Chapter 4

92.7K 2.9K 1.2K
                                    

Dedicated to Trisha May Lazaga

Chapter 4

Hinila ko si Audrey paakyat sa kwarto ko. Kailangan ko talagang malaman ang paliwanag niya. Hindi ako makapaniwala na mayroong mga lalaki ang pumupunta rito.

Ang malala pa ay nandito rin ang lalaking humawak sa aking dibdib.

"Bakit sila nandito? Hindi ba bawal magpapasok ng lalaki sa apartment na 'to?"

Nag peace sign naman siya at umupo sa gilid ng aking kama. Nasa harapan niya naman ako habang naka cross arm na nakatingin sa kanya.

Naiwan si Allysa sa ibaba kasama ang tatlong lalaking 'yon. Sa tingin ko ay nasanay na rin siya na pumupunta rito ang mga 'yon kasi hindi na siya nagulat nang makita ang mga 'to.

Mukhang nilihim talaga nilang dalawa ang tungkol sa bagay na 'yon. Anong sasabihin ni Mama sa oras na malaman niya na may pumupuntang mga lalaki sa apartment na tinutuluyan ko? Siguradong mag-aalala siya.

Mahirap pa naman magtiwala sa taong hindi pa lubos na kakilala.

"Paano ko ba sasabihin 'to?" She bit her lower lip.

"D-Don't tell me?"

My eyes widened while staring at her. Napansin niyang pinasadan ko ng tingin ang kanyang katawan kaya pinaningkitan niya ako ng tingin.

"Walang nangyayaring ganoon, virgin pa kaya ako! Saka mapagkakatiwalaan naman sila, pati ang Land lady ay magaan ang loob sa tatlo kaya okay lang na pumupunta sila rito."

Nakahinga naman ako nang maluwag sa sinabi niya. Mabuti na lang hindi tulad ng iniisip ko. Talagang mapapagsabihan ko siya.

"Bakit sila nandito ngayon?"

Naririnig ko ang malakas na tawa na nagmumula sa ibaba. Hindi kaya pinagti-tripan nila si Allysa? Huwag naman sana!

Hindi ko tuloy mapigilan na mag-alala.

"Kasi, Sieana, ano-- rito kasi sila kumakain tuwing gabi."

Napaawang ang bibig ko sa kanyang sinabi. "Ano? Bakit ka tumanggap ng mga palamunin?!"

Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. Kaya pumupunta ang mga 'yon dito para lang kumain? Wala ba silang mga magulang?

"Grabe ka naman, Sieana, sa mga kaibigan ko. Hindi mo ba napapansin ang kanilang mga hitsura?"

Napansin kong namula ang kanyang mukha kaya mas lalong kumunot ang aking noo.

"Anong mapapansin sa kanila? Mayroon silang mga mata, may bibig at ilong. Ano pa ba?"

"God, Sieana! Hindi 'yon ang ibig kong sabihin. I mean hindi mo ba napapansin na mayayaman sila?"

Nagkibit-balikat na lang ako. Malay ko ba kung mayaman nga ang mga 'yon. Isa lang naman ang nasa isip ko ngayon, paano ko magagantihan ang lalaking humawak sa aking dibdib.

"Ganito kasi, Sieana. Tulad nga nang sinabi ko sa 'yo, mayayaman ang tatlong 'yon. Alam mo naman na kadalasan sa mga kalalakihan ay hindi marunong magluto, 'di ba? Kaya pumupunta sila rito para makikain at para na rin may makasama kami."

"Kung hindi naman pala sila marunong magluto, bakit dito pa sila nakikikain kung pwede naman kumain sa labas? Mayayaman naman pala sila! Wala lang para sa kanila na gumastos at magwaldas ng pera."

Hindi pa rin mag-function sa utak ko ang nangyayari ngayon. Sinabi niya na tuwing gabi ay nakikikain dito ang tatlong iyon, edi ibig sabihin, palagi ko rin makikita ang manyak na iyon?

"Hindi naman daw pwedeng palagi na lang fast-food ang kainin nila. Kaya nakiusap sa 'kin si Renzo na kung maaari ay damihan na lang namin ni Allysa ang lulutuin para makakain silang tatlo. Saka, ang pera lang naman nila ang pinambibili ng groceries natin ngayon."

Tears of Heaven (Tears Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon