Epilogue

98K 2.7K 3.8K
                                    

Epilogue

"Ma, I have good news for you!"

Hinawakan ko ang magkabila niyang balikat. Hindi naman mawala ang ngiti sa aking mga labi sa kasiyahang nararamdaman.

"Ano iyon anak? Mukhang magandang balita nga iyan, ah. Ang ganda ng ngiti sa mga labi mo."

She cupped my face. Hindi pa rin nawawala ang ngiti sa aking mga labi. Siguradong matutuwa siya sa ibabalita ko. Alam kong matagal na rin niyang hinihintay ito.

"I made it, Ma! I passed the board exam! Engineer na po ang anak niyo!"

Tears rolled down her cheeks. Agad niya naman akong sinalubong ng yakap. Hindi ko na rin mapigilan na maluha sa kasiyahang nararamdaman sa oras na ito.

Kasi sa wakas... engineer na ako. Natupad ko na ang pangarap namin ni Papa, at ng lalaking mahal ko.

Ginawa ko ang lahat para maabot iyon. Muli kong pinag-aralan ang itinuro sa amin ng apat na taon. Hindi madali pero nagsumikap ako para sa pangarap ko.

Para sa mga taong naniniwala sa kakayanan ko. Hindi ko sila magagawang biguin.

"Sobrang proud na proud ako sa 'yo..." She kissed my forehead. "Alam kong mangyayari ito kaya malaki ang tiwala ko sa 'yo. Siguradong masaya rin ang Papa mo kasi natupad na ang pangarap mo."

Marahan niyang pinunasan ang luhang tumutulo sa aking mga mata. Hindi madali ang pinagdaanan ko.

Lalo na nang mawala sa tabi ko ang lalaking mahal ko. Sana nakikita niya ito, sana siya ang una kong babalitaan na naabot ko na ang pangarap ko na maging isang engineer na pinapangarap naming dalawa.

Wala man siya rito sa tabi ko ngayon, alam kong masaya siya para sa 'kin kasi nakayanan ko ang lahat. Na maging matatag sa buhay.

Nagawa kong labanan ang sakit ko. Yes, naging successful ang operation. Magaling na ako.

God is good. Binigyan niya pa ako ng pagkakataon na magawa kong matupad ang mga pangarap ko sa buhay. Para bang muli niya akong binuhay kasi malaki ang tiwala niya sa 'kin na kaya kong lampasan ang lahat ng pagsubok na kinakaharap ko.

It was hard. Gusto ko na lang tapusin ang buhay ko noon kasi pagod na pagod na ako. Paano pa ako lalaban kung wala na ang lalaking mahal ko sa tabi ko?

Wala na ang taong kinukuhanan ko ng lakas para lumaban. Pero mayroong humadlang sa 'kin para gawin ko iyon, na naging dahilan para mas lalo akong maging matatag at malabanan ang lahat ng pagsubok.

Kahit gaano pa kahirap, kahit ilang beses ko nang gustong sumuko para matapos na lang lahat. Nagawa ko pa rin na maging matatag para sa isang taong nagbigay ng muling pag-asa sa buhay ko.

Dahil sa kaniya, muli akong bumangon. Muli kong nasilayan ang liwanag, muli kong naramdaman na maging masaya kahit na puno ng sakit ang puso ko.

Unti-unti niyang hinilom ang sakit at hirap na naramdaman ko kasi dumating siya, ang isang anghel sa buhay ko.

"Heaven."

I kissed her cheek. Agad niyang namang itinaas ang kaniyang mga braso para magpakarga sa 'kin. Napangiti ako at mabilis siyang tinugunan.

Parang kailan lang noong isinilang ko siya pero ngayon sobrang kulit na niya. Mabuti na lang nasa tabi ko si Mama para tulungan akong alagaan siya.

Kaya kahit papaano gumaan ang buhay ko kasi habang nag-aaral ako para sa board exam, siya ang nagbabantay rito.

Of course, hindi rin madali kasi mahihiwalay ako sa kaniya pero kailangan kong magtitiis para sa pangarap ko. Para lang guminhawa ang buhay namin.

"I miss you, Ma!"

Tears of Heaven (Tears Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon