Chapter 8

79K 3.2K 1.5K
                                    

Dedicated to Dannielle Anne Torres

Chapter 8

"Do you believe in love at first sight?"

Napaawang na lang ang bibig sa kaniyang sinabi. Hanggang ngayon ay nakahawak pa rin siya sa magkabilang pisngi ko habang magkatitigan ang aming mga mata.

"A-Ano? Baliw ka ba---ouch!"

Sinamaan ko siya ng tingin nang bigla niyang pitikin ng malakas ang noo ko. Pakiramdam ko ay namumula na 'yon dahil sa lakas ng kaniyang pagpitik.

"Bakit mo ginawa iyon, ha?!" asik ko habang nakaduro sa kaniya.

Nakangisi lang siya kaya mas lalong kumulo ang dugo ko. Nagsisisi na ako na hinayaan kong marinig niya ang kagaguhan sa 'kin ng gago kong ex.

Dapat nilalayuan ko siya kasi David ang pangalan niya. Masyadong delikado ang pangalang 'yon. Sabihin na natin na magkaibang tao naman sila pero hindi ko pa rin mapigilan na matakot.

"You're so ugly," naiiling niyang ani at tinalikuran ako.

"Anong sinabi mong manyak ka?!"

Humarang ako sa unahan niya kaya tinaasan niya ako ng kilay. Nakalagay ang dalawa niyang kamay sa magkabilang niyang bulsa.

Dumako ang tingin ko sa necktie niya na hindi maayos ang pagkakabuhol. Parang basta niya na lang sinuot iyon sa leeg niya. Napailing na lang ako kasi simpleng bagay ay hindi niya magawa.

Bakit hindi na lang siya nagbikti?

"No wonder kung bakit niloko ka ng ex mo, hindi ka naman maganda."

Naikuyom ko ang aking mga kamao dahil sa sinabi niya. Naiinis ako sa kayabangan niyang taglay. Sobrang sama nga ng kaniyang ugali!

Tama nga si Audrey na dapat iwasan ko ang lalaking ito. Mukhang hindi matatahimik ang buhay ko sa kaniya.

"Wow! Sa tingin mo ba gwapo ka na niyan, ha? Ang sama ng ugali mo!"

Naglakad siya papalapit sa 'kin at pinantay niya ang mukha naming dalawa. Aaminin ko na guwapo talaga siya, sobrang kinis din ng kaniyang mukha. Idagdag pa ang blonde niyang buhok na bumagay sa kaniya. Mayroon din siyang itim na hikaw sa kaliwa niyang tainga.

Mas guwapo siya sa gago kong ex pero pareho silang gago!

"Ikaw mismo ang makakasagot sa sarili mo kung gaano ako ka-guwapo sa paningin mo."

Nilayo na niya ang kaniyang mukha habang napaawang naman ang bibig ko. Nilampasan na niya ako kaya inis ko siyang nilingon.

Inalis ko ang sapatos ko at binato ko sa kaniya. Pero mukhang may mata siya sa kaniyang likuran kasi mabilis siyang nakaiwas.

Tiningnan niya muna ang sapatos ko na nasa gilid niya at nakangising nilingon ako. Bigla naman akong kinabahan kasi baka kung anong gawin niya roon.

"Thank you sa sapatos mo," he smirked.

Pinulot niya ang sapatos ko kasabay nang mabilis niyang pagbato sa manila bay na ikinagulat ko.

"Gago ka!"

Nagtatakbo ako papalapit sa kanya at dinamba ko ang kaniyang likuran kasabay nang pagkagat ko sa kaliwa niyang tainga.

"Fuck! Layuan mo ako!" asik niya habang pilit akong inaalis mula sa kaniyang likuran.

"Mayabang ka! Gago! Manyak!"

Mas diniinan ko pa ang pagkagat sa kaniya kaya mas lalo siyang nagwala. Umalis na ako sa kaniyang likuran nang masiguradong mapula na ang kaniyang tainga.

Tears of Heaven (Tears Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon