip ang sinabi niya kagabi. Hindi ko alam ang gagawin ko. Dapat ko na talagang sabihin sa kaniya ang totoo pero paano ko magagawa iyon?

Paano kung sa oras na malaman niya ang totoo'y bigla na lang siyang umalis at iwan kami? Na hindi man lang niya nagawang makapag-enjoy nang dahil sa 'kin?

"Good morning, girls..."

Napalingon kami sa umimik. Agad din akong umiwas nang magtama ang tingin namin ni Zion, halatang bagong gising.

Hindi ko pa rin makalimutan ang ginawa niyang paghalik sa 'kin na naging dahilan kung bakit nasaktan ang kaibigan niya.

"Bakit ka mayroong pasa? Anong nangyari sa 'yo?"

Lumapit si Audrey rito at hinawakan ang kaliwang pisngi. Nilapit niya pa ang mukha rito para suriin ang pasa nito. Dumako ang tingin ko kay Terrence.

Hindi ko maipaliwanag kung anong nasa isip niya habang nakamasid sa dalawa. Nang mapansin na nakatingin ako sa kaniya, agad din siyang nag-iwas ng tingin.

"Dahil sa kahalikan kong chix kagabi, napasobra yata ang kagat ko sa labi nito, nasampal tuloy ako," he chuckled.

Napatingin ako sa kaniyang sinabi. Nagtama ang tingin naming dalawa pero mabilis din akong umiwas. Naiinis pa rin ako sa ginawa niya

"Ano ka ngayon? Buti nga sa 'yo. Ang landi mo kasi!"

Pinisil ni Audrey ang tungki ng ilong ni Zion, ngumiwi ang lalaking iyon. Nanatiling tahimik naman si Terrence na mukhang wala na sa mood, nakangiti pa iyon kanina, ah.

Nagseselos ba siya roon sa dalawa? Mayroon na ba siyang pagtingin para sa kaibigan ko?

"Good morning, David..."

Natigilan ako nang marinig ang boses ni Ally. Nakalapit na ito kay Dave na nasa bungad ng pintuan, halatang bagong gising. Nagkakamot pa ito sa batok at magulo pa ang buhok.

Agad namang dumako ang tingin niya sa 'kin. Napansin ko ang kaunting pagtaas ng sulok ng kaniyang mga labi. Naramdaman kong mahinang pagsiko sa 'kin ni Audrey kaya iniwas ko na ang tingin sa lalaking iyon.

Nakangisi si Audrey, alam na niya kasi na kami na ni Dave. Wala na rin naman akong maitatago pa sa kaniya. Kinikilig pa nga siya nang malaman ang tungkol sa bagay na iyon.

Mukhang boto na talaga siya kay Dave para sa 'kin.

"David."

Naagaw ni Ally ang atensyon nito. Minabuti ko na lang na huwag silang pansinin. Aaminin ko, nasasaktan ako. Gusto ko siyang lapitan pero mayroong pumipigil sa 'kin.

Tears of Heaven (Tears Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon