Chapter 37

53.9K 1.9K 1.5K
                                    

Dedicated to Sheila Villacampa Bignotea

Chapter 37

"Sieana..."

Bigla niya na lang akong sinalubong ng yakap. Mabilis naman akong gumanti sa kaniya, hindi ko mapigilan na mapangiti. "I-I'm sorry," she whispered.

"No, ako ang nararapat na humihingi ng sorry sa 'yo kasi nagawa kong itago ang katotohanan. I'm really sorry, Ally, alam kong nasaktan kita."

Bumitiw siya sa yakap at hinarap ako. Isang buwan din niya akong hindi pinansin. Kahit na nasa iisang bubong naman kaming dalawa, para bang ang hirap magtagpo ng landas namin.

Madalas siyang gabihin ng uwi, kapag papasok naman, sobrang aga niyang umalis. Hindi na rin namin siya nakakasabay na kumain.

"N-Naiintindihan ko kung bakit mo nagawa iyon, kasi ayaw mo lang na masaktan ako pero sana noong una pa lang, inamin mo na. Kasi tatanggapin ko naman. Inisip ko tuloy, baka hindi kaibigan ang turing mo sa 'kin para magawang i-sikreto ang bagay na iyon."

Napayuko ako. "I am sorry..." I bit my lower lip.

Muli niya akong niyakap. "Sorry rin, masaya ako para sa inyo. Huwag ka nang mag-alala pa kasi hindi na ako umaasa pa sa kaniya. Siguro gusto ko pa rin siya pero kaunti na lang ang nararamdaman ko. Hindi na ako nasasaktan pa sa tuwing nakikita ko kayong magkasama."

"Hoy! Ako rin!"

Bigla na lang nakiisa sa yakap sa amin si Audrey. Hindi naman maipaliwanag ang saya ko kasi okay na kaming dalawa.

Nabunutan na ng tinik ang dibdib ko.

"Wala ba kayong alam sa nangyayari sa kaibigan niyo?"

Nasa loob na kami ng sasakyan. Kasabay na namin si Audrey na busy sa pagbabasa ng libro. Mukhang mayroon na naman silang exam.

Habang si Dave naman, kanina pang nilalaro ang kamay ko. Wala nang takip pa na hindi katulad noon. Siguradong nasanay na rin sila sa kalandian naming dalawa.

"Madalas na gabihin ng uwi ang gagong iyon. Minsan nga hindi na umuuwi," Terrence said.

"Talaga? Hindi kaya mayroong problema ang isang iyon?" Nababakas sa boses ni Audrey ang pag-aalala.

Hindi na namin nakakasama pa si Zion. Kahit sa school, hindi nagkakatagpo ang landas naming dalawa. Nakakapanibago tuloy na tahimik na ang buhay namin kasi wala nang kaaway si Audrey.

"Palagi kong nakikita si Zion sa Department namin. May pinopormahan yata," sabat ni Ally.

Napaawang ang bibig namin. "Talaga? Kilala mo ba kung sino iyong babae?" ani Audrey.

Umiling si Ally. "Hindi ko nakikita kung sino iyong babae, pero madalas siyang tumatambay sa 2nd floor. Mukhang Accountancy rin ang course ng pinopormahan niya."

Napangiti naman ako. Sana nga mahanap na ni Zion ang babaeng nararapat sa kaniya.

"Anong oras ang vacant niyo?"

Narito na kami sa parking lot. Inaayos ko ang kaniyang necktie na palagi kong ginagawa. Hindi pa rin kasi siya marunong maglagay. Dahilan niya pa na narito naman daw ako na pwedeng mag-ayos niyon.

Umuna na iyong tatlo sa amin.

"Meron kaming one hour vacant mamaya, 1 to 2 PM..."

Sumimangot ang loko. Mayroon kasi silang klase sa oras na iyon. "Kita na lang tayo mamayang lunch."

Tumingkayad ako at hinalikan siya sa pisngi. Hinatid niya pa ako sa room namin ni Audrey. Kahit na madalas naman kaming magkasama, palagi pa ring habol ang tingin nila sa amin.

Tears of Heaven (Tears Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon