Chapter 21

60.8K 2.2K 1K
                                    

Dedicated to Emarie Azul Staana

Chapter 21

"Bakit ganiyan ang tingin mo sa 'kin? Para kang timang, Zion! Naiilang ako sa titig mo. Hindi ako makikipaglandian sa 'yo!"

Nasa harapan na kami ng hapag-kainan. Nilingon ko si Terrence na tahimik lamang na kumakain. Sa tatlong magkakaibigan, siya lang ang hindi ko gaanong nakakausap.

Para bang iwas din siya sa mga tao lalo na't hindi niya naman ka-close. Dumako ang tingin ko kay Audrey, kanina pang nakataas ang kilay niya kay Zion na nakahalumbabang nakamasid sa kaniya.

Magkaharapan pa naman iyong dalawa. Magkatabi sila ni Terrence habang nasa tabi ko naman si Zion. Tapos na itong kumain na mukhang nagustuhan ang niluto ko.

Nakailang sandok pa siya ng kanin. Panay pa ang sabi nito na ang sarap para lang inisin si Audrey kasi hindi raw ito gaanong masarap na magluto.

"Natikman mo na ba iyong sibuyas?" Lumapad pa lalo ang ngisi ni Zion.

"O, ano naman ang mayroon sa sibuyas, ha? Para kang siraulo-"

"Masarap ba ang sibuyas?"

Napaubo bigla si Audrey sa sinabi ni Zion. Mabilis naman itong inabutan ng tubig ni Terrence. Hindi maalis ang tingin ko sa kanilang dalawa.

Naaalala ko pa rin ang eksenang nasaksihan ko kanina. Hindi tuloy ako mapakali. Gusto kong itanong kung ano ba ang mayroon sa kanilang dalawa.

Baka masaktan lamang si Audrey lalo na't mayroong girlfriend si Terrence. Natatakot akong mangyari iyon pero alam kong hindi ko na siya mapipigilan pa.

Mahal niya talaga si Terrence, na kahit masakit ay handa siyang magtiis. Hindi mahahalata na nasasaktan siya kasi palagi siyang nakangiti. Siguradong nasanay na talaga siyang nasasaktan.

"Ano naman ang mayroon sa sibuyas? Ganoon pa rin naman ang lasa!"

Mahinang hinampas ni Zion ang dibdib nito na mukhang proud. Nakapikit pa. "Ako ang naghiwa ng sibuyas, siguradong masarap iyan. Pwede na yata akong maging chef sa galing kong humiwa."

Muling napaubo si Audrey. Umiling lamang si Terrence, nakangisi pa. Mukhang ipinagmamalaki ni Zion ang ginawa niya kaninang paghiwa sa sibuyas.

"Siraulo! Ibang hiwa ang nasa isip ko dahil sa kamanyakan mong taglay!"

"Hiyas iyon, hindi hiwa. Magkaiba kaya iyon." Binato ni Audrey si Zion ng roll na tissue. "Denden naman!" Hinahaplos nito ang noo, masama ang tingin sa babaeng iyon.

Maging ako'y hindi na rin mapakali sa kinauupuan ko sa kalandiang taglay ni Zion. Hindi ko pa nauubos ang kinakain ko.

Wala pa rin iyong dalawa. Baka raw gabihan ng uwi si Ally kasi kasama niya ang kaniyang mga kaibigan. Marami raw silang ginagawa sa kanilang Accounting na subject. Wala naman kaming balita kay Dave na mukhang kasama pa rin ang babaeng iyon.

Napahawak ako sa aking dibdib. Bakit parang nanikip iyon nang isipin kong magkasama pa rin silang dalawa hanggang ngayon? Ano naman ang pakialam ko sa kanila?

Hindi pa rin kasi mabura sa isipan ko ang nasaksihan ko kanina. Nasasaktan ba ako?

Mabilis akong napailing. Wala naman akong gusto sa lalaking iyon, ah. Siguro nga nasanay lamang ako na ako ang binibigyan niya ng atensyon.

Pero bakit niya ako binigyan ng bracelet? Bakit niya hinahawakan ang aking kamay? Ano ang mga iyon? Dahil ba magkaibigan kaming dalawa? Ganoon ba ang ibig niyang sabihin sa mga iyon?

"Sieana!"

Napahawak ako sa dibdib nang tawagin ako ni Audrey. Nakatingin na silang tatlo sa 'kin. Maging si Zion na kunot ang noo na halatang nagtataka kung bakit ako tulala.

Tears of Heaven (Tears Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon