Chapter 17

12.6K 714 43
                                    


Chapter 17
Samar

I kept my mouth shut from what I had saw. Masakit iyon sakin. Diego is the first man na minahal ko. Nagtiwala ako sa kanya. Puso at katawan ko binigay ko.

Siguro, nagpa dalos dalos ako. Naging marupok ako. And now, I am embracing the pain. The consequences of my reckless decision.

Nagkunwari ako na wala akong nakita. Isang beses ko pa lang sila nakita alam kong may susunod pa. Kaya kung sasabog ang bombang kinikimkim ko, baka maagang mabuko at hanggang doon nalang ang malalaman ko.

Nakabalik na si Don Cleo at balak ko nang gawin ang mga plano ko.

Ramdam’ ko ang seryosong titig sakin ni Diego mula pa kanina. Nawawalay lang kung kakausapin siya ni Don Cleo.

“I'm so proud of you my....son. Lahat talaga ay ginagawa mo para sakin.." ngumisi siya at magiliw akong tinitigan.

"Ikaw naman unica hija ko? Baka may mga gusto kang hingin’ sa akin bukod sa pag shopping at pag aaral?"

Napaisip ako at napaangat ang kilay. Titig na titig parin sakin si Diego tila nahiwagaan kung bakit parang may iba sa akin. Umiiwas ako sa aming titigan dahil baka mapakita ko kung gaano ako kagalit. Alam kong, mahuhuli niya agad na galit ako. Iniiwasan ko ang mga hawak niya dahil baka tuluyan na akong sasabog kaya pinanatili kong ganito na lamang.

“Hm, I saw the new arrived guns Don Cleo. I'd like to try one. Puwede ba ako sa shooting range niyo?"

Tila hindi rin inaasahan ni Don Cleo ang aking sinabi.

Ngumiti ako ng pagak. "Mahilig po ako sa baril noon paman na hindi niyo pa ako nakikita."

"Oh! alright! Ofcourse puwede! Pero ang ating private shooting range ay nasa Batangas pa."

"And that's great Don Cleo. I want to bring kuya Diego with me."

Tumitig ako kay Diego at ngumiti ngunit tila alam niya na ang ngiti ko ay peke kaya hindi ito nagsukli.

"Alright. Just do what you want hija. May aayusin rin ako. Malapit na ang kaarawan ko kaya.." he shrugged. Nabigla ako doon.

"Oh really? Magpapaparty kayo?" Now I'm curious kung paano magpaparty ang isang Don Cleo.

"Hmmm..what do you think? Gusto mo ba?"

Napakurap kurap ako. Kahit ganito, napupuna ko ang lahat nang mga bagay na binibigay niya sakin..Ramdam kong gusto niyang bumawi ngunit kapag ako ay naging sutil..kanya akong pinaparusahan.

"Depende sainyo Don." yun nalang ang sinabi ko at kumain.

Pagkatapos kumain ay naghanda na ako. Hindi ko nakita si Addelyn. Kakaiba. Kakaiba dahil kung tinuring niya akong kaibigan ay sasabihin niya iyon sakin lalo na't personal ko siyang katulong.

Umasim ang aking sistema dahil doon. Hindi ko nalang iyon inisip. Nagsuot ako ng isang bomber jacket na dark green. Ang panloob ko ay itim na spaggheti top at pinaresan ko ito ng itim na fitted jeans. Pinuyod ko rin ang mahaba kong buhok.

Nang lumabas ako ng kuwarto ay tumambad na sakin si Diego na nakapamulsa at tila kanina pa nag aantay. Nakahilig siya sa dingding kaya tumama agad ang aming tingin.

"Let's go?"

Hindi siya sumagot. Nanunuri ang kanyang tingin at luminga linga. Tumango siya kalaunan kaya nauna na akong bumaba.

I know I am safe with him. Tsaka heavy guarded ang shooting range ng mga Mafia sa Tagaytay at Batangas so, I have nothing to worry about.

Ibang sasakyan ang kanyang ginamit. Isang black sleek car na walang tatak na may kinalaman sa Mafia o anuman. Tila pinag isipan niya na hindi kami mapahamak.

He opened the door for me then I slid in. Pumasok rin siya at pareho kaming tahimik habang binabagtas na ang daan. Isang mahabang kalupaan muna bago ka makalabas papuntang highway. Ganon kalawak ang mansyon ni Don Cleo.

Ilalagay ko na sana sa aking tenga ang headset ng hilahin iyon ni Diego. Napatingin ako sa kanya at gulat.

"What?!"  I hissed.

"May problema ba tayo?" habang tinatanong niya iyon ay napatingin ako sa kanyang braso na mamutok mutok sa muscle kaya umiwas ako at sinapo ang noo.

Goodness.

"Answer me properly Mystique...”

"Wala.." boring kong sagot. Napatingin siya sakin at umigting ang panga. He's not buying my reason but I do not care.

"You're cold to me. Baby, tell me what's going on.." dagdag niya. Nanahimik nalang ako.

Sanay na sanay na sa mga seryosong pagsusumamo niya.

"You're nosy Diego. Shut up please.."

Nagtagpo lang ang kilay niya tila mas lalong nagtaka. Huminga siya ng malalim at tumango.

I did great. Sa 15 na bala'ng pinutok ko ay dalawa lang ang pasok. Tingin ko'y kulang ang pag eensayo ko. Diego was with me the whole time. Inaalalayan niya ako kahit hindi ko siya masyadong kinakausap.

Pauwi na kami nang may tumawag sa kanya. Nagkunwari akong tulog kahit naririnig ko ang mga sinasabi niya.

He sounds worried and shocked.

"Alright...I'll be there. Don't worry." aniya. Iyon na ang huling narinig ko bago niya mas binilisan ang pagmaneho.

Gising na ako bago kami makarating sa mansyon. Ramdam ko ang pagmamadali niya. Ni hindi niya ako napagbuksan ng pinto.

I ignored all of it. Tulad ng sabi ko,ayoko pang sumabog dahil gusto ko pang may malaman.

I took a rest inside my room hanggang sa sumapit ang gabi. Ganito ka boring ang sabado o linggo ko.

Sa hapag kainan ay wala si Diego pero nandoon si Don Cleo. Ngumiti siya ng makita ako.

"Did you enjoy it hija?" tukoy niya sa shooting range kanina. Tumango ako bago nilapag ng katulong ang aking kakainin. Wala si Addelyn.

"Uhm..nasaan si Kuya Diego Don Cleo?" tanong ko at nagsimulang kumain.

"Nagmamadali siya kanina. And he tell me na may kailangan siyang ayusin sa Samar. You know Diego may sariling buhay. I've once heard na nandoon raw ang babaeng mahal niya.." humalakhak si Don Cleo. "I heard it on the inteview of him. So yeah..baka babae.." mala santa claus na tumawa si Don Cleo habang ako ay pinoproseso ang sinabi niya.

"S-Samar?" ulit ko.

"Yeah..Samar. Ilang taon pa balik balik doon itong si Diego so I think..it's a girl. May binalik balikan doon si Diego na babae. Kahit na may pinapares sa kanyang iba, alam kong nasa Samar ang gusto niya pero para sa akin lang naman iyon.."

No way.

Nanginginig kong nilapag ang kutsara. Parang dinudurog ang puso ko. Hindi ko na alam kung paano pa ito pagpapatuloy. Gusto ko nalang umalis at lumayo sa lahat na ito.

Samar is Addelyn's province..

Blood of Roses (Mafia Series 3)Where stories live. Discover now