Chapter 2

135K 3.5K 855
                                    

Chapter 2

Sa tingin ko'y puyat ako dahil hindi agad ako makatulog. Siguradong namamahay ako kasi hindi naman ako sanay na makitulog sa iba. Isa 'yon sa inaalala ni Mama kasi alam niyang mangyayari ang bagay 'to.

Halos tatlong oras lang ang itinulog ko. Nagbasa na lang ako ng wattpad kagabi para lang dalawin ako ng antok. Pero natapos ko na ang story ay wala pa rin talagang epekto.

Pinilit ko lang talaga na matulog kasi ayoko naman na makatulog agad ako sa klase.

"Kumusta naman ang unang gabi mo rito?" tanong ni Audrey na ngayon ay nakaharap sa malaking salamin habang nagsusuklay.

Nakasuot na siya ng uniform at bagay na bagay sa kanya. Siguradong maraming kalalakihan ang humahanga sa kagandahan niya.

"Hindi maayos, tatlong oras lang ang itinulog ko."

"Hay naku, Sieana. Ganyan din kami ni Allysa noong unang gabi namin dito. Hindi agad kami makatulog kasi namamahay kami."

Oo nga pala, nalaman ko na may kasama pa kaming isang babae rito sa apartment. Ang pangalan nito ay Allysa Rosette Millanes. Mas una siya sa amin ng isang taon. Accountancy ang course niya kaya mahihiwalay siya sa amin.

Kasalukuyan siyang naliligo kaya naman nakapambahay pa rin ako. Hinihintay kong matapos siya na maligo. Ganito pala rito, kailangan maagang gumising para naman maunang makagamit ng banyo.

"Hanggang kailan niyo naranasan 'yon?"

"Siguro mga isang linggo? Huwag kang mag-alala pa. Masasanay ka rin dito."

Hinarap niya ako habang ang lapad ng kanyang ngiti. Ngumuso pa siya para ipakita ang namumula niyang mga labi.

"Sana nga, kasi sobrang namimiss ko na sila."

Umupo siya sa tabi ko at niyakap ako. Mabuti na lang kahit na matagal kaming hindi nagkita ay close pa rin kaming dalawa.

"Nandito naman kami ni Allysa. Saka pwede mo naman palaging tawagan si Tita."

Napangiti ako sa sinabi niya at ginantihan siya ng yakap. "Thank you, Audrey."

"Always."

Narinig naming bumukas na ang pintuan ng banyo at lumabas si Allysa na nakatapis lang ng tuwalya. Para siyang anghel sa sobrang kagandahan niya.

Matamis din ang kanyang ngiti na nakamasid sa amin.

"O 'yan, tapos na si Allysa kaya makakaligo ka na," ani Audrey.

Tumayo naman ako at nilagay sa balikat ko ang tuwalya.

"Pasensya ka na, Sieana, kung natagalan ako. Sadyang matagal lang ako maligo."

"Ano ka ba naman? Okay lang 'yon, Ally. Sanay naman akong maghintay!"

Natawa na lang siya nung tawagin ko siya sa kanyang nickname. Hindi naman siya mahirap na maka-close kasi kasing ugali niya si Audrey.

Sa tingin ko ay magkasing height lang kami, si Audrey lang talaga ang pinakamaliit sa amin.

"Humugot ang brokenhearted!" sabat ni Audrey kaya pinaningkitan ko siya ng tingin.

Iniwas niya naman ang tingin sa 'kin kaya pumasok na ako ng banyo para maligo. Habang naliligo ako ay naiisip ko ang aking pamilya. Pinili ko 'to kaya kailangan kong panindigan ang desisyon ko.

Pagkarating namin kahapon dito sa apartment, parang gusto ko nang umuwi kasi hindi ako sanay na hindi ko nakikita ang aking pamilya. Siguradong malungkot din sila ngayon kasi wala ako.

Tears of Heaven (Tears Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon