Chapter 42

53.3K 1.8K 1.7K
                                    

Dedicated to Mhaikah Alyannah Santiago

Chapter 42

"Hindi mo ba talaga sasabihin sa kaniya ang tungkol sa kalagayan mo ngayon?"

Iniwas ko ang tingin sa kaniya. Hinawakan niya naman ang kamay ko at marahang pinisil. Mapait akong napangiti.

Hindi niya naman inalis ang tingin sa 'kin, nababakas sa mukha niya ang pag-aalala.

"H-Hindi. Huwag na lang. Ayaw ko siyang pag-alalahanin pa. Mabuting tapusin ko na lang ang relasyon namin kaysa ang manatili siya sa tabi ko na wala namang kasiguraduhan kung mabubuhay pa ba ako ng matagal nang dahil sa sakit na ito."

"Sieana..."

I looked at her. Hindi pa rin nawawala ang mapait na nga ngiti sa mga labi ko.

"Ako na yata ang susunod kay Pa-"

"Sieana naman! Ang daming taong nagmamahal sa 'yo, pero bakit gusto mo na agad sumuko? Paano na sila Tita, ha? Ang mga kapatid mo? Kaming mga kaibigan mo? Kaya nararapat lang na magpakatatag ka para sa aming nagmamahal sa 'yo..."

A tears rolled down my cheeks. Agad niya naman akong niyakap. Isang linggo na akong narito sa ospital.

Wala pa ring alam si Mama tungkol sa kalagayan ko ngayon. Hindi ko rin magawang sagutin ang tawag ni Dave na siguradong nag-aalala na sa 'kin kasi hindi na ako nagparamdam pa sa kaniya matapos ang araw ng board exam.

Mapait akong napangiti. Hindi nga pala ako nakapag-board exam nang dahil sa sakit ko.

Yes, confirmed. I am diagnosed with a terminal brain tumor. Hindi ko na ito magagawa pang takasan. Walang kasiguraduhan kung tatagal pa ba ako sa mundong ito.

Hindi ko maintindihan kung bakit ako pa? Bakit kailangang ako pa ang dapuan ng sakit na ito? Ang dami kong pangarap sa buhay na gusto kong tuparin. Para sa pamilya ko, para sa lalaking mahal ko.

Pero paano ko pa magagawa iyon? Kung nandito ako sa ospital, kinakaharap ang sakit na ito. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Ang gusto ko lang naman, matupad ang mga pangarap ko, hindi ang maghirap ng ganito.

"Sigurado ka ba sa gagawin mo?"

I smiled bitterly. "Hindi ko na kayang itali pa siya sa 'kin. Hindi ko kakayanin na makita siyang nag-aalala dahil lang sa kalagayan ko ngayon. Mayroon siyang sariling buhay, ayaw kong ubusin niya ang kaniyang oras para lang samahan akong lumaban."

She sighed heavily. "Kung iyan ang desisyon mo, wala na akong magagawa pa pero, Sieana, masasaktan mo siya sa gagawin mo. Simula noong dumating ka sa buhay niya, ikaw na ang naging sandalan niya tapos magagawa mo rin pala itong iwanan..."

I bit my lower lip. Tama siya, masasaktan ko nga ito pero mas hindi ko kakayanin sa oras makita ko siyang nag-aalala nang dahil sa 'kin.

Alam kong malapit na niyang patupad ang pangarap niya, pero imposible na talagang makasama pa ako roon, na baka hindi ko na magawa pang manatatili sa tabi niya.

Me:

I am sorry, Dave, but I am breaking up with you. Hindi ko na kailangan pa ang isang tulad mo sa pag-abot ng mga pangarap ko. Sagabal ka lang sa buhay ko. Be happy kahit na wala na ako sa tabi mo. I am really sorry...

Pagka-send ng message na iyon, hindi ko na napigilan na bumuhos ang mga luha ko. Agad naman akong niyakap ni Audrey.

Nangako ako sa kaniya na mananatili ako palagi sa tabi niya pero anong ginawa ko? Kung iyon lang ang natatanging paraan na alam ko kahit na masasaktan pa ako.

Tears of Heaven (Tears Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon