Chapter 24

61.1K 2.2K 1.5K
                                    

Dedicated to Chloe Laurene DeLeon

Chapter 24

"Oh, God!"

Napahawak ako sa aking balakang nang bigla na lamang akong mahulog sa kama. Mabuti na lang mababa ang binagsakan ko kaya hindi ako masyadong masaktan.

Umupo ako sa gilid ng kama, pinagmasdan ko ang sarili ko sa harapan ng salamin. Dumako ang tingin ko sa aking mga labi.

Namilog ang aking mga mata nang maalala ang panaginip ko kasama ang lalaking iyon. Bumilis ang kabog ng puso ko.

"Really, Sieana? Hinalikan mo ang lalaking iyon sa panaginip mo?!" Napasabunot ako sa aking buhok.

Hindi ako makapaniwala sa napanaginipan ko. Bakit ko hinalikan ang lalaking iyon? Saka inamin ko rin sa kaniya ang nararamdaman ko.

Ganoon na ba kalalim ang nararamdaman ko sa kaniya para mapanaginipan din siya? Hindi ako makapaniwa sa panaginip na iyon.

Hindi mawala sa isipan ko iyong halik. Bakit ko ginawa iyon kahit na sa panaginip lang? Ganoon ko na ba kagustuhan na halikan siya?

Napailing ako sa naisip ko. Humiga muli ako sa kama at tumitig sa kisame. Mariin ko rin na kinagat ang pang-ibabang labi ko.

"Gusto kita, Sieana... tangina, gustong-gusto kita.."

Tinakpan ko ang aking mukha ng unan. Sa tingin ko'y namumula na ang aking magkabilang pisngi. Muling bumabalik sa aking isipan ang nangyari sa panaginip ko habang kasama ang lalaking iyon.

Bakit parang totoo? Sana totoo na lang... pero nakakainis kasi isang panaginip lang pala. Isang panaginip na mas lalong nagpagulo sa isipan ko.

Anong nais niyong ipahiwatig? Na dapat ko nang aminin sa kaniya ang nararamdaman ko? Kaya ko ba? Paano na si Ally? Anong iisipin niya kapag nalaman niyang gusto ko ang lalaking mahal niya?

Mabilis akong napailing. "Hindi pwede..."

Niyakap ko ang unan. Nanatili ang bilis ng tibok ng puso ko. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na nahulog ako sa taong iyon. Mukhang namang pinopormahan na nito si Elaine.

Hindi naman siya sasama rito kung walang dahilan lalo na't iwas siya sa mga tao. At oo, inaamin ko.

Nagseselos nga ako sa babaeng iyon.

"Miss na miss na miss ko na kayo, Mama..." Pinigilan kong maluha.

Naririnig ko ang boses ng mga kapatid ko na excited na makausap ako. Mabuti na lang nawala na ang tampo nila sa 'kin. Siguradong nasanay na rin sila na hindi ako nakikita sa araw-araw.

"Kailan ka po uuwi? Miss na kita..." Nababakas ang kalungkutan sa boses ni Thea.

Gusto ko na silang muling mayakap. Pero mukhang matatagalan pa bago ako makauwi. Ni hindi pa nga kami nag-e-exam para sa first sem. Matapos lamang talaga iyon, uuwi kaagad ako ng Batangas.

Kahit dalawang araw lang na makasama sila'y sapat na para sa 'kin. Gusto ko na ulit silang makatabi na matulog.

Sinilip ko muna ang kwarto ni Audrey. Mahimbing pa rin ang tulog nito maging ganoon din si Ally. Mukhang bumabawi talaga sila ng tulog kasi wala naman pasok ngayon.

Natigilan ako nang makarinig ako ng yabag mula sa ibaba. Mabagal akong humakbang para silipin kong sino iyon.

Hindi kaya mayroong nakapasok na magnanakaw habang tulog kami? Bigla akong kinabahan.

"Gosh!" Hindi ko napansin na nagsala na pala ang paa ko.

Gumulong ako paibaba, napangiwi ako nang maramdaman ang sakit ng mga binti at pang-upo ko. Sana lang ay hindi ako mabalian ng buto. "A-Ang sakit..."

Tears of Heaven (Tears Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon