Chapter 30

15.7K 807 68
                                    


Chapter 30
Ruined


"You....." napakurap kurap ako. "You what Diego?"

Tinitigan niya akong mabuti at bumuntong hininga siya.

"Hindi dahil sa underground battle yang mga pasa mo Diego. Tell me... anong ginawa nila Don Cleo sayo?"

"Wala ang mga pasa na ito Bloom. Sanay ako dito mula pa noon. Mas hindi ako sanay kapag malayo ka sakin."

He cannot get me by his sweet words.

Napahawak ako sa batok ko. Ang bata ko pa para magka highblood pero na naha-highblood na talaga ako ngayon.

"Eh, ano ang gagawin mo dito?" pagod kong tanong. Rude na kung rude pero para saan pa?

"Dahil ayokong malayo ka sakin?" Sagot niyang patanong rin sakin.

Humalukipkip ako. Sumasakit talaga ang ulo ko.

"What about my twin?"

Nilapitan niya ako. Hindi nagtagpo ang balat namin dahil nagbigay siya ng distansiya.

Humawak siya sa mesa at hinagod ang kanyang buhok.

"She's in the hospital.."

Parang alam ko na. "Dahil ba umalis ka kaya siya nandoon?"

He nodded lazily. "She's like that even before. Kailangan kong gawin lahat ng gusto niya para hindi siya sumpungin."

Ano siya? Baliw?

Napahilamos siya ng mukha at muling inayos ang mesa. He cook so well. Walang kalat sa kung saan at naka well arrange ang plato sa mesa.

Umupo ako at nag antay nang mga gagawin niya. Sumasakit talaga ang ulo ko.

"Diego.... sumasakit talaga ang ulo ko." ungot ko sabay himas ng ulo ko. "Paano ako makakamove on nito e' buntot ka ng buntot sakin? Wala na tayo-"

"Hindi mo pa pinapakinggan ang side ko Bloom." Nag lagay siya ng gatas sa harapan ko at umupo sa aking tabi. As in sa aking tabi.

"Sa mga nakita ko palang Diego ay alam ko na. Hindi ko na kailangan ng explaination mo. Diego.... Nang malaman ko pa lang na ikaw yung boyfriend ng kambal ko, nasaktan na ako. Bakit? Don Cleo likes you for my twin. May sakit si Melissa, doon palang ano ang laban ko? It's a mess na gusto ko nalang magpaka layo layo."

Nangunot lalo ang noo niya. "Sinong nagsabing boyfriend ako ng kambal mo?"

Sa lahat nang sinabi ko ay iyon pa ang natandaan niya.

Kumuha ako sa toasted bread at kumain doon. "Bakit? Hindi ba? Narinig  ko iyon sa kambal ko. Unang tingin ko pa lang sa kanya ay patay na patay na sayo. Mabuti nalang hindi ako patay na patay sayo. Kaya ko pang humanap ng iba!" lumamon ulit ako ng isa pa. "Katulad ni Felix-"

Hinila niya nalang bigla ang silya na kinauupuan ko. Nabigla ako doon at hindi ko nakain ang natirang toasted bread sa loob ng bibig ko.

He's so near me. Nakaabot na sa aking kaliwang tenga ang kanyang labi. Nasa magkabilang silya ang kamay niya, kinukulong ako. I sense the atmosphere change. Ramdam ko ang galit niya.

"I understand that you are mad to me. Pero hindi ko maintindihan kung bakit kailangan mo pang ipalit ako kay Felix Mondragon." hinalik halikan niya ang aking leeg. Hindi na ako makahinga.

"My baby Bloom... do not push your daddy's button.. you know things I can do, right?"

Ngumiwi ako at tinulak siya. "Teka nga.. Hindi mo ako-" dahil hindi ko nga tuluyan na naitulak siya, he find a way to my lips. Halik na hinahanap hanap ko. Pinikit ko ang mga mata para tibayan ang kapit ng karupukan ko.

Blood of Roses (Mafia Series 3)Where stories live. Discover now