Chapter 16

68K 2.6K 1.2K
                                    

Dedicated to Princess Jane Salonga

Chapter 16

"Alam mo ba kung anong meron sa number 23?"

Nakamasid ako sa likuran ni Dave. Kasalukuyan na itong nasa gitna ng court para mag-practice. Mamaya lang ay magsisimula na ang kanilang laro.

Ngayon ko lang napansin na 23 pala ang number ng kaniyang jersey. Maging ganoon din sa suot ko. Alam kong marami ang nagtaka nang makitang suot ko ang jersey nito.

Iba na siguro ang iniisip nila. Wala lamang akong choice kundi suotin ito. Hindi naman ako hayaan ni Audrey na umuwi. Dapat daw mag-enjoy kami kasi minsan lang naman ito nangyayari.

"Hindi ko alam. Araw yata noong sinagot siya ng kaniyang girlfriend."

Natigilan ako sa sinabi niya. "Girlfriend? Mayroong girlfriend ang lalaking iyon?!"

Nilingon niya ako. Malapad ang kaniyang ngisi sa naging reaksyon ko. Iniwas ko naman ang tingin sa kaniya.

Bakit ba ganoon na lamang ang naging reaksyon ko? Hindi naman nakakapagtaka kung mayroon nga itong girlfriend. Kaya siguro hindi masabi ni Ally ang nararamdamanan niya para rito kasi alam niya ang bagay na iyon.

"Maki-react ka naman, Sieana sa sinabi ko. Super affected na mayroong girlfriend iyong tao? Ikaw ha? Baka iba na iyan, mukhang hindi na pagkakaibigan pa ang tingin mo sa lalaking iyon." Siniko niya ako.

"Friendship over na kami... Tinapos na niya kanina pa ang pagkakaibigan naming dalawa."

Hindi man ako nakatingin sa kaniya, alam kong nakaawang ang kaniyang bibig sa nalaman. Totoo naman ang sinabi ko, ah.

Mukhang seryoso si Dave na tapusin na ang pagkakaibigan namin kung kailan tanggap ko na siyang maging kaibigan.

Narinig ko naman na tumawa si Terrence na nasa tabi lang ni Audrey.

Mukhang nakikinig ito sa amin. "Agad na? Panandaling pagkakaibigan lamang pala ang meron kayo, 'no? Hindi man lang umabot ng dalawang linggo! Ang bilis matibag. Sobrang rupok ninyo!" Audrey chuckled.

Pinaningkitan ko siya ng tingin. Dumako ang tingin ko kay Terrence na nakatingin sa gitna ng court pero nakataas ang sulok ng labi.

"Hindi pala pagkakaibigan ang gusto, ang nais pala'y pag-iibigan." Muli akong siniko nito.

"Magtigil ka nga! Wala pa sa isip ko ang ganiyang bagay. Ayoko nang masaktan pa."

Muli siyang humalakhak. Napailing na lamang ako. Mukhang hindi na niya ako titigilan.

"Joke lang naman. Wala iyong girlfriend. Asa pa naman na mangyari iyon kung lahat ng babaeng lumalapit sa kaniya'y ipinagtatabuyan niya. Mukhang wala rin namang balak na magkaroon ng karelasyon."

Napatango ako. "Araw iyon ng birthday niya." Sabat ni Terrence.

Kung ganoon, anong month ang kaniyang birthday? Lampas na ba o malapit na? Napailing ako. Bakit ko naman gustong alamin iyon?

Muling dumako ang tingin ko kay Dave. Nasa kaniya na ngayon ang bola, na-bwelo para mai-shoot iyon sa ring. Sobrang layo pa naman niya roon.

"Wow!" Tanging iyon na lang ang nasabi ko nang ma-shoot niya iyon sa ring.

Maraming naghiyawan na halos lahat ay kababaihan. Mukhang siya ang pakay dito. Si Zion naman ay tahimik lamang na nakaupo sa gilid.

Paano'y mayroong katabing mga babae. Mukhang walang balak na mag-practice dahil mas busy na lumandi. Ang sama tuloy ng tingin sa kaniya ni Frank.

Tears of Heaven (Tears Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon