Chapter 27

12.6K 754 60
                                    

  Chapter 27
Gusto

It all happened so fast. Wearing my black tube top, black jeans and a boots, handang handa na akong lumayas sa mansion na ito.

Nakapamulsa si Diego katabi ng sasakyang ibibigay para sa akin ni Don Cleo. A matte black, ferrari.

"Thank you po." sabi ko sa tauhan na tumulong sakin sa aking mga bagahe. Dala ko lahat ng gamit ko. Mga dati kong damit. Wala akong dinala nang mga binili ko gamit ang pera ni Don Cleo. Nandito na rin sakin ang gold card, black card, at hinulugan ako ni Don Cleo ng 50 million pesos sa aking bank account.

Hindi ko pinansin si Diego at tuloy tuloy ako sa pag bukas ng sasakyan pero hinawakan niya ang braso ko.

"You will leave with me. Hindi pa tayo nagkakausap. Marami tayong pag uusapan."  mahigpit ang hawak nito sa aking braso at napalinga linga siya sa paligid. Langhap na langhap ko ang mabango niyang hininga.

Napataas ang kilay ko.

"What? You have the guts to say that?" I spat. Mariin ko siyang tinitigan.

"Hindi ka lalayo sa akin Mystique." babala niya.

Isang sampal na agad ang pinatamo ko sa kanya. Naiiyak ako sa inis, galit at awa sa sarili ko.

"After what you've done?! Pinaglaruan mo ako! Alam mo? Kung may gusto man akong makasama ngayon...iyon ay si Felix!!"

Unti unti akong tumitig sa likuran niya, kung nasaan si Addelyn. She looks so stunned and pained. In the other life, I's pity her.

But no.

Napatingin rin si Diego sa likod niya kung nasaan ang kanyang kapatid. His eyes were bloodshots.

"Kung hindi kita masasaktan...sasaktan ko ang taong mahalaga sayo." bulong ko sa kanya at matamis na nginitian si Addelyn na malamig na nakatingin sa akin.

Alam kong kagaya ko, nasasaktan siya dahil magkasama kami noon ni Felix. Nasaktan siya pambalewala ni Felix.

Wala akong alam kung bakit nagkakaganito sila ni Felix. One thing is for sure... Felix is my comfort zone.

Tulala ako habang nakatingin sa harapan. Kung hindi pa bumusina ang sasakyan sa likuran ko dahil Go light na ay hindi pako matatauhan.

Wala akong ediya kung saan ako pupunta. Kung saang hotel ba ako tutungo?

Ni wala pakong cellphone. Ang cellphone ko nakalutang parin doon sa transparent na vase sa kwarto ko.

Dahil nga wala pa akong cellphone ay pumasok ako sa isang mall para makabili ng cellphone.

"Good day madamé!"

Tumango ako. "Give me the best and expensive cellphone you have here.."

Napaawang ang labi niya pero ngumisi rin at tumango sakin.

"Right away, Madamé."

Nakatingin sa akin ang mga kasamahan niya maging ang kanilang cashier. Mukhang pinag uusapan nila ako.

Oh, Dear. Maraming espesyal talaga sakin kaya pag uusapan niyo talaga ako.

It took so long before they handed me the box of expensive cellphone. Binigay ko naman sa cashier ang gold card ko na may tatak Mafia sa gitna. Halos atakehin naman sila sa puso.

Ngumuso ako at humalukipkip nalang habang tinitigan sila na parang tanga.

Napagdesisyonan kong kumuha muna ng hotel para sa araw na iyon. Konti lang ang damit na dala ko. Mabuti nalang rin nakadala ako ng mga sabon, shampoo at kung ano pang personal na bagay para sa akin.

Maganda at magara ang suit na nakuha ko. May kasama nang pagkain ang binayad ko kaya iyon ang inaantay ko ngayong gabi.

Binuhos ko ang araw sa pag hahalungkat sa bagong cellphone at pag text at tawag kay Felix na hindi niya naman sinusuklian.

"Damn it!" hinagis ko sa kama ang cellphone dahil hindi pa rin sumasagot si Felix.

My food was delivered that night at may kasama pang wine. May malaking flat screen tv rin sa harapan ng kama kaya hindi na rin ako nabagot kahit paano.

Pinag isipan ko kung paano ko sisimulan ang araw ko bukas. Kung saan ko mahahanap si papa. Papasok sa isang Unibersidad at pagpatuloy ang naudlot kong lessons kay Felix at sa iba kong guro dati.

Para sakin, hindi malaking bagay na umalis ako sa mansyon. Hindi na malaking bagay pa sakin kung nawalan man ako ng pamilya. Ni hindi ko naman naramdaman kung pamilya nga ba talaga kami doon sa mansyon na iyon.

Ang daming bawal. Ang daming hindi ko alam. Hindi ako naging masaya doon.

Hindi ko inayos sa cabinet na meron sila dito dahil wala akong balak mag stay ng matagal.

---

Maaga akong nagising. May nag delivered na agad ng breakfast ko. Kinain ko iyon habang nag iisip kung ano na naman ang plano. Pero hindi ko dapat pabayaan ang pag aaral kaya iyon muna aatupagin ko dahil na rin hindi naman sumasagot si Felix sa mga tawag ko. Hindi siya ganon sakin. Ngayon lang.

Isang gabi lang ang binayaran ko sa Hotel kaya maaga rin akong nag check out.

Aking binabaybay ang kalsada at maaga pa lang.. traffic na. Dahil nga mahina ang usad ay.. napapansin kong may kotseng bumubuntot sa akin.

Nangunot ang aking noo at nang makitang hindi na masyadong traffic ay pinaharurot ko na ang kotse ngunit ganon rin ang pagsunod nito sakin.

"Bitch..." I cussed. Niliko ko ang kotse sa isang eskinita para masigurado kung ako nga ba ang sinusundan nito at hindi ako nagkamali.

Huminto ang kotseng pula at lumabas doon si Melissa.

Nilapitan niya ako. Wearing her white plain dress na hanggang tuhod at dollshoes niya. Nagmukha siyang nanggaling sa mental.

"Mystique.. Puwede ba tayong mag usap?"

Nakababa na ako sa kotse at magkalapit na kami.

"Paano moko nasundan? Ano naman ang pag uusapan natin?"

Lumamlam ang titig niya sakin. Parang, nakasalamin kami sa isa't isa. Ako na demonyo at siya namang anghel.Parang nasa magkabilang daymensyon kaming dalawa.

"Pinahanap kita sa mga tauhan. Nag aalala ako sayo. Bumalik ka na sa mansyon. Wag mo nang alalahanin si Papa."

Ang boses niya parang magiging maayos nga ang lahat. Parang nagpapawi ng pangamba pero hindi dapat. We are not close.

"Si Don mismo ang nag desisyon. Bakit pa ako babalik? Come on, Melissa. Ano ba talaga ang pakay mo sakin?"

Yumuko siya at muli akong tinitigan.

"Mag-..Magkasama ba kayo ni Diego buong gabi? I.. I mean..kasi hindi siya umuwi. Magagalit si papa Mystique kapag malalaman niyang magkasama kayo.."

"Ang damot mo naman. Ganyan ka ba ka desperada? Hindi e. Hindi kami mggkasama. Diba mahal ka niya? Binalik balikan ka niya sa Samar? Madalas siyang mawala dito nung kelan e."

"W-What?" tila lumalim ang pag iisip niya. "Hindi niya ako napuntahan sa Samar. May trabaho siya doon, alam ko iyon pero ni hindi niya ako pinuntahan.." kumuyom ang mga palad niya.

Desperate bitch.

"Aw. How sad." sabi ko. Mali pala ako. Mali ako sa akalang si Melissa ang pinunta niya doon.

"Pero hindi mo naman siya gusto di'ba?" tanong niya. Nag babakasakali.

"Gusto. Gustong gusto ko siya Melissa." ngumisi ako sa kakambal ko. "Hindi ako titigil hangga't alam kong baliw siya sa akin-"

Bigla siyang napahawak sa kanyang dibdib. Namilipit siya sa sakit hanggang sa bumulagta siya sa daan.

Agad namang tinulungan siya ng mga tauhang kasama niya. Habang ako, nakatulala at hindi alam kung sisisihin ko ang sarili.

"M-Mystique.." pag hihingalo niya. Nakita ko kung paano siya mamutla. Ang kanyang daliri ay nagkulay violet at hindi siya makahinga! Nagmadali ang mga tauhan na kargahin siya. Ang isa naman ay tinawagan si Don Cleo at Diego!

Damn! Ano ba itong nagawa ko?!

Blood of Roses (Mafia Series 3)Where stories live. Discover now