Chapter 13

14K 744 52
                                    


Chapter 13
Bloomeria


Sa batas nila, marami pa akong hindi alam. Aware ako na, wala pa sa kalahati ang mga nalaman ko.

Ang mga titigan nila Marco at Diego ay tila alam na alam na nila kung ano ang ibig sabihin..Marami ang tumatawag kay Marco, kay Leon, gayon din kay Diego.

I heard Don Cleo's curses on the other line. Napapikit rin si Diego.

"I will take good care of her now pa. Don't worry..."

Umiwas ako at tinuon nalang ang tingin sa mga gusali. Pinaimbestigaham na raw ni Don Cleo ang mga may pakana.

"Mahirap ang walang body guard Diego.." Singit ni Leon nang ibaba ni Diego ang kanyang cellphone.

Tahimik akong nakikinig sa kanila. Iba ang pakiramdam kung sila ang magkasamang tatlo. Si Marco, naka cap na itim at may dragon na tattoo sa braso. Si Leon, maangas at mukhang delikado. Si Diego, walang pinagkaiba sa kanila. Mabigat ang ere kapag sila ang kasama. Kung hindi ka makikisabay, maiilang ka.

“I know..." pinukol ako ng tingin ni Diego pero namahimik rin. Alam niyang ayaw na ayaw kong may body guards.

"Mahirap lalo na't anak ni Cleo..uhaw talaga ang kaaway Diego. You know that." Si Marco naman ngayon at sumulyap pa ng tingin samin. Napaubo siya ng makita ang kamay ni Diego sa aking hita.


Natapos ang kanilang usapan. Hininto kami ni Marco sa isang basement at nakita ko doong pinatunog ni Diego ang kanyang Mustang. Bumaba rin si Leon at may pinatunog na kotse.

Bumaba si Marco at tinitigan ang kanyang relo.

"I'll go now.." ngumisi siya sakin kaya ngumiti ako pabalik. 

Hinila agad ako ni Diego papasok sa kanyang Mustang. Nangunot ang aking noo sa kanyang inasal. Lalo na narinig ko ang panunuya na halakhak ni Marco.

His car is hot. I mean, literally. Agaw pansin ito sa daan.

"You're rude to your friends Diego.." napuna ko.

He sigh deeply. "Why? You like my friends?" galit ang boses niya.

Umiling ako at umirap. Ang kaba ko kanina ay unti unting nawawala. Sila Diego, sanay na sa ganito kaya siguro nakakahuma sila agad.

Napaisip ako. Yeah. His friends is friendly, so why not?

"Yeah..Marco is so hot..and Leon too.."

"Tsss..mga panget naman 'yun." nakita ko siyang ngumuso na tila galit. Nasa daan ang kanyang tingin.


Umiling ako. Alam kong...masyadong maaga para maramdaman ko ito sa kanya pero wala na akong magawa. Napasok ko na ang gulong ito, there's no way to back out.

Siguro ako na 'yung tipong mamahalin ko ang isang tao kahit na napakakumplikado. Well, wala namang hindi kumplikado sa mundo di'ba?

Love is all about..happiness and tears. At handa akong maranasan ang dalawang iyon pagnagkataon.

"Ngayon alam mo na ang kalalabasan kapag wala kang bodyguards. Noon, hindi mo pa nararanasan ito dahil kami palang ang nakakaalam pero ngayon marami na. You're expose Melissa- uh I mean Mystique.." he cleared his throat at nagparking siya sa labas ng mall.

Nasabi siguro sa kanya ni Don Cleo na gusto kong magmall.

"I know...hindi ko naman alam na ganito ang mundo niyo. Noon nararanasan ko rin ang habulin pero hindi ganito kadalas.."

Speaking of...hindi na nagpaparamdam sakin si papa. Siguro, kumukuha lang siya ng tiyempo? Hindi ko rin alam kung makakalapit pa siya sakin gayong kailangan ko na nga talaga ng bodyguards.


Parang nakalutang ako lalo na't hawak ni Diego ang aking kamay. I was smiling the whole damn time kahit na noong namimili ako ng damit.

Nasa gilid siya ,nakaupo at nagmamasid sakin. Hinugot ko ang isang white dress na maikli tsaka pinakita sa kanya.

"Maganda?" I asked him.

"Too short.." ignora niya. Parang magjowa na talaga kaming dalawa!

Tumayo siya at lumapit sa mg pinagpipilian ko. Humugot siya doon ng isang pink t shirt at binigay sakin.

I frowned coz' it's too plain. Damn!

"Ang boring naman ng t shirt na iyan Diego.." irap ko.

"It's better than showing your thighs...they are for my eyes only.." aniya at naghuhugot pa ng kung ano anong t shirt! Basta t shirt! Ugh!


Naiinis ako pero sa bandang huli, tinanggap ko rin. Mayroon pa siyang mga kinuha! He knows my sizes! Humugot siya ng Keds shoes , sneakers!  Mga tipong malalayo sa porma ko!

I like tube dress! Smokey tops! Shorts and anything shorts! Kung sabagay, sa kanya na mismo nanggaling na ayaw niya nang nagpapakita ako ng balat!

I call this a date!

Mga nasa anim na paperbags ang kanyang dala. Nagmukha siyang bodyguards ko!

Pinagtitinginan kami ng mga tao. Baka familiar sa kanila si Diego? Napaka hideous naman ni Diego kasi naka cap. Hindi masyado kita ang mukha. Ang alam ko kasi, ang tulad nila hindi puwedeng maexpose sa lahat. Speaking ng Nila...kasama pala ako doon.




Sumakay ulit kami sa kanyang Mustang. Tinted ito. I buckled myself at nakita kong kinuha niya ang cellphone niya at tila naiirita.

"Jadds, fuck off. We don't need bodyguard here.."

Nangunot ang noo ko kaya napatingin ako sa likod. May sasakyan nga doon!

May pinadala si Don Cleo na tauhan?!

"Make sure..." banta ni Diego.

"Pinadala ni Don Cleo?" binaba niya ang kanyang cellphone at hinagis sa dashboard. Napatingin rin ako doon.

"Yeah..."

Pinaandar niya ang Mustang at napako ang aking tingin sa cellphone niyang nakaharap sa akin ang screen.


My forehead creased and my heart thumb. Ako ba yan?

Ako ba yang nasa wallpaper niya?

Napalunok ako at kinuha ang kanyang cellphone mula sa dashboard. Kumalabog ng husto ang puso ko.

Ako ito.. Kung hindi ako nagkakamali ay sa kuwarto ko rin ito mismo sa mansyon ni Don Cleo. Ninakawan ako ng picture ni Diego habang natutulog ako?

Well, ilang beses narin naman siyang pumapasok sa kwarto ko ng walang paalam. Nasa kabilang kuwarto lang naman siya.

But why I feel so strange?

"I-Is this me?" mahinang bulong ko.


Pumungay ang titig ni Diego sa hawak kong cellphone niya pero hindi niya binawi sakin iyon. Humigpit ang hawak ko doon.

"Mahal na mahal mo talaga ako n-no?" nautal ako. "Nakuha mo pang nakawan ako ng litrato huh?"

Ngumisi ako sa kanya pero seryoso ang sinukli niya sakin. He stopped the car sa isang abandonadong gusali.

"Uh-huh.." Tinawid niya ang aming distansiya at hinawakan ang aking batok. Tumindig ang aking balahibo sa kanyang ginawa lalo na' nakita ko ang pangangailangan niya sa aking labi.

Blood of Roses (Mafia Series 3)Where stories live. Discover now