Chapter 6

77K 2.3K 1.3K
                                    

Dedicated to Nicole Grospe Cubangbang

Chapter 6

Continuation

"Babe?"

"Yes?" He looked at me and smiled.

Kasalukuyan kaming nakasakay sa sasakyan niya kasi sabay kaming papasok ng school. Tuwing umaga ay sinusundo niya ako sa bahay para magkasabay kami na pumasok.

Kahit kailan ay hindi siya nabigo na sunduin ako. Minsan nga kahit na absent siya nang dahil sa lagnat ay pumupunta pa talaga siya sa amin para lang maihatid ako sa school. Kaya mas lalo ko siyang minahal.

"May pinuntahan ka pa ba kagabi?"

Napansin kong tumaas baba ang adams apple niya na ikinalakas ng kabog ng puso ko. Hindi kaya siya nga ang tinutukoy ng kaklase ko?

Pero imposible! Alam kong hindi niya ako magagawang lokohin.

"Wala na, babe. Pagkahatid ko sa 'yo ay umuwi na ako," aniya kaya nakahinga naman ako nang maluwag. "Bakit mo natanong?"

"Wala naman, basta malaki ang tiwala ko sa 'yo, kaya sana huwag mo akong bibiguin."

Napansin kong napahigpit ang hawak niya sa manibela tulad nang ginawa niya kahapon. Kahit na nakatingin siya sa unahan ay napansin ko pa rin ang pagsalubong ng mga kilay niya.

"Pinagdududahan mo ba ako?"

Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya. "Hindi mangyayari 'yan, saka bakit naman kita pagdududahan? Alam ko naman na mahal mo 'ko at hindi ka gagawa ng bagay na ikasasakit ko."

"Kung mahal mo 'ko, dapat mayroon kang tiwala sa 'kin," malamig niyang ani.

Hindi ko akalain na ganito ang magiging reaksyon niya. Ayokong maniwala sa sinasabi ng iba kasi alam ko sa sarili ko na hindi niya magagawa ang bagay na 'yon, pero bakit parang may tinatago talaga siya?

At natatakot akong malaman ang katotohanan.

"May tiwala ako sa 'yo, babe."

Hindi na siya umimik pa kaya minabuti ko na lang na tumahimik. Alam kong nasasaktan siya kasi parang ang dating sa kanya ay hindi ko siya pinagkakatiwalaan.

Nang maiparada na niya ang sasakyan ay mabilis siyang lumabas para pagbuksan ako. Hindi pa rin nawawala ang pagsalubong ng kanyang mga kilay.

"Babe, galit ka ba sa 'kin?" Hinawakan ko ang kaniyang braso habang pilit kong hinuhuli ang tingin niya.

"No, nasasaktan lang ako kasi mukhang wala kang tiwala sa 'kin."

Hinawakan niya ang magkabila kong balikat at hinalikan ang noo ko.

"Ikaw lang ang babae sa puso ko."

Napangiti na lang ako sa sinabi niya. Siguro kaya nasabi ni Yna ang bagay na 'yon kasi gusto niyang masira ang relasyon namin ni David. Alam ko kasi na crush nito si David.

"See you later, babe..." He kissed my cheek.

"See you!" tugon ko at kinawayan siya.

Nasa harapan na kami ng room ko at pansin ko ang pagtingin ng ibang estudyante sa amin. Mukhang hindi pa rin sila nasasanay sa relasyon naming dalawa ni David.

Magkaiba kami ng strand ni David kaya hindi kami magkaklase. Ang pinili niyang strand ay GAS at ako naman ay STEM. Nagkikita lang kami kapag oras ng lunch kasi sabay kaming kumain.

"Sieana!"

Napangiti ako nang makita ko si Laira na kaibigan ko. Nagtungo naman ako papalapit sa kanya kasi magkatabi kami ng upuan.

Tears of Heaven (Tears Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon