Chapter 29

61.8K 2.2K 1.7K
                                    

Dedicated to Nesibelle Diansay

Chapter 29

"Anong sagot mo sa number 3? Pakiramdam ko'y mali ang sagot ko roon! Hindi ko alam kung mayroon bang point. Nagdalawang-isip pa ako kung anong isasagot."

Napahampas pa ito sa kaniyang noo. Kakatapos lamang ng exam namin sa Algebra. Isa talaga iyon sa tinutukan naming aralin. Halos mapuyat kaming dalawa nang dahil doon.

Mabuti na lang pareho kaming mechanical ang course kaya pwede kaming magtanungan kung hindi namin alam kung paano ba i-solve.

"Hindi ba't iyong letter B? Doon din ako nahirapan. Binalikan ko na lamang kasi mauubos ang oras kapag nanatili ako sa number na iyon. Mahirap na't baka hindi pa tanggapin ni, Sir, kapag nahuli ako ng pasa."

"Sinasabi ko na nga ba't mali ako roon! Ang bobo naman kasi ng calculator! Nakakainis!" Panay pa rin ang hampas nito sa noo.

Napailing na lamang ako. Magkakahiwalay kasi ang upuan namin. Bawal din naman kaming magtanungang dalawa.

Mahirap talaga kapag walang pinag-aralan lalo na kung hindi saulo ang gagamiting formula. Wala talagang maisasagot kapag ganoon.

"Matapos lamang itong sem! Pupunta talaga tayo ng beach para naman makapag-relax. Yaho!" Tinaas niya pa ang kaniyang dalawang kamay.

My eyed widened. Wala akong ideya sa plano nila pagkatapos ng exam. Balak ko pa naman sanang umuwi sa amin kasi mayroon kaming two weeks na vacation matapos ang sem.

"Talaga?" She nodded.

"Iyon din ang balak ni Renzo, gusto niyang i-celebrate ang kaniyang birthday sa beach para naman maiba. Excited na ako!" She giggled.

"Hindi yata ako makakasama sa inyo."

Nawala ang kasiyahan sa kaniyang mukha. "Bakit naman? Iyon ang unang beses na magkakasama tayong anim sa beach. Saka para na rin makapag-relax tayo. Ilang araw na rin tayong puyat sa kaka-aral, kailangan din naman nating maglibang."

Umupo ako sa bench na nakita ko. Sumunod naman siya at tumabi sa 'kin. Kakaunti lamang ang estudyanteng umuuli kasi araw ngayon ng exam.

Mamaya na ulit ang sunod pa naming mga exam kaya may oras pa kami para makapag-aral. Mabuti na lang natapos na iyong pinakamahirap naming subject, ang algebra. Dugo talaga ang utak.

"Babalik ako ng Batangas. Nangako rin ako kay Mama na matapos lamang itong sem, uuwi na ako kasi miss ko na sila."

She sighed. "Ganoon ba? Sayang naman. Kasama pa naman ang lovidabs mo!"

I glared at her. Sinundot niya naman ang aking bewang. Nasabi ko na sa kaniya ang tungkol sa aming dalawa ni Dave. Wala na rin naman kasi akong maitatago pa sa kaniya.

Naiinis pa nga siya kasi bakit daw hindi pa maging kami nito. Hindi naman ako nililigawan ni Dave, kaya paano magiging kami?

Okay na sa 'kin na mahal namin ang isa't isa. Mariin kong kinagat ang pang-ibabang labi ko sa kilig na nararamdaman.

"Hindi naman siguro tatagal iyon ng isang linggo. Baka nga tatlong araw lamang tayo sa beach, kaya pwede ka pang makasama sa amin. Dalawang linggo naman ang vacation, 'di ba? Marami pa naman ang natitirang araw na makasama mo sila."

Tumitig siya sa mga mata ko. Nagpapaawa pa para lamang sumama ako sa kanila. Gusto ko rin naman kasi iyon nga ang unang beses na makakasama ko sila sa beach.

Gusto ko rin na magsaya naman kahit papaano. Maiintindihan naman siguro ako ni Mama. Ang problema lang, hindi niya pa talaga nakikilala iyong boys.

Mas mabuti kung makilala niya ang mga ito sa personal. Magaling kumilatis ng tao si Mama. Malalaman niya kagaad kung pwede niya ba itong pagkatiwalaan.

Tears of Heaven (Tears Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon