Chapter 20

13.5K 727 70
                                    


Chapter 20
Felix


I can't throwback what's really happened last night. O baka, ayaw ko talagang isipin dahil sa kahihiyan.

Pagkatapos 'nun ay nilabas ni Diego si Don Cleo para kausapin. Diego made Don Cleo believe na nasa silid na ako at hindi na dapat storbohin pa.

I cherished the moment I spent with Felix. Paano kaya kung siya nalang ang tinitibok ng puso ko? Masasaktan kaya ako ng ganito? Magseselos ba ako ng ganito?


Kinabukasan ay kumpleto kami sa hapag kainan. Halos durugin ko ang steak na nasa aking pinggan dahil sa titig sa akin ni Diego.

I still hate him. Period.

"Hija baka gusto mo ulit na magpractice sa ating shooting range? For advantage na rin. Martial arts and guns, kumpleto doon." ani ni Don Cleo. Ayos na ayos siya para sa araw na ito.

Umiling ako at uminom sa aking gatas. I saw Diego lingered his eyes on my mild, then on my lips. Halos umirap ako.

"Next time siguro Don Cleo. Mas gusto ko munang magpahinga sa kuwarto ngayong araw."

"Alright! Mukhang napagod ka sa lakad niyo kahapon ni Felix Mondragon huh? You two look good together.." ngumisi si Don Cleo sakin bago bumaling kay Diego.

Nakayuko na si Diego sa kanyang pagkain at seryosong ngumunguya.

"Right, son?"

"It depends to Mystique Don Cleo. Masyado pa siyang bata para makipag relasyon."

Halos mabilaukan ako sa sinabi niyang iyon! Impakto! Sobra pa nga diyan ang ginawa mo sakin!

"Kunsabagay, pero alam mo malaking asset rin ang mga Mondragon e. Felix family were quiet powerful. Gusto ko itong si Felix kasi naghihirap bago makapunta sa itaas. Determination before power.." uminom si Don Cleo sa kanyang kape at madilim na tumitig sa akin.

"Don Cleo.. Felix is a great man. Magkababata kaming dalawa pero tama si Diego, siguro nga crush at gustong gusto ko si Felix but not in the point na pakakasalan ko na siya. Just a little landi will do," matamis akong ngumisi kay Don na ikinabunghalit niya ng tawa.

Kinagat ko ang labi ng matalim akong titigalin ni Diego. Sige! Magalit ka diyan hanggang sa pumutok yang pantog mo!

"Alright.. alright Mystique.. I will let you enjoy your life here. Ayoko nang pag bawalan ka pa sa kung ano basta't mag ingat ka lang." tinapik nito ang balikat ni Diego bago umalis sa mesa.

Nasa gilid naman si Addelyn, kakarating lang niya mula sa kanilang probinsya kagabi.

Hindi siya masyadong tumitingin sa akin ngunit sa tuwing nahuhuli ko ang tingin niya ay malamlam naman ang kanyang tingin sa akin.

Siguro aware naman siya na alam ko di'ba?

I excused myself para makapag handa na sa binabalak ko ngayong araw. I am planning to go in Felix tower. Tutal, hindi naman mahigpit na si Don Cleo ngayon.

Papasok ako sa kuwarto at naghahanda na para makabihis at makapag ayos ng may kumatok sa pintuan. Pumasok si Addelyn.

Ngumiti siya sa akin.Parang tulad ng dati ah?

"Senyora.. Uhh ako na po ang mag aayos sa inyo.."

Napanguso ako at humalukipkip sa harapan niya. I saw how she feared with me. Takot siya sa akin pero hindi siya takot lumandi. Matagal na siya dito sa mansyon pero hindi niya ba alam na hindi ko naman tunay na kapatid si Diego?



Blood of Roses (Mafia Series 3)Where stories live. Discover now