Chapter 18

66.6K 2.4K 1.2K
                                    

Dedicated to Margarette Jillainne Sanchez

Chapter 18

"Ano nang plano? Hindi tayo pwedeng magsama-samang lahat. Wala tayong mapapala kung ganoon ang mangyayari."

Palipat-lipat ang tingin sa amin ni Audrey. Nakahilera kaming lima sa kaniyang harapan. Nasa tabi ko si Dave na hindi na lumayo pa sa 'kin.

Nandito na kami ngayon sa mall. Mabilis kaming nakarating dito kasi hindi naman traffic. Nahirapan pa ako kaninang gisingin si Dave na tulog mantika.

"Paano kung tayo na lang girls ang magkakasama? Tapos silang mga lalaki?" Mabilis na napailing si Audrey sa sinabi ko.

"Hindi pwede! Wala tayong mapapala kung magsasama ang mga lalaking iyan. Baka sa halip na mamili ang mga iyan, ang mangyari'y mamasyal lamang sila. Wala silang alam."

Hinilot pa nito ang sentido. Napatango ako. Tama naman siya. Mukhang walang magagawa iyong tatlo kung sila ang magkakasama.

"Kami na lang ni Sieana ang magkasama." Napalingon ako kay Zion sa sinabi niya.

Napaiwas na lang ako ng tingin nang biglang kumindat si Zion. "Okay lang ba sa 'yo, Sieana?" tanong ni Audrey.

Nakatingin na silang lima sa 'kin. Hinihintay ang sasabihin ko. Dumako ang tingin ko kay Dave. Napansin ko ang pagtaas-baba ng Adam's apple niya.

Mabilis akong umiwas. "Okay la—" Dave cut me off.

"Sa akin si Sieana, sa akin siya sasama..."

Napaawang ang bibig ko nang hawakan nito ang palapulsuhan ko at hinila papalapit sa kaniya. Seryoso ang tingin niya sa 'kin. Narinig kong tumikhim si Ally kaya mabilis kong inalis ang pagkakahawak niya.

"Si Zion—" Biglang sumingit si Audrey sa sasabihin ko.

"Okay, final na. Dahil magaling pumili ng sariwang pagkain si Sieana, siya na ang bahalang mamili ng groceries natin. Baka matulad ulit sa atin na mabilis nabulok. Sayang lang."

"Kung sariwa lang din naman pala ang hanap, bakit hindi na lang tayo sa palengke mamili? Mas sariwa roon ang gulay at mga karne kasi bagong labas. Hindi katulad dito sa mall na frozen na lahat ng pagkain. Wala tayong ideya kung kailan nailabas—" Audrey cut me off.

"Hindi tayo pwede roon. Imposibleng madala natin ang mga iyan sa palengke. Baka madampian lang ng braso iyang si Dave ng kung sino'y buhusan niya kaagad ito ng alcohol. In short, maarte. Si Zion naman, baka bigla na lang umuna at mag-uwi ng tindera sa apartment nila dahil sa kalandiang taglay. Kahit sino ay pinapatos, wala nang pinalampas ampota." Audrey rolled her eyes. "Buti pa si Renzo, matino," dugtong pa niya.

"Naririnig ko ang sinasabi mo, Denden. Hindi ba pwedeng sabihin mo na lang na dahil sa kagwapuhan kong taglay kaya maraming babae ang nahuhumaling sa 'kin, ha? Nahiya ka pang purihin ako." Zion winked at her.

"Ang kapal ng mukha mo!" Audrey glared at him.

Zion laughed. Napailing na lang ako. Mukhang totoo naman ang sinabi ni Audrey tungkol sa dalawa.

Wala na akong choice kundi ang mamili rito ng pagkain. Sana lang ay mayroong sariwa para hindi agad mabulok at masayang.

"Uulitin ko, sila Sieana at Dave na ang bahala sa groceries. Kami naman ni Terrence ang bahala na magpalagay ng frame sa picture natin na kinuhanan kahapon. Sila Zion at Ally naman sa pagbili ng TV tutal ang lalaking iyan naman ang nakasira kaya dapat siya ang bumili!"

Napakamot si Zion sa batok nito. "Ilang inch ba ang gusto mo? 120? O mas malaki pa?"

Namilog ang mga mata ko sa sinabi nito. 120 inch na TV? Sigurado ba siya roon? Sobrang laki niyon at mahal pa! Hindi namin kailangan ng ganoong kalaking TV!

Tears of Heaven (Tears Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon