DAVE'S POV

32.4K 541 295
                                    


“Tol, gising! Nandito na tayo.”

Nagising ako sa malakas na tapik ni Zion. Nag-inat ako at tumanaw sa labas ng bintana ng eroplano. Sa himbing ng tulog ko ay hindi ko naramdaman na nasa lupa na kami. Naglalabasan na ang ibang mga pasareho.

Nanay Chuwi died three years ago. Inatake siya sa puso. Wala man lang akong nagawa para sa kanya. Iniuwi ko ang urn na kinalalagyan ng kanyang abo kung ilibing siya sa Pilipinas. Hindi ko siya kayang iwan sa Amerika.

Alam na rin ng pamilya niya ang nangyari sa kanya. Nakakalungkot lang na hindi na
nila ito makikitang buhay.

“Dugyot pa ako noong umalis dito sa Pinas. Tingnan mo naman ngayon,” inayos ni Zion ang suot na salamin. “Mukhang hot daddy na.”

Tumawa si Terrence. “Oo, magiging daddy ka na talaga gago ka! Pati flight attendant, hindi mo pinalampas. Tinagpo mo pa sa loob ng C.R.”

Hindi ko sila pinansin. Puro wala namang kwenta ang mga sinasabi nila. Hindi ko nga alam kung bakit tumagal ang pagkakaibigan naming tatlo gayong iba-iba ang ugali namin. Walong taon din kaming namalagi sa States.

Sa loob ng mga panahong iyon ay hindi ko man lang nahanap si Mommy. Nawawalan na rin ako ng pag-asa na mahanap siya.

Inakbayan ako ni Zion. “'Tol, tara na. Mukhang wala rito ang hinihintay mo.”

“Hindi ko naman siya hinahanap,” agad kong tanggi.

“Pero umaasa ka na darating ang daddy mo para salubungin ka,” sabad ni Terrence.

I remained silent. Totoo ang sinabi ni Terrence. Hinihintay ko ang taong wala namang pakialam sa akin. Sa loob ng walang taon, hindi man lang siya nagparamdam sa akin. Para bang kinalimutan na rin niya ako.

***

NAGHANAP kami ng hotel na tutuluyan namin. Elementary pa noong umalis kami sa Pilipinas, pero ngayon ay college na kami. Magse-second year na sina Zion at Terrence, habang ako naman ay first year pa lang.

Tumigil ako ng isang taon. Mas inuna kong hanapin si Mommy kaya nahuli na ako sa kanila. Nang makahanap na kami ng tutuluyan ay inasikaso namin ang paglilibing sa sementeryo ng abo ni Nanay Chuwi.

“Pupunta tayo sa Baguio, may susunduin tayo roon. Makatutulong siya sa atin,” balita ni Terrence.

Sinundo nga namin sa Baguio ang isang babae. Nakilala lang daw iyon ni Terrence sa Facebook. Nalaman ko na “Audrey” ang pangalan nito at hindi sila magkasundo ni Zion. Minsan ko lang din siyang makausap. Hindi ako sanay na nakikipag-usap sa taong hindi ko kilala.

Lumuwas kami sa Maynila dahil doon namin balak mag-aral ng college. Isinama namin si Audrey na mukhang inampon na ni Terrence. Iniisip ko tuloy na gusto niya ang babae. Parang girlfriend na niya ito kung ituring.

“Mag-apartment na lang tayo para makamura? Para na rin malapit sa university,” suhesiyon ni Audrey.

Pumayag sina Zion at Terrence kaya wala na akong nagawa. Naghanap kami ng apartment na tutuluyan. Hindi namin maaaring isama si Audrey sa apartment kaya naghanap din siya ng matutuluyan na malapit lang sa amin.

Mayroon daw itong makakasama sa apartment—si Ally. Minsan ko na ring nakita at nakausap sa cafe shop sa States si Ally. Mukhang natatandaan pa rin niya ako kaya pansin ko ang pagtitig nito sa akin.

“Gagi, nakilala mo pala si Allysa sa States? Ba’t hindi mo sinabi sa amin?” Mahinang sinuntok ni Zion ang braso ko.

“Nagtanong ba kayo?”

Humalakhak si Terrence. “Wala 'yang interes sa babae kaya wala kang mapapala sa isang 'yan.”

Kung mahilig sa babae si Zion, ako hindi. Ni minsan ay hindi ko nakita ang sarili ko na magkakagusto sa isang babae. Kahit model pa ang iharap nila sa akin, wala akong pakialam.

Tears of Heaven (Tears Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon