Chapter 31

56.4K 2K 1.3K
                                    

Dedicated to Alleina Mayo

Chapter 31

"Sapat na ba ito para sa tatlong araw nating pananatili sa beach?"

Nilingon ko naman iyong laman ng push cart. Punong-puno na. Nagpapatakan pa iyong iba kasi kung anong magustuhan niya'y inilalagay niya roon. Mas marami pa ang junk foods kaysa masusustansyang pagkain.

"Okay na iyan, pipili na lamang ako ng healthy foods. Hindi magandang ganiyan palagi ang kainin natin."

Nilampasan ko na si Audrey. Mayroon naman akong dalang basket. Dumiretso kami sa supermarket para mamili ng pagkain na dadalhin namin sa beach kinabukasan.

Si Ally ay mayroon lamang bibilhin kaya hindi namin siya kasama rito. Ang boys naman ay pinauwi muna namin sa kanila para makapagpalit ng kanilang mga suot. Nakakahiya kung nakapambahay pa rin sila.

Hindi pa rin mawala sa isipan ko ang sinabi ni Zion kanina. Ibig sabihin na totoo ngang mayroon siyang nararamdaman sa 'kin?

Bakit? Sa paanong paraan? Hindi ko man lang napansin ang bagay na iyon. Kaya ba gusto niya akong makasabay na kumain sa tuwing time ng lunch?

Posible bang nasaktan siya noong araw na nakita kaming dalawa ni Dave? Na mas pinili na niya lamang na umiwas sa 'kin?

"Oh, God."

Napahawak ako sa dibdib nang biglang mayroong umagaw sa 'kin ng dala kong basket. Agad ko namang nilingon kung sino iyon, nakangisi pa ito.

"Anong ginagawa mo agad dito? Bakit ang bilis mong makabalik? Nasaan na iyong dalawa?"

Pinasadahan ko siya ng tingin. He was wearing a white polo shirt and a pair of black pants. Pagtingin ko sa ibaba, napansin kong bago ang suot niyang rubber shoes. Halatang mamahalin pa.

"Ibig sabihin?"

He just shrugged his shoulders. Sa reaksyon niya pa lang, alam ko na ang kasagutan. Hindi na sila umuwi pa sa kanilang apartment para magpalit kasi rito na sila namili ng kanilang susuotin.

"How was your sleep?"

Inakbayan na niya ako, pinigilan ko naman na mapangiti. Sana lang ay hindi nila kami makita rito. Okay lang kung si Audrey pero paano kung sumunod si Ally at masaksihan ito?

Ano na ang gagawin ko?

"Pinuyat mo 'ko. Nakakainis ka." Mahina kong pinisil ang tagiliran niya.

Tumawa naman ang loko. "I love talking to you."

Nilingon ko naman siya, nagtama ang tingin naming dalawa. Hindi pa rin mawala ang ngiti sa kaniyang mga labi. "Bakit? Dahil ba natatawa ka sa mga sagot ko sa mga walang kwenta mong katanu-"

"Gusto ko lang marinig ang boses mo... Yes, wala akong kwentang kausap, hindi ako mahilig sa ganoon. Kaya kung anu-ano ang tinanong ko sa 'yo para lamang matagal kong maririnig ang boses mo."

I couldn't help but smile while staring at him. Mas lalo niya pa akong inilapit sa kaniya para mahalikan ang aking noo.

"I would stay by your side at all times if I could..." he whispered.

Nawala ang ngiti sa aking mga labi. Alam ko ang kaniyang nais na ipahiwatig. Siguradong napapagod na siya sa ganito, na tinatago namin ang namamagitan sa aming dalawa.

Gustong-gusto niyang hawakan ang kamay ko sa harapan nila pero hindi niya magawa.

"Kamay mo?"

Lumayo na ako sa kaniya at pumunta sa harapan. Kumunot naman ang kaniyang noo.

Tears of Heaven (Tears Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon