Chapter 14

13.7K 724 61
                                    

Chapter 14
Bala


Nang gabi na noon ay umalis sila Diego at Don Cleo. May importante raw na lakad ayon sa mga tauhan na naiwan sa mansyon.

The mansion were heavy guarded. Dahil siguro sa nangyari kanina. Nakasuot na ako ng silky sleepwear nang bumaba ako para makainom ng gatas.

Naabutan ko doon ang isang katulong na bago. Nang makita ako nito ay yumuko siya.

"Magandang gabi senyora. May ipag uutos ka po ba?"

Umiling ako. "Wala, kukuha lang ako ng gatas."

Ngumiti siya sakin at tumagilid. Sa laki ng mansyon na ito hindi ko na yata matandaan ang mga katulong na nakasalamuha ko.

Nakita ko siyang nagmamop sa sahig. Nahiya ako dahil mukhang nadumihan ko pa yata ang sahig. Sinilip ko ang aking paa at malinis naman ito.

Tahimik ang mansyon. Ang ibang ilaw ay nakapatay. Ito lang ang kusina ang hindi.

Kumuha ako ng gatas sa ref at binuhos iyon sa baso. Umupo ako sa stool.

"Gabi na ah. Bakit hindi kapa natutulog?" tanong ko sa katulong. Tila nabigla ito sa aking tanong.

"A-Ah..Ano..m-marami pa kasi akong gagawin."

Ngumuso ako at tumango. Napakaboring dito . Wala naman sigurong masama sa pakikipag usap sa kanila. Sila lang itong takot makipag usap sakin.

"Tulog na ang ibang mga katulong e. Pwede ka nang magpahinga..by the way..what's your name?" sabay inom ko sa gatas.

"Addelyn.."

Tinagilid ko ang ulo ko at sinuri siya. Bahagya siyang natakot sakin at pinagpatuloy ang paglilinis niya.

"Matagal ka na ba dito?"

"M-Mga iilamg buwan palang po senyora.."

"Okay! Maganda ka. Bakit pa pala dito nagtatrabaho?"

"Kasi po tinulungan ako ni s-sir Diego na makahanap ng trabaho."

Napanguso ako. Iba iba talaga ang kwento ng bawat tao.

"Nag aaral kapa ba?" tanong ko.

Umiling siya at malungkot na tumitig sa mop na nasa sahig.

"Mag iipon pa po ako senyora."

A bright idea pop in my mind.

"What if...mag aral ka ulit? You know...dito lang ako mag aaral sa mansyon. Pwede kang makipagsabay sakin. Same year lang yata tayo e. You're eighteen?"

"O-Opo senyora pero nakakahiya po.."

"Hindi yan. Hahayaan yan ni Don Cleo. Wala yung pakealam at sisiw lang sa kanya ang pera."

Walang nagawa sa kagustuhan ko si Addelyn nang pilitin ko siya. Hindi naman siya umoo sakin pero para sakin pumayag siya.

Lumipas ang isang linggo at ngayong araw ay inaabangan ko ang guro na sinasabi ni Don Cleo na magtuturo sakin.


Nasa hapagkainan na kami. Ang pansin ko ay nasa mga katulong na nakahilera sa gilid. Inalam ko ang mga salary nila, malaki naman pala. May mga 13th month rin na binibigay sa kanila. Ang karamihan ay mga dukha na tinulungan ng organisasyon.

Nakita ko si Addelyn doon na nakatingin pala sakin. Ngumiti ako sa kanya at ngumiti rin siya sakin pabalik.


Nasa gilid ko si Diego at nakatingin sa aking pagkain. Si Don Cleo naman ay maraming sinasagot ma tawag.

"Eat vegetables Mystique.." utos sakin ni Diego. Napatingin rin ako sa pinggan ko. Nasa gilid 'yung talong at kalabasa.

"I'm not eating squash Diego.."

Tumalim ang tingin niya sakin at binuhusan ng gatas ang aking baso. Ngumiti ako sa kanya.

"Mystique hija.. mamaya nandito na ang guro mo sa English. I hope you understand na homeschooled ka muna." hinilot nito ang sintido. "Goodness, ang daming gustong makilala ka anak."

"I understand.." ngumiti ako ng tipid. It's all part of my act. Gusto kong makuha ng buong buo ang tiwala ni Don Cleo. Then, after that..I will.dig dipper.

"Pa, kapag wala akong ginagawa pwede namang ako muna ang magbabantay kay Mystique."

Tumango tango si Don Cleo. "Bring her after her school Diego. Baka mabagot dito. Dalawang araw ako sa Singapore kaya kailangan mo siyang bantayan." nagsimila na itong kumain.

Napaayos ng upo si Diego. Tila interesado sa sinabi ni Don Cleo.

"Pa, yun ba sana ang meeting kay Mr. Sui?"

"Yes Diego...uh.."

"I told you before pa..he's not worth it. Tuso si Mr. Sui." tila galit si Diego. Palipat lipat ang tingin ko sa kanila ni Don Cleo, si Don Cleo naman ay tila natatakot.

"Ahh...Diego.." he laughed. "May kailangan ako sa Sui na iyon but once I'm done...you know what will happen.."

Doon natapos ang kanilang usapan. Nasabi ko rin kay Don Cleo na gusto kong isama si Addelyn sa pag aaral ko kahit na ako na ang magbayad. Pero sabi niya siya nalang raw. Wala siyang interes magtanong pa. Ahead lang ng isang taon sakin Si Addelyn.

Pinaayos ko ang enrolment ni Addelyn sa tauhan sa mansyon. Hiyang hiya sakin si Addelyn.

"Senyora..uh..maraming salamat po talaga. Hindi mo naman po kailangan pa na gawin ito."

Ngumiti ako. "Maliit na bagay Addelyn. Mag bihis kana, magbibihis narin ako. Marami akong notebooks and ballpens kaya ako na ang bahala."



Umalis si Diego kasama si Don Cleo kanina. Tila may pag uusapan ng maigi bago ito umalis.

Nagbihis na ako ng pormal at hawak hawak ko na ang laptop at iba pa na gagamitin namin mamaya sa loob ng library. Kinatok ako kanina ni Addelyn na nasa loob na raw ng library ang guro.

"Nakita mo na ba kung sino Addelyn?" tanong ko habang patungo kami sa library.

Umiling siya sakin. Sobrang pormal niya. T shirt at pantalon ang suot niya.

"Hindi papo senyora. Nasabihan lang ako kanina na sabihan kita. Tsaka umalis na pala ang papa niyo po."

Umiwas ako at tumango. I really don't care though.

Addelyn opened the door for me. Taas noo kong titingnan sana kung sino ang guro ng makita kong si Felix Mondragon pala!

"F-Felix!" I exclaimed shockly.

Ngumisi siya sakin pero ang tingin niya ay naunang dumapo kay Addelyn. Natuod naman ang isa sa tabi ko. Nilapitan ko si Felix.

"Oh my god! Hindi sinabi sakin ni Don Cleo ito!" hindi ko alam kung masisiyahan ako o kakabahan. Namulsa si Felix at ngumuso.

"You should be happy princess..hmm..shall we start? Wala naman siguro may maliligaw na bala sakin dito di'ba?"

"Baka ang bala ko yata ang maliligaw sayo Felix..."

I gasped in horror! Nasa pintuan pala si Diego at nakahalukipkip at matalim na tiningnan si Felix. Humalakhak naman si Felix at presko lang na humilig sa mesa.

Napahilot ako sa sentido sa sobrang stress!

"Uhm, wait for a sec Felix..kakausapin ko lang.."

He nodded. Tumingin siya agad kay Addelyn na tahimik sa gilid.

"Ah, senyora..s-sasama na po ako sainyo-"

"No..sandali lang ako.." sabi ko sabay tulak kay Diego palabas ng library. His hand circled on my waist immediately.

Blood of Roses (Mafia Series 3)Where stories live. Discover now