Chapter 19

66.3K 2.2K 1.2K
                                    

Dedicated to Grazielle Diane Esma

Chapter 19

"Anong nangyari sa inyong dalawa? Bakit namumula ang mukha ninyo? Mainit ba? Bukas naman ang aircon, ah."

Malapad ang ngisi ni Audrey habang palipat-lipat ang tingin sa aming dalawa. Nakabalik na ulit sila pagkatapos na muling pumunta ng mall. Wala akong ideya kung sinabi niya ba kay Terrence ang nakita niya kanina.

Nasa magkabilang gilid kami nakaupo ni Dave. Sobrang layo ng agwat naming dalawa. Hindi ko magawang maalis ang tingin sa labas.

Nahihiya pa rin ako. Alam kong ganoon din siya. Bakit kasi muntik na niyang gawin iyon? Ang masama pa'y nakita kami ni Audrey.

Pero hindi ba't dapat pa akong magpasalamat? Kasi kung hindi siya dumating baka tuluyan nang naangkin ng lalaking iyon ang mga labi ko.

Naiinis ako sa sarili ko kasi mukhang hinayaan ko lamang siya na gawin iyon. Hindi ko man lang itinulak palayo. Pumikit pa ako na para bang hinihintay ang gagawin niya. Nakakahiya talaga.

"Nasaan na ba kasi iyong dalawa? Bakit ang tagal? Baka kung saan na dinala si Ally? Humanda talaga sa 'kin ang lalaking iyon!" Naiiling pa si Audrey.

Iyong dalawa na lang ang hinihintay namin. Kanina pa kaming nandito pero hindi pa rin sila dumarating.

Narinig kong tumikhim si Dave kaya napalingon ako sa kaniya. Nagtama ang tingin naming dalawa pero mabilis din akong umiwas. Hindi man ako nakatingin, alam kong nasa 'kin ang kaniyang atensyon.

Dumako ang tingin ko kay Audrey na naiiling na lang, malapad pa ang ngisi. Mukhang pinapanood kaming dalawa. Siguradong pag-uwi namin mamaya'y hindi niya ako titigilan.

Tahimik lamang si Terrence sa unahan. Busy sa paglalaro ng mobile legends. Siya lang yata ang kilala kong tao na hindi maingay maglaro. Hind katulad ng iba na panay ang mura.

"Wow, ha? Kaya pala ang tagal! Nanood pa talaga ng movie sa sinehan? Daming time, ah! Palibhasa'y madilim, malayang gawin ang kalandiang taglay!"

Napalingon ako kay Zion na may yakap na popcorn. Nasa labas pa rin ito ng sasakyan, malapad ang ngisi. Dumako ang tingin nito sa 'kin at kinindatan ako.

Napaiwas na lang ako ng tingin. Ang landi talaga.

"Ano naman? Nanood nga ako ng movie pero hindi naman sa sinehan."

Kumunot ang noo namin. "Saan ka naman nanood na lalaki ka kung hindi sa sinehan? Talagang may dala ka pang popcorn! Para kang bata!" Naiiling pa si Audrey.

Patuloy lamang sa paglalaro ng mobile legends si Terrence. Nakapikit na si Dave, nakasandal ang ulo sa likuran ng upuan. Magkalayo pa rin kaming dalawa.

"Saan pa ba? E 'di roon sa mga naka-display na malaking TV ako nanood ng movie. Libre pa."

Napaawang ang bibig namin sa sinabi nito. "The fuck, tol." Humalakhak si Terrence.

Tinakpan ko naman ang aking bibig kasi hindi ko rin napigilan na matawa. Nagising naman si Dave, nagpipigil na rin ng tawa. Mukhang hindi naman tulog.

Hindi ko akalain na ang lakas ng trip ni Zion na talagang doon pa nanood. Mayroon pa talagang dalang popcorn.

"Siraulo! Nakakahiya ka!" Binato ni Audrey ng suklay si Zion.

Mabilis naman itong nakaiwas. Kumunot ang noo ko kasi ngayon ko lang napansin na wala si Ally.

"Nasaan si Ally? Bakit hindi mo siya kasama?"

Dumako ang tingin sa 'kin ni Zion. Si Audrey naman ay mukhang ngayon lang napagtanto na wala nga si Ally.

Tears of Heaven (Tears Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon