Chapter 28

65.4K 2.1K 1.3K
                                    

Dedicated to Philea Grace Asiral

Chapter 28

"Ano ba kasing magandang iregalo sa kaniya?"

Kanina niya pa akong hinihila sa kung saan. Nandito kami ngayon sa mall, dumiretso kami rito pagkatapos ng aming klase. Hindi niya sinabi sa boys na nandito kami, ipinaalam niya lamang na hindi kami makakasabay sa kanila pauwi.

Patay pa naman ang aking phone. Siguradong tinatawagan na ako ni Dave, hindi rin ako nakapagsabi sa kaniya kanina.

Matampuhin pa naman ang isang iyon. Ilang linggo na rin ang nakalipas noong umamin kami sa isa't isa. Siyempre wala pa rin na nakakaalam sa kanila. Hindi ko pa talaga magawang sabihin lalo na't isa sa dahilan ay si Ally.

Wala pa akong lakas ng loob para aminin sa kaniya ang tungkol sa amin ni Dave, ng lalaking gusto niya. Hindi pa naman kaming dalawa pero parang ganoon na rin?

Mutual understanding lamang talaga ang namamagitan sa amin ngayon. Kung papayag siya, mas okay na rin na ganoon na lamang kami. Ayaw ko siyang matali sa 'kin.

Baka biglang magising na lamang siya sa katotohanan na hindi naman pala totoo ang nararamdaman niya para sa 'kin.

Masakit man pero wala akong magagawa kundi tanggapin ang katotohanan. Na mukhang muli na naman akong masasaktan.

"Ano ba kasing mayroon? Bakit kailangan mong bigyan ng regalo si Terrence?"

Kanina pa siyang nagmamaktol kung ano bang magandang iregalo para rito. Wala man lang akong ideya kung para saan ba iyon.

"Edi ano pa ba? Malapit na ang kaniyang birthday, siyempre kailangan ko rin naman na magpasikat. Isang beses lamang naman kada taon nangyayari iyon kaya lulubusin ko na."

Malapad ang kaniyang ngiti. Samantalang natahimik naman ako. Wala akong ideya kung kailan ang birthday ni Dave. Paano kung nakalipas na pala? O malapit na tapos hindi ko man lang alam?

Nanikip naman ang dibdib ko. Hindi ko pa pala siya gaanong kilala, wala pa akong alam tungkol sa buhay niya at kung ano ba ang kaniyang kinahihiligan maliban sa paglalaro ng basketball.

Pakiramdam ko tuloy ay wala akong kwentang tao. Na wala man lang alam akong kaalam-alam sa lalaking gusto ko.

"Natahimik ka, ah. Mayroon bang problema?" Kunot pa ang kaniyang noo. "Wala naman. Ano bang dapat kong sabihin?"

She rolled her eyes. "Alam kong mayroon pero mukhang hindi mo pa kayang sabihin. Hindi naman kita pipilitin. Hihintayin ko na lamang iyong araw na ikwento mo sa 'kin ang lahat."

My lips parted. Mukhang mayroon na talaga siyang ideya sa aming dalawa ni Dave. Paano kung sabihin ko na talaga sa kaniya?

Mas malapit naman ang loob namin sa isa't isa kaysa kay Ally na mayroong sariling buhay. Minsan na namin itong makasama. Madalas din itong gabihin ng uwi sa sobrang busy. Naiitindihan naman namin siya. Mahirap din ang kaniyang course.

Maging kami ni Audrey ay nagiging busy na rin sa pag-aaral lalo na't malapit na ang aming exam. Hindi ako pwedeng mahulog. Ayaw kong biguin ang pamilya ko kahit na hindi naman nila ako pini-pressure sa pag-aaral.

Iniisip ko pa lamang ang paghihirap nila sa aming magkakapatid ay mas lalong gusto ko pang magsumikap para naman makabawi ako sa lahat ng kanilang pagod.

Para guminhawa rin ang kanilang buhay, na hindi na rin kailangan pang pumunta ni Papa sa ibang bansa para lamang sa gastusin namin sa pang-araw-araw.

"Sa tingin mo ba, magugustuhan niya ito?"

Tears of Heaven (Tears Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon