Chapter 27

70K 2.4K 1.4K
                                    

Dedicated to Kim Bajan

Chapter 27

"Mayroon ka bang extra pad d'yan? Naubusan kasi ako."

Nilingon ko si Audrey na nasa bungad ng aking pintuan. Kasalukuyan niyang sinusuklayan ang kaniyang buhok. Hindi ko man lang napansin na naroon na pala siya kasi busy ako sa pagmasid sa salamin.

Kinuha ko naman ang kaniyang hinihingi at mabilis na lumapit sa kaniya. Tulad ko'y nakasuot na rin siya ng uniform. Mas maaga pa akong nagising sa kaniya.

Mabuti na lang bumalik ang power kagabi. Nagkaroon lang daw pala ng problema sa linya ng kuryente kaya nawalan.

"Ang blooming mo ngayon, ah. Ikaw, ha. Mayroon ka bang hindi sinasabi sa 'kin?" Tinusok pa niya ang bewang ko.

Pinandilatan ko siya ng tingin. Pinigilan kong mapangiti sa kilig na aking nararamdaman nang maalala ang nangyari kagabi.

Hindi pa rin ako makapaniwala na gusto niya ako. Hindi kaya panaginip na naman iyon? Na baka hindi naman totoo?

Mukhang nagiging assuming na yata ako.

"Ikaw ba? Mayroon ka rin na hindi sinasabi sa 'kin, ah. Saan kayo nagpunta—" she cut me off.

"Kailangan ko nang pumunta sa C.R, salamat dito, Sieana!" Kumaripas siya ng takbo.

Napailing na lamang ako. Mukhang iniiwasan niyang mapag-usapan iyon. Sana lang ay mawala na ang sakit sa puso niya nang dahil sa lalaking iyon.

"Gusto mo ba talaga ako?"

Pinagmamasdan ko iyong bracelet, hindi ko rin mapigilan na mapangiti. Sobrang bilis din ng kabog ng puso ko. Paulit-ulit na pumapasok sa isipan ko ang nangyari kagabi.

"Sieana, kumalma ka. Huwag kang magpapahalata sa kanila." Tinakpan ko ng unan ang aking mukhang namumula.

Hindi ako pwedeng magpakita na ganito ang aking mukha. Madali pa naman malaman kapag kinikilig ako kasi namumula talaga ako. Kilala na ako Audrey, malalaman niya agad iyon.

Lalo na kung sino ang dahilan.

"Umuna na si Ally?" Nilingon ko si Audrey na pinagmamasdan ang sarili sa salamin.

Nandito na kami sa labas upang hintayin ang mga iyon. Papunta na raw sila rito. Parang nakikipag-karera ang puso ko sa bilis ng kabog. Kinakabahan ako sa oras na makita ang lalaking iyon.

"Kanina pa itong nakaalis. Mayroon daw silang group study ng mga kaibigan niya kasi mamaya na raw ang exam nila sa isang subject. Alam mo naman iyon, subsob din sa pag-aaral. Mukhang ayaw biguin ang magulang."

Napatango na lamang ako. Hindi ko mapigilan na kabahan kasi baka nakita niya kaming dalawa ni Dave. Na nasaktan siya nang dahil sa 'kin kaya mas pinili nitong umiwas.

"Mayroon ka bang gustong sabihin sa 'kin?" Nakataas pa ang kilay niya.

"Huh? Ano naman ang sasabihin ko sa 'yo." Iniwas ko ang tingin sa kaniya.

Hindi pa ako handang sabihin sa kaniya ang nangyari kagabi kahit na alam kong mayroon na siyang ideya. Walang pwedeng makaalam sa kanila tungkol sa aming dalawa ni Dave.

"Wala ba talaga?" Sinundot niya ang bewang ko. "Audrey!"

She chuckled. Hindi niya ako muling kinulit pa kasi busy na siya sa pagkuha ng kaniyang litrato.

"Maganda ba?" Pinakita niya iyong kaniyang selfie, ginaya pa ang pose niya roon.

"Pwede na."

She rolled her eyes. "Ang ganda ko kaya rito."

Tears of Heaven (Tears Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon