SPECIAL CHAPTER

34.1K 1K 709
                                    

"Sieana, anak, may humintong sasakyan sa labas. Puntahan mo muna."

Mabilis kong pinatay ang stove. Nagluluto kasi ako ng tinola. Mayroong pinatay na manok sa kapit-bahay at binigyan kami. Masarap pa naman iyong kainin lalo na't native. Siguradong magugustuhan ito ni Heaven lalo na't paborito niya.

"Zion!"

Kinawayan niya ako. "Hi, Sieana," he smiled.

Lumapit siya sa 'kin at may binigay na isang basket. Tiningnan ko iyon at puro mga pagkain ang laman. Mayroon pang malaking gatas na para kay Heaven. Akala ko isang basket lang ang dala niya, pero mayroon pa siyang nilabas na paper bag na puro mga laruan ang laman.

Isa sa napapansin ko kay Zion na malapit siya sa mga bata. Siguradong magiging mabuti talaga siyang ama sa magiging anak niya.

"Bakit may paganito? Tsaka anong ginagawa mo na naman dito? Hindi ka ba busy?"

He shrugged. "Miss ko na ang inaanak ko."

Napangiti ako. "Salamat sa palaging pagbisita sa amin, lalo na kay Heaven. Sobrang napapasaya mo ang anak ko."

Pinigilan kong ma-luha. Tinotoo niya talaga na handa siyang manatili sa tabi namin. Kapag hindi siya busy sa work, palagi siyang pumupunta rito para lang siguraduhin na okay kaming mag-ina.

Marahan niyang hinaplos ang likuran ko. "Sabi ko naman sa 'yo, 'di ba? Na handa akong magpaka-ama kay Heaven. Pero wala akong balak na asawahin ka, alam mo naman," he chuckled.

Kahit na tumatawa siya. Nakikita ko ang sakit sa mga mata niya. Alam kong hindi pa rin siya nakaka-move on sa babaeng tinitibok ng puso niya. Kahit ako, hanggang ngayon, hindi pa rin nawawala sa puso ko si Dave.

Miss na miss ko na ang lalaking mahal ko. Pero para kay Heaven, magiging matatag ako. Marami naman ang nagmamahal sa amin at hindi ko nararamdaman na nag-iisa kaming mag-ina. Sila na ngayon ang sandalan ko.

"Uy, Engineer! Ikaw pala 'yan, napaka-gwapo mo talagang binata!" Salubong ni Mama kay Zion.

Zion chuckled. "Pinanganak na po talaga akong gwapo. Kahit pa hanggang kamatayan ko, gwapo pa rin ako."

Umiling ako sa sinabi nito. Nag-usap pa silang dalawa kaya hinanda ko na ang aming kakainin. Natutulog pa si Heaven at siguradong matutuwa ito sa oras na makita si Zion. Close na close pa naman silang dalawa.

"Daddy!" Narinig ko ang excitement sa boses ni Heaven.

"Hi baby, namiss mo ba ako?"

Narinig ko ang paghalik ni Heaven sa mukha ni Zion. Napapangiti na lang ako sa kanilang dalawa. Dinaluhan naman ako ni Mama para tulungan sa paghahanda ng aming kakainin. Wala rito ang mga kapatid ko na kasalukuyang nasa school.

Nasanay na ako na ang tawag ni Heaven kay Zion ay Daddy. Sa tagal na rin nilang nagkakasama, malamang na itinurin na talaga nitong ama si Zion.

"Napakabuting-tao ni Zion," panimula ni Mama.

I sighed. "Opo, Ma, pero kaibigan ko lang po siya at hanggang doon lang iyon."

Alam ko na naman ang gusto niyang ipahiwatig. Palagi niya akong pinagtatabuyan dito para naman daw mabuo kaming pamilya. Na mayroon akong makaramay sa lahat. Kahit na natutuwa ako sa ginagawa sa amin ni Zion, hindi ko naisipan na mahalin siya.

Si Dave lang ang lalaki sa puso't isipan ko. Kahit na wala siya sa piling namin, siya lang ang lalaking hahanap-hanapin ko.

"Sieana, anak, bakit hindi mo subukan—" I cut her off.

"Ma, may ibang laman ang puso niya. Mahal ko rin po ang asawa ko at wala akong balak na ipagpalit siya sa iba."

She cupped my face. "Nag-aalala lang naman ako sa inyong mag-ina."

Hinawakan ko ang kamay niya. "Kakayanin po ang lahat para kay Heaven. Tsaka alam kong hindi rin naman po kami pababayaan ng mga kaibigan ko."

Hindi na siya umimik pa. Alam niya na hindi niya ako mapipilit sa bagay na hindi ko kayang gawin. Tinawag ko na sina Zion para kumain. Hindi na humiwalay pa sa kaniya si Heaven. Nakakalong pa ito sa hita niya habang sinusubuan ito ng pagkain. Napapangiti na lang ako habang pinagmamasdan silang dalawa.

"Siguradong proud na proud sa 'yo ang kaibigan ko."

Hindi ko napansin na nasa gilid ko na pala si Zion. Nasa labas kami ngayon habang nakatanaw sa kalangitan. Mapait na lang akong napangiti habang binabalikan ko ang masayang alaala namin ng lalaking mahal ko na hindi na mangyayari pa.

"Nakaya mo ang lahat, Sieana. Napalaki mo nang maayos si Heaven. Kahit na mahirap, natupad mo pa rin na maging isang Engineer."

Tears rolled down my cheeks. Mabilis kong pinunasan iyon pero patuloy pa rin sa pag-tulo ang mga luha ko. Hanggang sa namalayan ko na lang na nakakulong na ako sa bisig ni Zion.

Sinubsob ko ang aking mukha sa kaniyang dibdib at doon umiyak. Pinipilit ko talagang maging malakas pero hindi ko talaga kaya. Dumadating talaga sa puno na iniiyak ko na lang ang sakit na nararamdaman ko.

"Engr. Sieana Claire Atienza—Santiago," Zion whispered.

"Proud kami sa 'yo..." Hinaplos ni Zion ang buhok ko. "Ako, si Audrey, si Ally, si Terrence, at syempre si Dave..." Humiwalay siya sa yakap at pinunasan ang mga luha ko. "Sobrang proud na proud kami sa 'yo, Sieana."

Tumingala kami sa kalangitan. Napansin kong tumulo ang mga luha niya kaya nanikip ang dibdib. Mas lalo tuloy akong napaiyak. Alam kong nasasaktan pa rin siya sa pagkawala ng kaibigan niya.

"Kami rin, tol, sobrang proud na proud sa 'yo. Lagi mong tatandaan 'yan."

Hinawakan ko bracelet na binigay noon sa 'kin ni Dave. Mas lalo tuloy akong nangulila sa kaniya kasi kailanma'y hindi na ito mabubuo pa. Kasama niya sa kabaong ang ka-partner nito. Sinuot ko sa kaniya para naman maalala niya ako hanggang sa kabilang buhay.

"I'm so proud of you," I smiled, crying. "Engr. David Ryker Santiago..."

Tears of Heaven (Tears Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon