Chapter 35

55.9K 1.7K 1.6K
                                    

Dedicated to ate Dana De Laine

Chapter 35

"Kalma lang, siguradong magugustahan ka nila."

Hinawakan ko ang kamay niya at marahan na pinisil. Sumilay naman ang ngiti sa kaniyang mga labi. Pansin ko kasing hindi siya mapakali simula pa kanina.

Dumaan pa kami sa mall para lang bumili ng pasalubong sa mga kapatid ko. Siguradong mabibigla sila sa oras na makita ako kasi hindi ko pa nasasabi sa kanila na uuwi ako ngayon. Gusto ko silang surpresahin.

"Tang ina talaga ni Zion, hindi ko makakalimutan ang ginawa niya! Sa oras na magkita kami, uubusin ko talaga ang buhok ng gagong iyon!" Inis na kinagat ni Audrey ang hawak niyang yum burger.

Tahimik lang sa pagmamaneho si Terrence. Habang kami lang ni Dave ang nasa likuran. Umuna na kasi iyong dalawa sa amin.

Alam kong nasaktan si Ally sa nasaksihan niya. Noong araw na rin na iyon, bigla na lang siyang umalis. Wala akong ideya kung sino ang sumundo sa kaniya.

Si Zion naman ay bigla na ring nawala na parang bula. Matinding suntok din ang natanggap niya mula kay Terrence sa ginawa nitong paghalik kay Audrey.

Hindi ko akalain na magagawa iyon ni Zion kay Audrey, talagang sa harapan pa ni Terrence. Ang mas nakakagulat pa'y ang naging reaksyon ng lalaking iyon na halos itakwil na si Zion bilang kaibigan sa tindi ng galit na naramdaman nito.

Kung hindi lang naawat ni Dave, baka hindi na makilala pa ang mukha ni Zion. Hindi ko tuloy mapigilan na mag-alala sa kaniya.

Alam kong isa ako sa dahilan kung bakit siya sobrang nag-lasing, kasi nasaktan ko ang damdamin niya.

"You okay?"

I looked at him and smiled. "Don't worry, okay lang ako. Nag-aalala lang ako para kay Ally. Alam kong nasaktan siya. Hindi ko alam kung paano ko pa siya haharapin kasi nagawa kong i-sikreto ang tungkol sa ating dalawa. Pakiramdam ko tuloy, napakasinungaling kong tao."

"Don't say that, ginawa mo lang iyon para hindi siya masaktan. Alam kong matatanggap niya rin ang katotohanan na ikaw ang mahal ko. Wala na siyang magagawa pa roon."

I sighed. "Una pa lang, alam kong mahal ka niya. Malamang na iisipin niya na nag-taksil ako sa kaniya. Sinabi ko pa na tutulungan ko siya mapalapit lang sa 'yo. Pero anong nangyari? Naging tayong dalawa habang siya... nasasaktan."

Umiwas siya ng tingin. "What do you mean? Pinagsisisihan mo ba na naging boyfriend mo ako?"

My lips parted. Hindi ko inaasahan na sasabihin niya iyon. "H-Hindi sa ganoon pero dapat inisip ko muna ang marara-"

"At ngayon, pinagsisisihan mo na ang relasyon nating dalawa..." He smiled bitterly.

Lumayo na siya sa 'kin at sinuksok ang sarili sa gilid. Naiwan naman akong tulala. Pansin ko ang pagtingin sa amin niyong dalawa gamit ang salamin sa unahan.

Hindi ko akalain na mapupunta sa ganoon ang usapan namin. Sweet pa naman kami kanina pero ngayon, parang hindi na kami magkakilala.

Alam kong nasaktan ko siya kahit na wala namang katotohanan ang sinabi niya. Hindi ko pinagsisisihan ang relasyon naming dalawa. Naiinis lang ako sa sarili ko kasi hindi ko nagawang sabihin kay Ally ang totoo simula noong una pa lang para hindi na ito sobrang masasaktan pa.

"Okay lang ba kayong dalawa?" Panimula ni Audrey.

Tumikhim naman si Terrence. Nahiya tuloy ako kasi nawala sa isipan ko na posibleng marinig nila kaming dalawa. Malamang na alam na nila ang dahilan kung bakit hindi kami nagpapansinan.

Tears of Heaven (Tears Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon